Nanlaki ang mata ko nang isang trak ang bumungad sakin.
Gusto kong tumakbo pero hindi gumagalaw ang mga paa ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Wala akong magawa! Hindi ko magalaw ang katawan ko!
Tanging pagpikit na lang ang nagawa ko. Unti-unti namang pumatak ang luha sa pisngi ko.
Sh*t.
"Hoy! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Wade?
"Wade?" nanghihina kong sabi.
Hindi ko na sya pinasagot. Niyakap ko sya. Akala ko talaga katapusan ko na. Wala na akong paki kung nagiiskandalo ako, wala na akong paki kung magalit sya sakin, wala na akong paki sa kung anong mangyari, gusto ko lang ng mayayakap at maiiyakan. Jessica...
Agad naman nya akong inilayo sa kanya. Nakita ko namang pinanliliitan nya ako ng mata. "Ano sa tingin mo yang ginagawa mo!?"
"Thank you and at the same time I'm sorry, nadala lang ako ng emosyon" ngiting-ngiti kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Sus kunwari ka pa" bulong nya at nag-iwas ng tingin sakin.
"Ano yon!?" Tanong ko sa kanya. Akala nya hindi ko yun narinig?
"Wala sabi ko ang OA mo!" Sabi nya.
"Whatever" sabi ko.
"Hoy magpapakamatay ba kayo!? Dun kayo sa tulay wag dito! Nakakaistorbo lang kayo!" Si manong trak driver.
"Shut the f*cked up!" Sigaw nya kay manong driver. Nagulat naman sya. Naglabas si Wade ng wand at itinapat to sa drayber.
Agad ko syang tinulak. "Hoy! Anong gagawin mo!?" Sabi ko sa kanya.
"You don't care!" Maangas na sabi nya. Nagpameywang ako at hinarap sya.
"I do care!" Sigaw ko sa kanya.
"Ewan ko sayo!" At bigla na lang syang naglaho nang itinapat nya ang wand sa kanya.
Tinignan ko si Manong driver, hindi ako nagkamali, gulat na gulat sya. Nakanganga pa. Loko talaga yung kuya ni Eya.
"Ayy kuya, sorry talaga. Isang magikero yung kaibigan ko. Isang ilusyon lang yung nakita nyo" umalis na agad ako at naghintay na lang ng taxi.
"Para!" Sabi ko sa dumaang taxi pero nginitian lang ako ni ungas.
"Para!" Sabi ko sa pangalawang taxi. Tumigil ito sa wakas. Binaba nya ang bintana ng taxi. "Hi miss beautiful" nakasmirk na sabi nya.
"Gago!" Sabay sipa sa bulok nyang taxi. Napakunot-noo naman ang unggoy.
Bumaba sya sa kotse nya na galit na galit. Nang hinarap nya ako ay nanlaki ang mata nya. "What!?" Sarcastic na sabi ko.
Nakatitig lang sya sakin. At dahil hindi ko na makayanan ang titig nya ay naglakad na lang ako papunta sa police station.
~*~
"Magrereport pa ako tungkol sa robbery sa bahay namin. Iniwan ko po yung mga magnanakaw sa bahay namin. Please hulihin nyo po sila" sabi ko sa isang matabang pulis dun na nainom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
"Sige" walang lingon-lingon na sabi ng pulis at patuloy sa pagbasa ng dyaryo at painom-inom ng kape.
"I'm sorry!?" Sarcastic na sabi ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay at hinarap ako.
BINABASA MO ANG
To Be A Witch
Teen FictionShe is Jennica Garcia (Nic), the girl to be a witch. Maniniwala ka ba kung sinabi kong totoo ang magic? Sa totoong mundo marami namang naniniwala sa magic. Magic na may daya. Then I say why do people keep saying that? Eh kung gawin ko kaya kayong p...