kwento ni paige

35 1 0
                                    


Ang maganda sa pagiging isang writer, pwede mong baluktutin ang sinusulat mong kwento. Pwede kang pumunta sa iba't ibang lugar but stay in one place all at once. Pwede mong sabihin na ang main character mo ay isang kaaya-ayang prinsesa sa loob ng isang kastilyo na kung saan kasiyahan lang ang nagaganap. Pwede mo din sabihin na mayroong tatlong magkakaibigan na mayroong kakaibang kapangyarihan sa pag manipula ng maraming bagay. Pero ako? Ako yung tipong na writer na hindi magbabaluktot ng kwento. I swear the truth, the whole truth and nothing but the truth.

Kaya sa pagkwento ko ng sarili kong kwento, wala akong iniiwan na detalye. Ipapahayag ko dito lahat ng sakit, lahat ng hinanakit at lahat ng luha na aking binuhos sa buong buhay ko.

Pero 'wag kayong mag-alala dahil hindi lang naman puro drama ang kwento ng buhay ko. Meron din namang mga parte ng buhay ko na masaya.

Ako nga pala si Champagne Mallari. My friends call me Paige. Isa akong hopeless romantic. Mahilig din ako magbasa at magsulat ng mga kwento na tungkol sa pag-ibig, buhay at pamilya. Kadalasan, dito ko nalalabas ang mga hinanakit ko. Lalo na't dahil ang kapatid ko ay college na at hindi na laging umuuwi sa bahay. Kaya sa tuwing mayroon akong gustong ikuwento sa kanya, sinusulat ko na lang muna. Para kung sakaling bumalik na ulit siya, makwento ko in full detail. And in this way, I get to enhance my writing skills as well.

I will show you the stories I get to write while my sister is away.

Let me know if the stories are any good, okay? Thanks.

siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon