[★] CHAPTER 5 [★]

74 1 2
                                    


"WOOOOOAAAHHHH~~"

Sabay sabay pa silang lahat habang manghang mangha sila sa laki ng bahay ni Annoying Reo.

Tama nga si Max sa sinabi niya, masyadong malawak yung bahay ni Annoying Reo para sa aming grupo. Malawak na garden. Malawak na bakuran. Malawak na garahe. Malawak na salas. Malawak na kusina. Lahat, malawak. Sa sobrang lawak ay pwedeng pwede ka maglaro ng patintero dito.

"Sa guest room na lang natin ilagay mga gamit natin. Doon din kasi tayo matutulog." Sabi ni Annoying Reo habang sinusundan namin siya papunta sa tinutukoy niyang Guest Room.

Biglang kumapit si Ayi sa mga braso ni Annoying Reo, "Sasama ka ba samin matutulog, Reo?" pacute pa itong nagtanong sa kaniya.

Bago pa man sumagot si Annoying Reo ay kinalas niya ang mga kamay ni Ayi sa braso. Heh, serves her right. Clingy kasi eh.

"Hehe, oo naman! Para naman kasama ako sa bonding!"

Iww sasama pa siya samin sa room. Bakit hindi na lang siya matulog sa kwarto niya? Ugh.

"This is gonna be so exciting!!!" sabay na sinabi nina Dane at Lora at nag-high five pa sila.

Exciting? Hai, sana nga.

-:-:-:-:-:-

Sobrang dami naming ginawa today. Nag-marathon, naglaro ng PS4, nag-UNO Cards, videoke, at nagpustahan sa table top football (at ang matalo, sila ang taya sa lunch at dinner). Hindi mo aakalain na kahit dito lang kami sa bahay, ang dami pa din namin nagawa.

Yung team ko ang natalo sa table top football (Me, Max, Dane, Miko, Denver) kaya kami ang nagluto ng lunch and dinner ng grupo. Hindi naman hassle sa akin na kami ang natalo dahil ang pagluto ang pinaka-ine-enjoy kong gawin.

"Dude, palit na lang tayo," nakita kong nina-nudge ni Annoying Reo si Max na busy naman sa pagbabalat ng sibuyas. "Ako na lang ang magluluto imbes na ikaw!"

Hindi naman siya pinapansin ni Max at nagtuloy lang siya sa pagbabalat ng sibuyas. "Wag ka ngang magulo 'pre! Baka mahiwa ko kamay ko. And no, ayokong pahawakin ka dito sa kusina at baka maging disaster pa ang kakainin natin. Maawa ka naman sa tyan namin." Seryoso pa nitong sinabi sa kaibigan niya. Patuloy ito sa pagbabalat ng sibuyas at hindi niya pa din tinitignan si Annoying Reo habang kinakausap nito.

Nag-puppy eyes pa si Annoying Reo kay Max ngunit mukhang hindi naman ito tumalab kaya malungkot niyang nilisan ang kusina.

Ano bang problema nun at ang desperado niyang makipag-palit kay Max?

Dumating na ang gabi at dahil may overnight, hindi mawawala ang inuman. At wala akong inuurungan na inuman, ako pa! Hindi halata, pero umiinom din naman ako. Occasional nga lang.

"Ito may tanong ako para sa mga new comers," sabi ni Presi habang busy siyang nagmi-mix ng chaser. "Ano naman ang first impression ninyo sa mga seniors niyo?"

Umakbay si Annoying Reo kay Max. "Una ka na magsalita, Max!" sabay pasa kay Max nung shot at chaser. Inabutan din siya ng suklay para kunwari yung yung mic namin.

"Ako talaga dapat una?! Fine, mauna tayo kay Presi. My first impression of Presi to me is masipag siyang President ng club."

"Ay, totoo yan. No doubt."

"Ay, puring puri na naman siya sa sarili niya." Biglang singit ni Dane. Nagtawanan naman ang lahat.

"Kay Ayi naman, friendly siyang tao. Lora, like Presi, is also a responsible person. Denver is cool person. And si Dane....." biglang siyang napainom ng alak nung si Dane na yung next. Para siyang kinakabahan na di mo maintindihan dahil nanginginig pa ang kamay at boses nito. "Si Dane maganda at cute at mukhang masarap magluto at-"

Finders KeepersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon