Daniela Point of View
Ilang linggo na din matapus ang pag da-drama ko kay Gege. Nakaka bwiset pag naalala ko -.-
Sunday ngayon at kakauwi lang namin ni Mama galing sa simbahan. Wala akong balak gumala dahil tinatamad ako. Baka masapak ko lang kung sino mag aaya sakin gumala.
Papikit na sana yung mga mata ko ng bigla namang tumunog yung cellphone ko.
"AAAARRRGGHH!!"
Letse pigilan nyo ko, sasapakin ko tong natawag -.-
"Oh?"
Wala akong pake kung sino man ang natawag. Pag walang kwenta tong sasabihin nya huling araw na nya sa mundo.
(D-dada?)
"Gege?"
Kelangan ng nerdong to?
(Busy ka-ka ba?)
"Depende. "
(Depende kung?)
"Depende kung importante ba yan edi hindi. Pag walang kwenta edi busy ako!"
Bored na sabi ko.
(A-ah g-ganun b-ba? Sige n-ne---)
"Bakit? "
Baka hindi na sabihin kung anong kaylangan nya eh.
(A-ano. A-a-a-aayain sana k-kitang l-l-l-lumabas. )
Pustahan pati tuhod nito nanginginig na -.-
"Punta ka after 1 hour. "
Matapus kong sabihin yun ay binaba ko na yung tawag at naligo na ulit ako. Parang ambaho ko na eh.
---
"Dada? Nandito si Gege. May lakad kayo?"
Pumasok si Mama sa kwarto at yun nga ang sinabi. Nag susuklay pa lang kasi ako.
"Opo. Mamamasyal lang po. "
"Sigurado kang ilalabas mo si Gege, anak?"
Huh? Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ni Mama.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"lumabas ka na lang. Bilisan mo!"
Nung natapus akong mag ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko si Gege na naka upo sa couch. Wala namang kakaiba sa kanya ah?!
"Gege. "
Lumingon sya at dun ko lang naintindihan su Mama.
"Gege?"
"Hi Dada. "
"Gege?"
"Ahm. Dada? Okay ka lang?"
"Alien! Nasan si Gege? San mo dinala ang boyfriend ko?"
Binibiro ko lang naman si Gege eh. Gusto ko lang talaga makita ang reaksyon nya.
"Ha? A-ako to D-dada. A-ano, n-nag ayos l-lang a-ako ng kaunti. "
"Pffftt. Hahahahahaha. "
Nakakatawa yung mukha ni Gege. Para syang matatae na ewan. Pero agad akong napatigil sa pag tawa ng makita ko si Gege na seryoso lang.

BINABASA MO ANG
Unperfect Couple
General FictionKapag Gwapo ang Lalake kaylangan yung Girlfriend Maganda. Bakit? Para DAW Perfect Couple. Kapag matalino ang Babae kaylangan matalino din si Boyfriend. Bakit? Para DAW Perfect Couple. Kapag Hunk ang Lalake kaylangan Sexy ang Babae. Bakit? Para DAW...