"Hahahaha" grabe magjoke si Popsy, yeah Popsy. Yan ang sabi nya na itawag ko sa kanya. Tuwing gabi, tuwing tulog na si Mama ay binibisita ako ni Wil at sinusundo ako papunta kay Popsy.
Hinahampas-hampas ko sya habang mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa. You heard me right, close na kami ni Popsy. Ang gaan nga ng loob ko sa kanya eh kaya't katakang-taka na naghiwalay sila ni Mama. Biglang nag-ugly face si Papa. Pfft.
"Hahaha tama na pops haha" sabi ko. Nagtataas-baba kasi ang kilay ni Popsy habang nakangiting aso haha. Kumbaga nagpapapangit para lang matawa ka. Hahahah.
*pururooooot*
"What the hell was that?" Si Wil.
"Creepy" si Popsy naman.
"The fvck!" Si Wil. Ang OA akala mo hindi umuutot. You heard me right again, umutot kasi ako bwahaha. Pinapatawa kasi ako eh.
"Language" sabi ni Popsy.
"Ang baho!" Sabi ni Wil habang nakatakip ang ilong, nandidiri pa ang muka ng mokong. Tapos pinapaypay pa ang hangin.
"Ano ba yun!?" Si Popsy na parang inaamoy ang paligid."Baka umutot sya" sabi ko sabay turo sa isang babae na napadaan.
"Hey! Ikaw ba yung umutot ha!" Sabi ni Wil.
"P-po?" Tanong nung babae.
"Sige na Lisel you may go" sabi ni Papa sa innocent girl na napadaan. Pfft!
"O-opo" sabi nung girl habang may malaking question mark sa muka.
"Tss, ang baho naman ng utot na yun! Akala mo lalaki" sabi ni Wil habang nandidiri ang muka at nakalabas pa ang dila.
"Bakit may mabango bang utot?" Tanong ko.
"Oo bakit?" Sabi nya habang ganun pa rin ang itsura.
"At kanino namang utot yan aber!?" Tanong ko habang naka-taas ang kilay.
"Sya o" sabay turo sa isang napadaang lalaki. Npatingin naman yung lalaki na may question mark sa muka.
"Mabango utot mo diba?" Tanong nya sa lalaki pero may question mark sa muka nito.
"P-po?........ ay opo naman po. Gusto nyo po ipaamoy ko" nakangiti na sabi nung lalaki. Aba't ang lakas ng loob na ipaamoy ang utot samin.
"Wanna die?" Sabi ni Wil saka ipinakita ang fist nya sa lalaki. Agad namang napayuko yung lalaki. Pfft!
Shet nauutot na naman ako, nakakahiya na! Conceal don't feel, don't let them know, be the good girl you always-
*pururoooot*
Letse kang utot ka!
"What the fvck!"
"Hey Wil! Watch your language" sabi ni Popsy kay Wil. Buti nga sa kanya.
"Hehe sorry pops" sabi ni Wil. You heard him right, tinuturing na ni Wil si popsy bilang tatay nya. So para na kaming magkapatid ni Wil. Sabi nga ni Papa kuya daw itawag ko sa kanya pero mas matanda lang naman sya sakin ng buwan kaya ayaw ko. Tss.
BINABASA MO ANG
To Be A Witch
Teen FictionShe is Jennica Garcia (Nic), the girl to be a witch. Maniniwala ka ba kung sinabi kong totoo ang magic? Sa totoong mundo marami namang naniniwala sa magic. Magic na may daya. Then I say why do people keep saying that? Eh kung gawin ko kaya kayong p...