Chapter 3

0 0 0
                                    

Angelo Point of View:

"Ma, alis na ho ako!"


Dali dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa bahay nila Dada. Babatiin ko sya ngayon. Ako naman ang mauuna ngayon sa pag bati sa kanya. Baka nakatulog lang yun kagabi kasi imposibleng makalimutan nya na monthsary namin ngayon. Imposible talaga.


"Sandali lang ho manong."


Bumaba na ako at nag doorbell agad namang binuksan ni Tita ang gate at pinapasok ako.


"Tulog pa si Dada, Gege eh. Paki gising na lang sya at baka malate kayo."


Bago ko pa matanong kung ayos lang ba yun kay Dada eh nakapunta na si Tita sa kusina. Kaya eto ako paakyat sa kwarto ni Dada. Kumatok ako ng tatlong beses dahil baka gising naman na sya pero nung walang nagbubukas ng pinto at walang sumagot ng 'pasok' sa akin, dun na ako pumasok sa kwarto ni Dada at naabutan ko syang tulog pa nga at nakatanday pa kay Erza. Yung teddy bear na binigay ko sa kanya last month.


Ayoko sanang gisingin si Dada dahil baka magalit pero baka malate kami.


"Dada." tawag ko sa kanya. hindi naman sya kumibo nuon kaya medyo inaalog ko na sya habang tunatawag.


"Dada. Gising na po."

"Mamaya na. 5 minutes! "

Ang mahiwagang oras. Malalate na talaga kami.


"Dada kaylangan mo nang bumangon, baka malate tayo."


"Ang kulit mo naman ma! Sabi ko--- Gege?" Gulat na tawag ni Dada sa akin.


Nginitian ko sya at tinanggal yung ilang muta sa mata nya bago ko sya batiin.


"Good morning Dada. Happy monthsary."


Binigay ko yung regalo na binili ko para sa kanya na bracelet.


"Monthsary? Ngayon?" Gulat pa rin si Dada. Mukhang nakalimutan nga nya.
"Oo Dada ngayon yung monthsary natin."


Namilog ang mga mata ni Dada (A/N: Parang si D.O? :3) Siguro kung walang okasyon ma-cu-cutan ako kay Dada pero iba kasi ngayon. Nakalimutan nya.


"I-im S-sorry."


Yun lang yung sinabi ni Dada at niyakap ako.

"Sorry Gege. I'm really sorry."


Tumango lang ako sa kanya at nginitian sya. Sana hindi halatang pilit.

"Maligo ka na Dada. Baka malate pa tayo eh. "

Tumango lang sya nuon kaya tumayo na ako at pumunta sa sala nila.

"Kumain ka na ba Gege? Halika dito at kumain ka. "

"Kumain na ho ako bago umalis ng bahay. Thank you na lang po Tita."

"Sigurado ka? Baka naman sinasabi mo lang yan? Wait. May date ba kayo mamaya ng Dada ko? "

"Kumain na ho talaga ako Tita. Ahm. Siguro ho."

Gusto ko sana na yung unang tanong na lang ni Tita ang sasagutin ko kaya lang baka hindi naman pwede.

"Siguro? Bat siguro? "

Bago pa ako makasagot ay nakita ko na si Dada na pababa na.

"Gege? Tara na? "

"Hindi ka ba kakain muna? "

Tanong ko kay Dada. Nakita ko si Tita na may kinuha sa oven at binigay ang sandwich. Mukhang sa sasakyan na lang sya kakain.

"Alis na kami Ma. "

"Aalis na po kami Tita. "

Nang makasakay na kami sa kotse ay tahimik lang kami ni Dada, siguro dahil nakain din sya.

"Gusto mo?" Alok nya sa akin ng sandwich na hinanda ni Tita. Napansin ko na wala pa sa kalahati yung nakakain nya.

"Yan pa lang nakakain mo Dada?"

Biglang tanong ko na lang sa kanya. Kanina pa kasi kami nasa byahe pero yun palang ang nakakain nya.

"Wala kasi akong gana."

"May sakit ka ba Dada? Anong masakit sayo?"

Tinignan ko naman kung maiinit sya pero hindi naman. Tinignan ko din kung may sugat ba sya o kung ano man sa katawan pero wala din naman.

"Ayos lang ako Gege. Teka ang gulo ng buhok mo."

Sinuklay naman nya ng daliri nya yung buhok ko. Ngayon lang to ginawa ni Dada kaya medyo ilang ako. Mukha namang napansin nya to.

"Naiilang ka?"

Pagtango lang ang nasagot ko sa kanya. Naiilang kasi talaga ako sa kanya.

"Yun bang condo na binili ni Tita sayo eh nabenta na ba?"

Tanong nya habang sinusuklay parin ang buhok ko. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong nya.

Binilhan kasi ako ni Mama ng Condo para dun ako tumira kaya lang ayoko naman dun dahil sa school lang sya malapit. Malayo kayla Dada. Mahihirapan akong sunduin sya.

"Kung ganon dun na lang tayo mag dinner. Mag luluto ako. Hindi naman tayo pwede sa mga bahay natin. May mga fangirl dun. "

Napatawa naman kami dun. Oo nga may mga fangirl dun na mang aasar.

"Sigurado ka ba? Wala ka bang gagawin?"

Ako habang nilalagay yung ilang buhok sa gilid ng tenga nya. Naharang na kasi sa mukha nya.

"Okay lang. Malayo pa naman ang pasahan eh. Yung importanteng araw muna ang iintindihin ko. "

Napangiti na lang ako duon. Mamaya lang nakarating na din kami sa School.

Unperfect CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon