[ REO PATRICK VERACRUZ's POV ]
"And you look fragile. Actually, gusto kitang maging kaibigan dahil parang may nag-urge sa akin na gusto kitang protektahan. The day after kitang makitang umiyak dahil sa ginawa sayo ng enormous ex mo, hindi na nawala sa isip ko yung nakita kitang umiiyak." I laughed as I remember the first time na nakita ko sila nun and during that time, naalala kong nagmamadali pa akong umalis noon. "Kaya simula ng araw na iyon, hindi na nawala yung curiousity ko sayo. Nakakatawa diba? Hindi naman tayo close, pero ganito yung nararamdaman ko para sayo."
Pagtingin ko, nakita kong natutulog na pala yung kausap ko. Langyang buhay naman yan oh. Ang dami dami kong sinabi, ni isa man lang doon sa mga sinabi ko hindi niya narinig? Natawa na lang ako sa sarili ko eh. Sayang effort.
"Bagsak na?"
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Max.
"Bagsak na Pre. Medyo napadami inom eh."
"Cute pala ni Fluffy matulog no? Humihilik nyahahaha! Bidyohan ko nga."
Akmang ilalabas na ni Max yung cellphone niya pero agad ko siyang pinigilan sa binabalak niya.
"Gusto mo bang ma-kamehame wave ni Al bukas?"
"Ay, buti pinaalala mo. Pag naiisip ko kung paano niya ako sapakin bukas, nagoogoosebumps na ako." he said sabay nginig ng katawan.
"Saan naman ang punta mo?"
"Sa labas Pare. Mag-eemo lang muna ako." Sabi nito habang humahawak-hawak pa ito sa ulo niya na akala mo ay nalalasing na. "Paano ba naman Pare, kahit ilang pangungulit na ang ginagawa ko kay Dane, ayaw pa din niya ibigay number niya sakin. Kahit ang i-accept yung friend invite ko sa FB ayaw niya din gawin! Sakit diba? Nakikipag-kaibigan pa lang ako, binabasted na niya ako!" sabi nito habang tuloy tuloy ito sa paginom ng... iced tea. Hardcore diba? Takot malasing yan kaya di na siya uminom pa ng alak matapos nung mga shots kanina. "Good boy naman ako. Ano bang ayaw niya sakin? *sniff*" he continued ranting as he finish his iced tea.
"Sira ulo ka talaga Max. Baka kasi nakulitan sayo kaya ka sinusungitan."
"Ako pa makulit ngayon? Parang kinakausap lang palagi, minemessage sa FB kahit hindi pa niya ina-accept yung friend request ko, at nagpapapansin, makulit na ba yun?! Normal nga lang yung ginagawa ko."
Napa-face palm na lang ako sa mga narinig ko eh. Minsan hindi ako sigurado kung nagbibiro pa ba itong kaibigan ko, o seryoso na eh. Kung seryoso man siya doon sa mga sinabi niya, hindi na ako nagtataka kung bakit sinusungitan siya ni Dane.
"Reo~~~" nakita kong papalapit sa amin si Ayi. Medyo gumegewang pa ito habang papalapit siya sa amin.
"Pare, tama talaga si Fluffy sa first impression niya kay Ayi eh. Clingy! Kita mo, lasing na at lahat lahat, ikaw pa din naiisip niya!" sabi nito sabay tingin sa papalapit na si Ayi. "Buti na lang di ako sobrang gwapo tulad mo. Gwapo lang! Hindi ko na kailangan problemahin yung mga clingy fangirls ko."
"Baliw ka talaga Max." napailing na lang ako sa sinabi ni Max eh. Kung ano ano na namang ang nai-ko-komento kasi.
"Reo, where are you going? Samahan mo naman ako sa room please?" medyo namumula na ang mga pisngi ni Ayi dahil sa mga nainom niya. Naku, isa pa itong naka-inom ng madami.
"Ayi, kay Max ka na lang magpasama." Sabay tapik ko sa kaibigan kong si Max, "O Max, wag ka na mag-emo muna. Ikaw na bahala kay Ayi at bantayan mo yan."
BINABASA MO ANG
Finders Keepers
JugendliteraturIniwan. Umiyak. Nawasak. Nasaktan. Tinulungan. Sinamahan. Bumangon. Naka-move on. At kung kailan naman nagawa ka na niyang kalimutan, saka ka naman bumabalik sa buhay niya para guluhin ulit ang puso niyang nananahimik. Finders keepers. What's mine...