Angelo Point of View
"Uwi na tayo Gege. Baka hinahanap na nila tayo. "
"Sige. Tatapusin ko lang tong hinuhugasan ko. "
"Gusto mo tulungan na kita. "
"Wag na. Hintayin mo na lang ako. "
Tumango lang si Dada at pumunta na sa sala. Katatapus lang namin kumain at mag hahating gabi na din. Ako na ang nag presintang maghugas dahil si Dada na yung nag luto kanina.
Pagkatapos ko mag hugas ay umuwi na kami ni Dada. Siguro napagod sya dahil tahimik lang sya sa byahe.
"Gusto mo bang pumasok muna?"
Tanong ni Dada habang hinihintay namin na magbukas yung gate nila.
"Hindi na siguro. Bukas na lang ako babati kay Tita. Pagod ka na oh. "
"Okay lang naman ako. "
Mag sasalita na sana ako ng biglang magbukas yung gate at nakita namin si Tita.
"Dada, Gege bat kayo nandito?"
Nagkatinginan kami ni Dada. Anong bakit kami nandito? Saan ba dapat? Bago sumagot si Dada ay nag beso muna ako kay Tita.
"Kasi dito ako nakatira Ma. "
"Alam kong dito ka nakatira. Pero diba sa Condo kayo ni Gege mag of o-over night? "
"Pano nyo po nalaman Tita?"
Gulat na tanong ko kay Tita.
"So dun nga dapat kayo mag o-over night? "
"H-h-hindi po Tita. Nag dinner lang po kami dun. "
"Huh? So walang mangyayaring honeymoon? "
"MA!!!!!!!!!!!"
Agad na pumasok si Dada sa kanila kaya sinabi ko na din kay Tita na uuwi na ako at hindi na mag tatagal pa.
"Sige Gege, mag iingat ka ha. Next time na lang yung honeymoon. hehe."
Hindi ko alam yung sasabihin kaya tumango na lang ako kay Tita. Pagkasara ni Tita ng gate ay agad na akong umalis. Pagkadating ko sa bahay ay sarado na ang mga ilaw. Hindi na ako nag abalang buksan pa ito at nag tuloy tuloy na ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Unperfect Couple
General FictionKapag Gwapo ang Lalake kaylangan yung Girlfriend Maganda. Bakit? Para DAW Perfect Couple. Kapag matalino ang Babae kaylangan matalino din si Boyfriend. Bakit? Para DAW Perfect Couple. Kapag Hunk ang Lalake kaylangan Sexy ang Babae. Bakit? Para DAW...