Jessica POV
"Mareeee!!"
Bati ko kay Ela pero sinamaan lamg ako ng tingin. Taray talaga neto. >_<
"Wag mo muna ako tarayan mare ha! May bonggang balita ako sayo!"
Bongga talaga to. Promise.
"Tantanan mo ako Jess! "
"Ayaw mo talaga marinig to?"
"Oo."
"Sigurado ka? "
"Oo. "
"Sure na sure? "
"Isa pa ha! Sasapakin na talaga kita! "
Masama na talaga timpla ni Ela kaya naman lalo akong natatawa sa kanya.
"Bala ka! Tungkol pa naman to kay Gelo."
"Anong meron kay Gege?"
Ansarap tumawa ng 'WAHAHAHA' kay Ela ngayon. Kanina ayaw pa pero mung narinig ang pangalan ni Gelo walang pakundangan eh.
"May bago syang kaklase Ela. "
Tinaasan naman ako ni Ela nang kilay.
"Ganto kasi yan Mare. Nakalap ko ang news na itey sa mga tsismosa sa Department nila Gelo. Sabi nila yung bagong kaklase daw ni Gelo ay super ganda, mala dyosa sa gan---"
"Pwede bang boobita ka! Diretsuhin mo na ako!"
Ayy inet ng ulo ah! >_<
"Hehe. So eto na nga. Yung babae daw na yun ay parang may gusto kay Gelo. Nung mga nakaraan kasi na hindi kayo mag kasama ay yung babae daw na yun ang laging NASUNOD kay Gelo. "
Totoo yun ha. Dalawang linggo na kasing hindi nag papansinan sila Ela at Gelo. Mukhang may LQ sila kaya hinayaan ko muna. Sinasabunutan ko nga yung mga tsismosa na nag sasabi na hiwalay na sila eh.
"Nako Mare. Mabuti pa, gumora ka na kay Papa Gelo at bakuran mo na. Naku matinding linta yung nadikit kay Papa Geloooo!!"
Pero hindi sya kumibo. Opo, hindi sya kumibo. Nganga ang beauty ko.
"Uy Ela! Tara na. Gora na tayo kayla Papa Gelo. "
"Umupo ka na. Nanjan na si Prof. "
Napatunganga ako kay Ela. OMO! Breaklalu na ba sila ni Papa Gelo? Sana naman hindi!!!
Kahit na crush ko si Papa Gelo dahil hawig nya ang Asawa kong si Baekhyun ay hindi dapat sila mag Break! N-E-V-E-R!
Nag klase lang kami. Paminsan minsan ay tinignan ko si Ela dahil baka mag breakdown yan sa upuan pero parang wala lang. Poker face parin sya.
"Ela---"
Lumabas na agad si Ela ng room. Sinundan ko naman sya dahil akala ko ay pupunta sya kay Gelo pero sa canteen lang pala.
"OMG Mare si Gelo yun oh! "
Nang makarating kasi kami sa Canteen ay agad kong nakita si Gelo at kasama nya yung babaeng Linta. Akala ko may gagawin si Ela pero wala! OO WALA NANAMAN! Nalingkis na yung ahas na mukhang linta pero si Ela wala man lang ginawa!!! >_<
Daniela POV
BWISET! BWISET!! Kanina pa ako nag hihimutok kaya lang hindi ko lang magawa dahil HINDI PA KAMI BATI NI GEGE! Bwiset na nerdo na yun nagka alitan lang kami may linta nang kasama?! Arrrghh!
Umorder ako ng Lunch ko. Nang maka order na ako ay pumunta ako sa pwesto nila Gege. Hindi sya nagulat. Siguro alam na nya na kanina pa ako nandito sa canteen at naiinis ako. Hindi man lang ako nilapitan ???? Bwiset!
"Excuse me miss but this seat is already taken. " sabi nung panget na katabi ni Gege matapus kong tumabi naman sa kabilang side ni Gege. Gwapo nitong nerdo na toh ah. -.-
"Excuse me too miss but this guy is already taken too. " umirap naman ako sa kanya at nakita ko ang pag taas ng kilay nya.
"What are you saying? He's not taken--- "
"Are you sure? And by the way.... wala ka bang balak ipakilala ako? O baka naman break na talaga---"
"No Dada!!" sigaw ni Gege. Binulong ko lang kasi yung huli kong sinabi kaya napataas ng kilay nung panget na babae.
"Venice. This is Daniela. My girlfriend. " bat parang may gumalaw sa tyan ko? OMG! Don't tell me kaylangan kong magpurga??? O_O
"Girlfriend? This? Seriously?" ay tanga lang te? Pabobohan kayo ni Jess ganun?
"Yes. I'm the GIRLFRIEND! So.. can you leave us alone? Kakain kasi kami. " pag tataray ko. Sasapakin ko to pag sinabing hindi nya naintindihan ang sinabi ko sa dulo. Putek. Ang hirap kayang mag English. -.-
Umalis naman yung panget. Letseee nakakaintindi naman pala yun ng tagalog eh. Putik talaga.
"Mag usap tayo mamaya. " sabi ni Gege. Shit. Pwedeng pakibalik ng sweet na Gege? Yung hindi nakakatakot? >_<
Tumango na lang ako at sinimulan lantakan ang pagkain ko.

BINABASA MO ANG
Unperfect Couple
Ficção GeralKapag Gwapo ang Lalake kaylangan yung Girlfriend Maganda. Bakit? Para DAW Perfect Couple. Kapag matalino ang Babae kaylangan matalino din si Boyfriend. Bakit? Para DAW Perfect Couple. Kapag Hunk ang Lalake kaylangan Sexy ang Babae. Bakit? Para DAW...