Stone Cold

363 14 3
                                    

"Ayoko na"





At tumalikod, naglakad palayo.

Yan ang huling narinig ko sakanya.
Nawalan na ko ng lakas para habulin siya.










Paano pa ko magkakaroon ng lakas maglakad




Kung yung nagbibigay lakas sakin ang tuluyang umalis.







*Flashback*

"Daks, totoo ba?" Tanong niya sakin at hinawakan ang balikat ko

"Anong totoo?" Tanong ko pabalik. Di ko naman alam sinasabi niya eh

"Napanood ko kasi sa youtube yung interview kay Arra sa starstruck." Sabi niya sakin.

Tumingin ako sa kanya. Nakita kong walang emosyon ang mukha niya.

"Tapos?" Interesado kong tanong







"Sabi niya, may boyfriend daw siya."



"Edi good for her." Sabi ko sakanya ng nakangiti at tumalikod sakanya para ayusin ang gamit ko.



"Basketball player. Dlsu athlete. Thomas Torres" dere-deretsong sabi ni Mika.






Tangina.







Thomas Torres.








Boyfriend ko yun ah?










Natigilan ako. Nanatiling nakatalikod kay Mika.











Biglang pumatak ang isang luha mula sa aking mata.


Tumingin ako kay Mika. Nakayuko siya.



"Baliw ka ba Miks? Baka naman ibang Thomas yun haha" kabadong sabi ko sakanya at tumawa ng bahagya.




Inabot niya sakin yung phone niya.




Tinignan ko lang phone niya. At tinignan si Mika

"Ako Mika tigil tigilan mo ko ah. Di ako nakikipagbiruan" inis na sabi ko sakanya at pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit ko. Pero naiiyak na talaga ako.


"Tangna naman Ara! Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako?!" Galit na sigaw ni Mika.






Tinignan ko siya. Umiiyak siya.





Kinuha ko yung phone niya.






" I'm in a relationship with him. Hahaha. He's sweet, he's really sweet. He really takes care of..."

Di ko na tinapos at binigay na kay Mika yung phone niya.


Ayaw ko naman ibato di naman akin.





Bigla na lang akong napaluhod sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Naramdaman ko namang niyakap ako ni Mika.



"Okay lang ako, Miks. Sige na, tayo ka na. Aalis muna ako" sabi ko sakanya at tumayo na din ako.

"San ka pupunta?"



Di ko na siya sinagot at tuluyang lumabas sa kwarto namin.














After 10 minutes, narating ko din dorm ng Archers.



Teller of TalesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin