Ero/Kaiser's Pov
'Parang awa nyo na po. Sya lang po ang bumubuhay sa pamilya namin. Hindi ko na po alam ang gagawin pag wala sya. Ang dalawa ko hong anak ay may iniindang sakit. Please ilabas nyo na ho ang asawa ko' Humahagulhol na sabi ng isang babae sa tv. Tsk.
"Hi kuya! Goodmorning! Sinamahan ko si Mama sa pagbili ng pandesal o" proud na sabi ng kapatid ko.
"Penge" kumuha ako ng isa. Kumuha ako ng ketchap at ipinalaman ito sa tinapay.
"Yuck kuya! You're still doing that? Eeew!" Pinanliitan ako ng mata ng kapatid ko.
"Alin?" sabi ko sabay bukas ng ref.
"Uggh! Nakakawalan ng gana!" Sabi nya. Bakit ba hindi nya subukan. Masarap kaya. Bwahaha.
Kumuha ako ng juice sa ref at naglagay sa baso.
"Kuya naman eh! Wag mo nga ipakita sakin yang ginagawa mo!? Kung ikaw nasasarapan pwes ako hindi. Tignan ko pa lang nadidiri na ako! Yuck!"
"Edi wag mong tignan!" sabi ko. Sinawsaw ko ang pandesal kong may palaman na ketchap sa juice. Yummy.
Kumagat na ako habang tinitingnan ang nanlalaki nyang mata. OA.
"Ahhhh!" Sabi nya sabay takbo pataas ng kwarto nya. Bwahahaha.
"Oy Kaiser! Diba sinabi ko ng pagkumain ka ng pandesal mong may ketchap na sinasawsaw sa juice ay wag ka dito kakain! Alam mo naman yang kapatid mo. Tignan mo tuloy, hindi na nag-almusal. Ginugutom mo baby ko eh." Sabi ni Mama habang naglalagay ng food stuffs sa ref.
*kriiing*
Agad akong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa lamesa.
"Hello?" Sabi ko.
[Hi Ero]
"Who's this?"
[It's Eya na maganda. Gusto ko lang sabihin na si Nic, pinaghahanap na ng pulis, de joke lang hahanapin pa lang] halos maibuga ko ang iniinom kong juice.
"B-bakit!?" patay na! Don't tell me alam na ng pulis na si Nica ang gumawa ng taong naging unggoy!?
[Ngayon ka magOA. She's been kidnap and she's missing the whole day! I mean night" Sabi ni Eya pero hindi na ito katono ng kanina, may lungkot na sa tono nya pero pasigaw pa rin, tss. Sigurado ba sya sa pinagsasabi nya? Gabing gabi na kahapon nung sinamahan ko sya a. Aba't ang galing naman makatiming ng mga kidnapper.
"Kidnap!?"
[Kailangang ulitin?] Ayan na naman sya!
"E-eh bakit mo sinasabi sakin yan?" Tanong ko.
[Gusto ko kasing mag-alala ka, bakit? Diba kaibigan mo naman sya? Wala ka bang paki sa kanya?] anak ng pucha naman oo! Pinagtitripan lang naman ata ako ng babaeng to.
[De joke lang. Bye!] Sinamaan ko ng tingin ang cellphone ko. Alin ang joke dun? Yung sinabi ba nyang kinidnap si Nica o yung sinabi nyang gusto nyang mag-alala ako? Anak ng tokwa naman o! Nagulo ko na lang ang buhok ko. Nakalimutan ko pang itanong kung san nya nakuha ang number ko...stalker!? Bwahaha."Sino yan!? Ikaw ha! May tinatago ka ba samin?" Inuukit na sabi ni Mama. Sira talaga tong si Mama. Tsk tsk.
"Kaklase ko lang ho" sabi ko sabay sawsaw ng pandesal sa juice.
BINABASA MO ANG
To Be A Witch
Teen FictionShe is Jennica Garcia (Nic), the girl to be a witch. Maniniwala ka ba kung sinabi kong totoo ang magic? Sa totoong mundo marami namang naniniwala sa magic. Magic na may daya. Then I say why do people keep saying that? Eh kung gawin ko kaya kayong p...