confrontation 1.2

11 0 0
                                    


Second to the last period na namin and hinihintay namin ang aming prof. Lowell and I are still in vaguely talking terms kaya ang nakakausap ko na lang mostly ay si Raph. But right now, he's talking to Meanne kaya at this point, wala akong ginagawa. Just scribbling some random thoughts on the back of my notebook.

Habang ginagawa ko ito ay hindi ko na namalayan ang nasulat ko sa notebook ko: I wish we'd go back to the way we were--ito ang nasulat ko. Sa hindi naman inaasahang pagkakataon ay napatingin si Lowell sa notebook ko at nakita ko na binasa niya ang aking sinulat.

"Ako din," bigla niyang sinabi.

Napatingin naman ako at sinabi, "Ha?"

Tinuro naman niya ang sinulat ko at sinabi, "I wish we'd go back to the way we were."

Natawa naman ako at sinabi ko sa kanya, "Ang feeler mo naman. Ikaw ba tinutukoy ko dito?"

"Bakit? Hindi ba?", tanong naman niya na parang umaasa na siya nga ang tinutukoy ko.

"Hindi!", sobrang pagtanggi ko naman sabay tingin sa kanya na nakatingin sa akin na mayroong malungkot na expression sa kanyang mukha. "Eh, m-medyo... Ewan ko!"

Napatayo naman ako at nagpaalam sa class president na pupunta lang ako ng CR. Pumayag naman ito at bago pa man ako makalabas ng kwarto ay biglang tumayo na din si Lowell at hinawakan ang balikat ko na nakapagpigil sa akin na tuluyang lumabas.

"Paige," panimula niya. "Mahal na mahal na mahal na mahal--"

Bago pa man niya matuloy ang sinasabi niya ay kumaripas ako ng takbo palabas at papunta sa CR. Naghilamos ako nang sobrang daming beses at sinusubukan kong gisingin ang sarili ko sa katotohanan--ang katotohanan na hindi naman talaga totoo yung sinasabi ni Lowell kanina.

Imposible. Hindi pwede. Pinagtitripan lang ako nun, panay sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong mahimasmasan ay bumalik na ako ng classroom. Badtrip nga lang kasi nakabantay si Lowell sa may pinto. Langya! Inaabangan ata ako ng lokong 'to. Binuksan ko na lang ang pinto at sinubukang dedmahin siya. Pero pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, hinatak na kaagad ako sa braso ko.

"Ano na naman?!", pagsusungit ko naman sa kanya.

"Hindi mo ako pinatapos na magsalita kanina!", sinabi naman niya sa akin.

"Ayoko nga. Pinagtitripan mo lang na naman ako eh," ang sabi ko naman sa kanya sabay kalas sa pagkahawak niya sa akin. Nagpigil naman si Lowell na bitawan ako kahit na pinipilit kong makawala. "Ano ba?!"

"Kasi nga, Paige, mahal na mahal na mahal na mahal... Na mabigat ang bilihin ngayon. Kasing bigat ng weight mo," sinabi naman niya na medyo seryoso yung mukha at unti-unting natawa.

Hinampas ko naman siya nang sobrang lakas sa braso niya at kumaripas ng takbo pabalik sa upuan ko at iniwan si Lowell doon na tinatawanan pa din ako. Ugh. I vow unto this day na kahit kailan, hindi ko na magiging kaibigan ang g****g 'yon. Siyempre, may lokohan naman kami nung una pero ngayon na hindi pa naman kami nagkakaayos ulit, manloloko na kaagad siya? Saka anong klase 'yon?! Pasweet sweet pa siya nung una lalo na nung birthday ng ate niya tapos ngayon, akala mo kung sino na demonyo? Tsss.

"Uy, Paige," sabi naman niya na medyo pinipigilan ang pagtawa at nakahawak sa balikat ko.

Tinanggal ko naman ang hawak niya sa balikat ko at hindi nagsalita.

"Paige naman. Joke lang yun, uy," sabi naman ni Lowell pero 'di ko pa din pinansin.

"Ano na naman kayong dalawa? LQ na naman ba kayo?", pang-aasar na naman ni Raph sa amin. Pero this time, hindi na ako nagsalita.

Narinig ko na lang na sinabi ni Lowell kay Raph ang mga katagang ito, "Pre, seryoso na away na talaga ata 'to. 'Di na ako pinapansin eh."

"Hay nako. Ikaw kasi eh," pabulong naman na sinabi ni Raph kahit na narinig ko na sinabi niya ito. May mga sinabi pa si Raph pero hindi ko na narinig at hindi ko na binalak na marinig.

'Di naman nagtagal ay dumating na ang prof namin at hindi na kami nakaimik sa isa't isa. Ito na din ang huling beses na nakausap ko si Lowell nang matino-tino. At hindi na kami bumalik sa dati kahit na gustuhin ko man.

I wish we'd go back to the way we were

Nabasa ko na naman ito sa likod ng notebook ko.

Kanina ko pa lang ito nasulat pero parang ngayon pa lang, I regret it already.

Napag-isip isip ko na din na hindi ko na siguro kailangan si Lowell sa buhay ko. Kung ganito na rin lang na hindi na kami nakakapag usap nang matino at hindi na rin maibabalik ang dating kami matapos ang birthday ng ate niya, 'wag na lang kami maging magkaibigan. 'Wag na lang kami bumalik sa dati.

Pinilas ko ang papel mula sa notebook ko at nilukot ito.

We're never going back to the way we were, sinulat ko sa bagong piraso ng papel sa likod ng notebook ko. And this time, I know this is going to happen. I'm sure of it.

siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon