"Saglit lang ako dun. Babalikan kita. Mahal kita, Ara. Hintayin mo ako"
Yan ang huling sinabi sakin ni Thomas bago siya umalis.
Saan siya nagpunta?
Hindi ko alam.
6 years.
6 years na walang communication.
6 years na akong nag-iintay.
Pinanghahawakan ko yung pangako niya sa akin na babalikan niya ako.
Na mahal niya ako.
Hawak hawak ko yung first picture namin together. Eto yung araw ba nagtapat siya sakin.
Sobrang saya ko nung araw na ito.
Biruin mo, yung matagal mo ng gusto, nagtapat sayo na gusto ka din niya.
"Ara!"
Habang nakatingin ako sa picture ay may patak ng luha na galing sa mata ko ang bumagsak sa picture na yun.
Sakto sa mukha ni Thom.
Narinig kong bumukas yung pintuan ng kwarto ko.
"Ano ba Ara bat di ka sumasag-.... Hay nako. Sabi na nga ba eh. Umiiyak ka na naman."
Sabi ni Mika at tumabi sakin at yumakap sa gilid ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo ng sumuko? Pagod ka na diba?" Tanong niya sakin
"Mahal ko eh." Nakangiting sabi ko.
"Yan na lang lagi mong sinasagot sakin. Mahal mo. Eh yung sarili mo, kelan mo mamahalin? Pagod na pagod ka na Ars. Awang awa na ko sa'yo. Napaka-martyr mo." Sabi niya sakin
Napayuko na lang ako habang umiiyak.
"Anim na taon ka ng umaasa. Di ka pa ba napapagod?"
Tinignan ko siya. Ngumiti ako at sinabing
"Anim na taon na ang lumipas, di ako nag-sawang umasa. At hinding hindi ako magsasawang maghintay sakanya kahit umabot pa to ng isang libong taon pa." Naluluhang sabi ko kay Mika.
Wala ng nasabi si Mika. Niyakap na lang niya ako.
"Gusto ko ng sumuko, Daks. Gustong gusto ko na. Pero pag naaalala ko yung mga sinabi ni Thom, may pumipigil sakin na wag ko siyang sukuan. Ganon ko siya kamahal Mika."
"Alam na alam ko. Eh ilang beses ko ng sinabi sayo na tama na yan, wag ka ng umasa. Eh ang tigas ng ulo mo eh."
Natawa na lang ako ng slight sa sinabi ni Mika.
"Pero, nandito lang kami ha? Andito lang kami kung kelangan mo ng kaibigan." Nakangiting sabi ni Mika sa akin.
Hinding hindi kita susukuan, Thom.
Hinding hindi.