"And this is Architect Medina.." pagpapakilala sa akin ni Architect.
Imbis na ako ang lumapit ay si Brandon na ang mismong kumain sa distansya namin. Agad niya akong nilapitan at naglahad sya ng kamay.
I can't believe this. Really? Si Brandon Redfields ang anak ng may ari nito? At siya pa ang magiging boss ko!
I know, this wouldn't bother me if only Brandon was just a friend of mine. Pero we've known each other because of the fucking vodka, because of sex. At gusto ko ng makalimutan ang nangyaring iyon. I want to get rid of him. I don't wanna picture his naked body in my mind anymore. And now this?
Pumikit ako ng mariin nang magtagpo ang magaang haplos ni Brandon sa aking kamay.
"Is there a problem?" nagtaas ng kilay ang ama niya.
"I'm looking forward to work with you, Ruby.." napapaos na sabi ni Brandon.
Lumaki ang mata ko sa kanyang sinabi ganoon din ang mga kasama ko. Mabilis akong sumulyap sa tatay niya na medyo nakaangat ang labi. Hindi ko alam kung ganoon nga ang pagkakakita ko dahil masyado akong kinakabahan kay Brandon.
Is he going to show that we've known each other? Sasabihin niya ba sa lahat na isa ako sa mga babae niya? Tumingin ako sakanya at diretso pa din ang mga mata niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Ilang araw lang kami hindi nagkita pero tingin ko ay mas naging gwapo at makisig sya sa paningin ko. Ano ba ito, Ruby!
"Magkakilala po kayo?" singit ni Rasden.
Umiling si Brandon at ngumiti. "It's her ID, binasa ko lang."
Napatunganga lang ako sakanya at tumawa naman silang lahat. Bumalik si Brandon sa tabi ni Sir Gatcheco at nakipag usap na kay Architect. Lahat sila ay normal na ang galaw, parang walang nangyari kanina. Kung sabagay hindi naman iyong big deal sakanila at ako lang ang nag iisip ng hindi normal. Ako lang itong may malakas ang tibok ng puso dahil sa kaba.
Bakit nga naman ako ipapakilala ni Brandon? Isa nga lang naman ako sa mga babaeng ikinakama niya, diba? Nothing special about me.
Ano bang iniisip ko? Ako ang mismong nagsasabing one night stand lamang ang nangyari at ngayon may kung anong pinuputok ang butchi ko.
Bumalik ako sa aking sarili ng sikuhin ako ni Phantine. "Tulala ka ah?" tanong niya.
Tumawa sila ni Coreen sa busangot kong mukha. "Akala ko magkakilala kayo nong sir yummy!" ani Coreen.
Lumapit sa akin si Harry at agad ipinatong ang kamay nya sa balikat ko. Inakbayan nya ako at ngumiti siya.
"True! Siya pa ang lumapit sayo dahil para kang na estatwa kanina girl." sabi ni Rasden.
Kumunot ang noo ko. Palabas na kami sa building pero tuloy pa din ang pagkantyaw nila sa akin. Namumula na tuloy ang aking pisngi. Ganoon ba kahalata ang pagkagulat ko kanina?
"Naka awang pa ang bibig mo nang makita mo siya. Ganoon ba siya kagwapo para mapa nganga ka?" tanong ni Harry at pinisil ang ilong ko.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila. Biglang humampas ang malakas na hangin kaya medyo nagulo ang buhok ko. "Tigilan nyo nga ako. Nagulat lang talaga ako.." giit ko.

BINABASA MO ANG
Wrecked
عاطفيةSome parts may contain unecessary words and scenes not suitable for young readers. But if you insist, read at your own risk. Inspired by Jonaxx's stories ☺️