thank you

17 1 0
                                    


"Para saan?", tinanong ko naman kay Lowell.

"Salamat sa pagiging kaibigan ko," sinabi naman ni Lowell sabay pilit na ngiti. Nakikita ko sa mga mata niya na parang naiiyak na din siya.

"Naiiyak ka ba?", tanong ko naman habang iniisip ko din na parang naiiyak na din ako because of this moment. I don't know what is happening but I just hope hindi kami mag-iyakan dito.

"Ha? 'Di no! Gwapo ko masyado para maiyak," sinabi naman niya sa akin.

"Hangin!", sabi ko naman sa kanya at natawa kami pareho.

Napasinghot naman si Lowell at punas ng mata niya bago pa mayroong tumulo na luha. Natawa naman ako ulit at inabutan siya ng tissue na nasa ibabaw ng mesa.

"Hindi ka pala naiiyak ah?", pabiro ko namang sinabi sa kanya habang nagpupunas siya ng luha niya. "Bakit ka ba naiiyak ha? Baka sabihin pa nila ako nagpaiyak sa'yo."

"Ikaw nga nagpaiyak sa'kin!", sinabi naman ni Lowell sa'kin. "Sa sobrang higpit ng yakap mo, nasaktan ako."

"Wow! Ako pa mahigpit yakap ah? Wag ka nga diyan, mas mahigpit yakap mo, di ako nakahinga," sinabi ko naman.

At this point, hindi ko na alam kung ano ang nagaganap. Kung bakit naiiyak si Lowell at kung bakit ako, pinipigilan ko pa din maiyak nang dahil sa kanina. Hindi naman nagtagal ay nagtatawanan na lang kaming dalawa ni Lowell na parang tanga.

Nag announce naman bigla ang EMCEE at sinabi na meron daw surprise guest para sa gabing ito. Napatingin naman kaming lahat at nang bumukas ang kurtina from the stage, nandun ang Mom nila Lowell! I know it was her because I saw from their pictures.

"Mommy mo! Mommy mo! Akala ko ba, hindi siya makakapunta?!", sabik na sabik ko namang sinabi kay Lowell habang siya naman ay nakatingin at nakangiti at natatawa sa mga nangyayari.

"Everyone, please welcome the debutante's mother all the way from Singapore!", sinabi naman ni EMCEE habang patakbo sa harap si Ate Jane na nanggaling sa table sa likod dahil kausap niya ang friends niya doon.

Napatakbo talaga siya! Kahit na nakaheels at agad-agad na niyakap ang Mom niya. Napangiti naman ako sa nangyari at nakita ko ang ningning sa mga mata ni Lowell nang makita ang Mom nila. He took me by the hand again and hinila ako papunta sa harap.

"Lowell, no! Family moment niyo 'yan!", sabi ko naman sabay tanggi na pumunta sa harap.

"Family ka naman eh, tara ipapakilala kita kay Mommy!", sinabi naman ni Lowell sa'kin.

Hindi na ako nakatanggi at napatayo na din ako. Pumunta kaming dalawa sa harap at pinakilala ako ni Lowell sa Mom niya. And to my surprise, nagulat ako sa sinabi ng Mommy niya!

"Ikaw si Paige diba? Nako! Lowell has told me so much about you!", sinabi ni Tita Nessa.

Nagulat ako dito at natanong, "Talaga ho? Nako, ano naman po ang sinasabi niyan tungkol sa'kin?"

"Trust me, my dear. It's everything wonderful about you," sinabi naman ni Tita.

Napangiti na lang ako at tiningnan si Lowell sabay pakita sa kanya ng kamao ko as a joke na patay siya sa'kin kung magkwento siya ng something bad about me sa pamilya niya. Napailag naman si Lowell na kunwari sinuntok ko na siya. Nagmake face na lang ako sa kanya and in no time at all, the photographer was calling us out to strike a pose up front... Me and the whole Mendoza family.

After the picture taking, hinatak na naman ako ulit ni Lowell papunta naman sa isa pang house just right next to the events' hall of Sampaguita Gardens. Pagkapasok namin sa bahay na 'to ay mukha siyang makalumang bahay yet it felt like it was also made for this place. Mukha siyang pangpictorial sa isang wedding or birthday.

Habang nakatayo kami doon at tinitingnan ko yung lugar, hindi pa din binibitawan ni Lowell ang kamay ko. Just as I was about to let go, he held on tighter and took me outside.

"Ano ba, Lowell?! Kanina mo pa 'ko hinahatak hatak sa kung saan!", sinabi ko naman sa kanya.

"Promise, last na 'to!", sinabi naman niya sa akin, taking me outside.

Bigla namang napahiga si Lowell sa damuhan at buti na lang, ginawa niya 'yon after niya bitawan kamay ko, kung 'di, napahiga na din ako. "Tara!", sabi naman niya sa'kin.

"Nakadress ako, papahiga mo ako diyan! Mabuti pa't nagmaong na nga lang talaga ako kung alam ko lang!", sinabi ko naman na medyo nairita. Medyo lang naman.

Tinanggal naman niya ang coat niya at nilagay sa ibabaw ng damuhan sa tabi lang niya, "Oh, ayan na. Sorry na po," sinabi niya in a rather pa-charm way. Hinila niya ako sa kamay at napaupo ako sakto dun sa nilatag niyang coat.

Humiga siya ulit at pinatong yung ulo niya sa ibabaw ng dalawang kamay niya. Dahan-dahan na din naman ako humiga at saktong nakita ko ang mga bituin na sobrang dami ngayong gabi.

"Ganda 'no?", sabi naman ni Lowell.

"Dead stars exploding all at once. Yep. Magnificent," sinabi ko naman sa kanya.

"Panira ka naman," sinabi naman niya sa akin at natawa na lang ako.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ginagawa sa akin 'to ni Lowell. Hindi ko alam kung bakit ang sweet niya this night. Maybe it's just because we're in Sampaguita Gardens where maybe dreams really do come true. But I closed my eyes and thought to myself, If dreams really came true, I just hope and wish that this is all just a dream that would just disappear a few days after.

I admit, gusto kong maalala ang gabing ito. But I also don't want to remember dahil lagi ko na lang maaalala yung moments na meron kami ni Lowell. Yung moments na yun na wala namang meaning. And silly me, wala akong lakas ng loob para tanungin sa kanya kung ano nga ba ang lahat ng 'to. Kung para sa kanya ba, may meaning kahit na sinasabi ko sa sarili ko na wala naman.

Is this really what friendly gestures look like? Slow dancing to a song that means the world? Introduction to parents and siblings? Watching the stars just before the night ends? Cheesy romantic pick up lines? I don't know. I really don't know.

I just hope that this confusion ends the day it's all over.

siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon