Chapter 4

0 0 0
                                        

Angelo Point of View

Nang makarating kami sa School ay agad naman akong bumaba at pinagbuksan ko si Dada ng pinto. Kukunin ko na sana yung bag nya pero agad naman syang umiling at kinuha yung kamay ko pinagsiklop nya yung mga kamay namin.

Nagulat ako sa ginawa ni Dada. Madalas kasi na naka hawak lang sya sa braso ko at hindi naman talaga kami nag ho-holding hands.

"Chill ka lang Gege. Halatang kinikilig ka eh."

Ambakla man pero naramdaman kong namula yung pisngi ko. Bat parang baliktad? Ako dapat nag papakilig sa kanya. Diba?

"Dalasan natin to para masanay ako." bulong ko sa kanya na kinagulat nya. Hindi sya sanay na magbiro ako ng ganun. Miski ako hindi din sanay eh.

Habang naglalakad kami papuntang Room ni Dada ay marami ang nakatingin na sa amin at pinag uusapan na kami. Sanay naman na kami ni Dada pero minsan nakakainis pa rin talaga.

"Susunduin kita!/ Susunduin mo ba ako?"

Napatawa na lang kami nun. Tumango ako sa kanya bago sabihing susunduin ko sya mamaya para makabili kami ng ingredients sa mga lulutuin nya mamaya.

"Wag kang tutulala ha. "

biro nya. Napakamot na lang ako sa batok at tumango. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Dada at bigla na lang nya akong niyakap.

"Ingat ka. " Ngumiti muna sya sakin bago sya pumasok sa Room nila. Nung nakita kong nakaupo na sya ay umalis na ako dahil baka malate pa ako.

Daniela Point of View

"Hi Mare."

Biglang sumakit yung tenga ko. Feeling ko magkakasakit ako dahil sa taong tumawag sakin na Mare.

"Huy mare pansinin mo naman ako! Ganyan ba epekto kapag inlove? Nagiging isnabera?"

Daldal ni Jessica. Babaeng malake ang boobs dahil madatung. Ang #1 na chismosa sa buong University. Minsan nadugo na yung tenga ko kaka kinig sa mga walang kwenta nyang kwento. Pero anong magagawa ko kaibigan ko eh.

"Nako mare malala na yan. Pero alam mo ba? Wala pang isang oras na nakita ng mga schoolmates natin ang mga eksena nyo ni Gelo ay trending na kayo agad. Nahirapan nga akong hanapin sa twitter kasi walang hastag pero don't cha worry Mare ginawaan ko na sya ng hastag. #GeNielaFTW oh diba bongga?"

Minsan talaga kahit sanay ka na sa isang tao mabubwiset ka pa rin sa kanya. At sa oras na to gusto ko na talagang sapakin si Jessica! At ano? #GeNielaFTW ? Anong kagaguhan yon?

"Ako ba ginagago mo boobita ka?"

Tanong ko kay Boobita AKA Jessica.

Unperfect CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon