confrontation 1.1

12 0 0
                                    


"Sasali ka din ba talaga sa talent contest?", tanong sa akin ni Francine na hindi mapinta ang mukha.

"Ewan, bahala na," sinabi ko naman sa kanya habang pinapanuod siya na magstretch dahil kakatapos lang niya magpractice for at least three times.

"Uhm, Paige, pwede favor?", sinabi niya sa akin in a serious way.

"Ano yun?", tinanong ko naman.

"Uhm, nevermind. Practice lang uli ako. This time, papasok na talaga 'to sa standards mo!", sinabi naman niya dahil kanina ko pa sinasabi sa kanya na parang may kulang sa routine niya kanina pa.

Tumango lang ako at pinlay ko ang music at her signal, in which, kanina ko pa ginagawa para sa kanya. She is as stubborn as ever. 'Di ba sinabi niya na gagawin niya ulit ang routine niya and this time, pasok sa standards ko? Well, kanina kasi, sinabi ko sa kanya na hindi pasok sa standards ko dahil walang audience impact kung mag-isa kang sumasayaw sa gitna.

Ang sabi naman niya, ayaw niya na may kaagaw (as I specifically stated earlier in this story). Gusto niya, solo niya ang stage. I don't blame her but sometimes, kailangan mo ng ibang tao para magstand out ang performance mo. Kasi kung magaling ka talaga na dancer, hindi mo naman kailangan mag-alala kung maooverpower ka ng kasama mo sa stage.

But of course, nagpatalo na lang ako sa argument dahil baka sabihin pa ni Francine na sinasabi kong hindi siya magaling na dancer kaya siya insecure kapag may iba siyang kasama sa stage. I don't want to lose my best friend twice.

Pagkatapos ni Francine sumayaw, umupo siya ulit sa tabi ko at sinabi, "Oh, ano?"

"Ehhh..", wala akong masabi. She just provokes me to say what I said earlier.

"Hindi pa din?! Nako, Paige, kailan ba ako makakareach sa expectations mo?", sinabi naman niya na medyo naramdaman kong may laman talaga.

"Hindi naman kasi sa ganon. Pero kasi, seryoso, kailangan mo talaga ng kasama sa stage," sabi ko naman sa kanya. "Kasi kahit gaano kaganda yung routine mo, kung walang sumusuporta sa'yo, hindi talaga mabibigyan ng emphasis yung performance."

"Eh kasi ayoko nga ng may kasama!", napasigaw naman si Francine at hindi tumitingin sa akin habang ako naman ay napatingin sa kanya. "Gusto ko mapakita yung talent ko bilang ako lang at hindi isang grupo."

Hindi ako nagsalita.

"Gusto kong patunayan na hindi lang ako si Francine na best friend ni Paige. Gusto kong patunayan na ako din naman si Francine, the girl that deserves the second look. The girl that's also worth it. Kasi lagi na lang ikaw nakikita nila eh!", sinabi naman niya sa akin.

Hindi naman ako nagsalita pero lumapit ako kay Francine at niyakap ko siya kahit na awkward ako sa pagyakap.

"Hindi totoo 'yan, Francine. You're much more than you think. At hindi lang ako ang pinapansin ng tao. Hindi mo lang alam pero people see you. And I see you," pagpapalakas ko naman ng loob ni Francine. "I see you as a girl that's worth it."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil best friend kita. But I hear what people say and they talk about you more than they talk about me," sinabi naman niya. Kumawala naman ako sa akap ko kay Francine at binigyan ko siya ng distansya.

Little did I know that in our long best friendship, this would be the last time I would hug her.

siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon