CHAPTER 2

3 0 0
                                        

Daniela Point of View:

Nasan na ba yung nerdong yun? Tss, pinaghihintay pa talaga ako.

"Dada!"


"Ay Dada mo! Gege?"

Dahil naka headset ako hindi ko namalayan na nandito na pala sa kotse si Gege na may hawak na strawberry ice cream.

"Kanina ka pa?"

"Ngayon lang ako Dada. Eto oh!"

Inabot nya sa akin yung Ice cream kaya kinuha ko na.

"Sorry Dada hindi kita nasundo kanina. Hindi ko kasi namalayan na uwian na pala."

"Pano mo mamamalayan eh tulala ka! Ano bang iniisip mo?"


Hindi ako tsismosa pero minsan nagiging tsismosa din ako. Curiosity kills the cat! -.-

"Ano kasi... Wala naman. Hindi naman sobrang importante."

Hindi ka naman matutulala kung hindi yun importante diba? Pero hindi ko na sinabi ata hinayaan na lang.


"Sabay pala tayo bukas Dada ha. Pambawi sa nagawa ko ngayon."


Nag-nod na lang ako at sumandal na sa balikat ni Gege.

Ganto kami parati kahit walang "awayan" ang nagaganap sa amin. Kaya nga lahat ng tao napapaniwala naming mag girlfriend/boyfriend kami eh. Miski ang mga Nanay namin. Kami naman talaga pero hindi naman namin gusto ang isat-isa. Basta malalaman nyo din pag sinipag na ako mag kwento.


Pag kauwi ko nag bihis lang ako at gumawa na ng madaming projects. Mababaliw ata ako sa kursong kinuha ko!


Maya maya pa dinalaw na ako ng antok kaya kahit hindi pa tapus yung ibang projects eh natulog na ako. Bukas na lang.

Angelo Point of view:

Kanina ko pa tinatawagan si Daniela para tanungin kung saang restaurant ang gusto nyang puntahan bukas. Monthsary kasi namin bukas at pag gantong okasyon ay si Dada talaga ang namimili ng kakainan namin.


Ang totoo kasi nyan ay takot akong surprisahin si Dada dahil hindi naman ako marunong nun kaya baka hindi lang sya ma-surprise at magalit pa sya. Buti na lang at hindi malilimutin si Dada kaya laging sya ang unang bumabati sa aming dalawa.


Pero bat kaya ngayon hindi sya tumawag para sabihin kung anong plano para bukas? Baka wala pa syang naiisip na restaurant? Baka mamaya pa sya mag tetext? O ano?

---

12:30 AM. Monthsary na namin. Hanggang ngayon hinihintay ko pa din syang mag text o tumawag. Baka nakalimutan nya? Siguro nga!


Bukas ko na lang sya babatiin para personal.

Unperfect CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon