Tin's POV"Ate Tin! Pa-VG naman po. Pasabi "Hi Drei.""
Ayan na naman sila. Puro Drei, Andrei, TinDrei. Di ko nga alam bakit kami nagkaroon ng loveteam. Eh duh, ni hindi nga kami nagusap ever nun.
Eh baka naman kasi pag tinanggihan ko sila, isipin nila may something talaga.
Hays, sige na nga. Go with the flow na lang, Tin.
"Uhm sure! Game na?" nakangiting tanong ko
"Yes! Opo, ate. Game na.. 1..2..3.. go" sabi ni ate gurl
"Uhm. Hi, Andrei! Goodluck sa studies and God Bless you always!" sabi ko habang nakatingin sa camera. Malamang.
"Yehey. Thank you ate! Wait lubusin ko na ate ha?" sabi pa niya
"Sige, ano pa yun?" tanong ko
Bigla siyang may inabot na papel.
Natawa na lang ako habang kinukuha sakanya ang papel
"Oh game na. Picture-an niyo na ko" sabi ko
At natapos na din. Atleast napasaya ko sila kahit labag sa kalooban ko mga pinagawa nila sa akin hahaha.
Pagtapos nun ay naglakad na ko papunta sa dorm.
Haaaay. Pagod mamshie!
Pagpasok ko ng dorm ay umupo muna ako sandali sa sofa at ipinikit saglit ang mata ko.
Sobrang stressed na ko sa studies ko tapos UAAP tapos sa training huhuhu ayoko na.
Pero kaya! Para sa family ko, para maging proud sila hihihi
Nakapikit lang ako nang biglang may pumitik sa noo ko
"ARAY!.....ATE KIMMY NAMAN E!"Natawa na lang siya.
"Hoy ikaw Tin ha." Naka-smirk na sabi ni Ate Kimmy
"Ano na naman???"
"Hi Andrei! Goodluck sa studies and God Bless always!" Sabi niya tas ginaya pa boses ko
"OY ANO YON?!" Tanong ko
"Baliw! Kalat na bes sa twitter VG mo kay Andrei. Yieeeee TinDrei is reaaaaal." Natatawang sabat ni Ate Dawn
"Bahala nga kayo jan. Pinasaya ko lang yung mga bata!" Sabi ko at tuluyan nang umakyat
Narinig ko namang nagtawanan na lang sila sa baba.
Matutulog na nga ako. Thank you Lord dahil wala akong pasok bukas!