"Hahaha nakakatawa ka Candice" lakas pala makatawa ng nilalang na to eh nuh.
"Astig nila" sabi nya habang nakain ng barbecue hotdog. Pinanliitan ko naman sya ng mata.
"Oy sa ibang channel nga" sabi ko sabay agaw ng remote at inilapat sa Cinema One.
"What the!? Sa Phineas and Ferb!" Uggh. Matitiis ko ba to? Baka masampal pa ako nito eh.
"Bala ka" lumabas na ako ng tent nyang mala-kwarto rin ang laki pero pag nasa labas naman ay kasing laki rin ng sa iba.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad agad sakin ang mga kaklase naming nakapalibot samin.
What a pleasant surprise.
"Anong ginagawa nyo sa loob ha!?" Si Pearl. Akala ko nagbago na tong bruha na to. Aish!
"Ano bang paki nyo?" Teka lang!? Ano bang iniisip ng mga to?
Walang ano-ano'y pumasok na ang tatlong bruha sa tent ni Eya.
Nagsipasukan naman yung mga iba pang kaklase ko. Wahh ang weird pag sa labas mo nakikita yung pagpasok nila. Parang sa bulsa lang ni doraemon na pinapasok ang malalaking bagay.
At dahil boring dito papasok na rin ako sa loob pero may humila na lang bigla sakin.
Dinala nya ako sa gubat. What the eff.
"Sino ka ba! San mo ko dadalhin" pagpupumiglas ko. Wala akong makita! Nasa madilim na kami! Oh no! Wag mong sabihin na itong taong to ay one of the strangers!
"Bitawan mo ako!" Madiin na sigaw ko. Aba't dininig ang sinabi ko.
Nakahawak lang sya sa ulo nya na parang may iniindang sakit ito.
"What the f*ck!" Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yun. Si Ero.
"Bakit mo ba ako dinala dito!" Tanong ko sa kanya.
"It was you! And you're doing it again!" Sumbat nya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking to. Kilala sya bilang pinakamatino sa klase pero nagsasabi pala sya ng badword?
"Oy Mr. Kaiser Tuason, ano bang ginawa ko sayo ha!? This days nagiging feeling close ka tapos susumbatan mo ko!?" Di makapaniwala na sabi ko.
"Ok ok!" Nilapitan nya ako. Kitang-kita ko ang maamo nyang muka.
Nagulat ako nang bigla nya akong italikod at biglaan akong ipinosas sa likod. Gosh!? Pano nya nagagawa to?
"Ano bang kailangan mo?" Saktong pagkasabi ko nun ay ihinarap nya ako sa kanya.
"You turned me into a frog! Pati sina Pearl, ikaw ang may gawa nun you Witch!" The hell?
"Nababaliw ka na ba!? At pano ko naman yun magagawa ha" nagagalit na talaga ako.
"Kasi nga freak ka! Witch ka!" Sigaw nya sakin. Nakakatakot pala syang tao.
"I don't know what you're talking about" this time huminahon ako.
"A-ano bang sinasabi mo? Sina pearl naging palaka!?" Di ko makapaniwala na sabi.
"Oo. Remember those three frogs sa room natin? It was them" pagsumbat nya sakin habang tinuturo ako. Magkalapit na magkalapit na ang muka namin. Grabe ka Ero! Pambihira!
Nanlaki ang mata ko nang may bumulagang muka ng babae sa dilim. Tiningnan naman nya kung sino yung tinitingnan ko.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, sinipa ko ang pagkalalaki nya at nagsimula akong lumapit kay Eya.
"Ikaw kasi eh, dapat nanood ka na lang din ng Phineas and Ferb" sabi nya. "At ikaw Ero? How could you do this!?" Panunumbat ni Eya kay Ero.
"Layuan mo sya Eya! She already turned me into a frog" nagngangalit pa rin na sabi ni Ero.
BINABASA MO ANG
To Be A Witch
Teen FictionShe is Jennica Garcia (Nic), the girl to be a witch. Maniniwala ka ba kung sinabi kong totoo ang magic? Sa totoong mundo marami namang naniniwala sa magic. Magic na may daya. Then I say why do people keep saying that? Eh kung gawin ko kaya kayong p...