CHAPTER 7
Malapit na akong lumaban ng taekwando para sa ALCU. . todo todo na din ang pag eensayo ko. .
At ngayon ay kasalukuyan akong naglalakad pauwe. .nakayuko lang akong naglalakad medyo madilim na din sa paligid. .
Hindi ko napansin na may kaharap na pala akong matanda. .kaya napatigil ako sa paglalakad ko. .at tiningnan si lola na nakatingin din pala sakin. .
“iha. .may nawawala sayo noh?” anito. .
“p-po??” tas tiningnan ko yung katawan ko pati yung loob ng bag ko. .wallet, check!! Cellphone, check!!. . “w-wala naman po. .” aniko.
“hindi bagay iha. .kundi puso. .” anito. .tumaasa muna yung isa kong kilay pero ng mapagtanto ko kung anu yung sinasabi ni lola. .
“tama po kayo. .” aniko. .wala namang ibang nawawala sakin kundi si cloud. .na dala dala ang puso ko. .tas nginitian ko si lola. .
“alam mo bang ikaw din ang dahilan kung bakit sya pansamantalang nawala dito sa mundo??” anito. .
“a-ako po??. .” tapos tinuro ko pa ang aking sarili. .wala naman akong pinapatay aahhh???. .
Tas tumango si lola. .
“paano pong ako ang naging dahilan ng pagkamatay nya???” naguguluhan kong tanung kay lola. .si lola kasi ayaw pang didiretsuhin eehh. .dami pang pabitin bitin. .lalo lang tuloy akong naguguluhan!!!. .
Nagkibit balikat lang si lola. .tas may lumapit samin na dalawang lalaking nakauniporme ng pang-nurse. .
“aamm. .sinaktan ka ba ni lola??” tanung sakin nung isang lalaki. .sabay hinawakan nito si lola sa braso at beywang. .
“h-hindi naman po. .nag uusap lang kami. .may sinasabi nga sya sakin eehhh. .” aniko tas tumingin ulet ako kay lola. . “lola??. .tingin nyo nasaan po kaya sya ngayon???” tanung ko sa kanya. .
Tiningnan lang ako saglit ni lola. .tapos ay tumawa ito na parang baliw sabay umiyak. .
“pasensya ka na miss. .galing sa mental tong si lola. .natakasan lang nya kami kanina” ani nung isa. .
“mas mabuting wag ka na lang maniwala sa mga sinabi nya” dagdag nung isa. .
“p-pero. .”
“lola???. .tara na pong umuwe” malambing na imik nung isang nurse. .tas tumalikod na sila at lumakad na palayo sakin. .
Ng mawala na sa paningin ko si lola kasama yung dalawang nurse na lalaki. .
“ako yung dahilan kung bakit sya nawala sa mundo???” bulong ko. .kahit nalaman ko na wala na sa katinuan yung matandang nakasalamuha ko. .iba yung dating sakin ng mga salitang binitawan nya. .
BINABASA MO ANG
CLOUD: Ang Boyfriend Kong Multo
Teen FictionTatlong taon na ang nakakalipas. .ng mangyari sa akin ang pinaka. . NAKAKABALIW!! NAKAKATAKOT!! NAKAKAKILABOT!! Na pangyayari sa buhay ko. .ngunit di ko maitatangging yun din ang pinaka. . MASAYANG parte ng buhay ko. .bakit???. . Simple lang. . J Da...