Chapter 5: Camping

4 1 0
                                    

"Nakakatakot naman yung nangyari kay Ero" yan ang bukambibig ngayon sa buong campus. Ero, Ero, at Ero.

I feel weird when they talk about him. Nakakaramdam ako ng guilt.

"Nic, sa tingin ko may Wiz o Witch sa loob ng campus na to" natawa ako sa sinabi nya.

"Wag mo nga akong paglolokohin ng ganan, ang corny eh" sabi ko pagkatapos kong tumawa. "Lakas mo magjoke, umagang-umaga" pagpatuloy ko.

Hinarap ko sya pero mukang seryosong seryoso sya. Nililinga-linga nya ang tingin nya na parang may hinahanap.

Tinapik ko sya. Muka naman syang nagulat sa ginawa ko.

"Bakit?" Tipid na sabi nya.

"Sino bang hinahanap mo?" Sabi ko habang nakain ng kettle corn.

"Yung taong gumawa nun kay Ero, ay teka pwede bang samahan mo ko? Pupuntahan natin si Ero" sabi nya. Hindi ko sya inintindi, sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagkain ng kettlecorn.

Maya-maya'y nagulat ako nang  hawakan ni Eya yung braso ko at bigla nalang kaming nahulog sa kung saan. What the eff?

The next thing I knew is nandito kami sa harap ni Ero. Si Erong palaka. May kinuha si Eya sa bulsa nya, a magicwand huh? Itinapat nya ito kay Ero at walah! Tao na sya.

Bigla na lang ulit kaming nahulog sa who-knows-where? Parang nagkaroon ako ng mini-heart attack dun a.

"So now you know how it feels to teleport" really? Teleporting tawag nya dun?

"Tara na late na tayo sa class"

****

"Class ngayong darating na Linggo ay magkakaroon tayo ng Camping, everyone is obliged to join the camping"

Madaming natuwa, madami rin namang ayaw katulad ko. Pero etong si Eya? Niyakap pa ako sa tuwa at pinaghahampas-hampas ako.

"Excited na ako!" Sigaw nya sakin.

"Nakakatamad" tinatamad na sabi ko.

"Nakakatamad? Exciting kaya yun!" Sabi nya. Nabasag naman ang kaingayan nang pumasok si Ero sa pintuan. Lahat sila napatulala sa pagdating ni Ero.

"Kamusta ang pagiging palaka?" Natatawa na sabi ko. Sinamaan naman nya ako ng tingin. Siniko naman ako ni Eya.

"Ano ka ba! Nagdulot yun ng trauma sa kanya" si Eya.

Napalingon ako sa tatlong bruha. Wow ha? Hindi ata sila mataray ngayon? Pero teka muka silang takot?

***

Sabado na ngayon at naghahanda na ako para sa camping.

"Wow ha? Handang handa kana" Napatalon na naman ako dito. Kahit kelan talaga tong si Eya.

Nilingon ko si Eya. "Oy Eya, hindi mo ba alam ang salitang private? Privacy?" Sabi ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot, sa halip ay pinagpatuloy lang nya ang paglolollipop.

Nilagpasan ko sya para maghanap ng mga nakakalimutan kong dapat dalhin sa camping. Nang nilingon ko sya, aksidente kong nakita ang batok nya, may tato rin pala sya.

Binitawan ko yung cellphone ko at lumapit ako sa batok nya. Hinila ko yung damit nya at tama nga ako. Kaparehas ang tato nya sa kuya nya, pati na rin dun sa lalaking napatay ni Mama.

"Hey" sabi nya.

"Pwede bang paki-explain ng tato mo" sabi ko sa kanya. Aba't lumawak ang ngiti nya. Hindi ba nya alam na may galit ako sa tatong yun.

To Be A WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon