plan b

12 1 0
                                    


Matapos dumating ni Ate Tin at masabi niya sa akin na umuwi nga siya because of our parents' anniversary, agad agad ko siyang hinatak papunta sa kusina habang umupo muna sa sala sila Mom.

"Hey, hey! Ano meron?", tanong naman ni Ate Tin nang makarating na kami sa kusina.

"Nakalimutan ko na anniversary sila Mom at Dad," sinabi ko naman sa kanya with matching regret na nakalimutan ko.

"Hala siya! Patay ka! Wala ka man lang regalo?", sinabi naman ni Ate Tin sa akin.

"Meron dapat pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na bumili. Help," sabi ko naman kay Ate Tin habang kumukuha siya ng tubig sa loob ng fridge.

"Ano ba dapat ireregalo mo sa kanila?", tanong sa'kin ni Ate.

"Matching couple shirt," sabi ko naman sabay tawa ni Ate. "Ano?!"

"Ang cheesy mo naman, baby girl. May mas magandang idea ako! Pagtutulungan natin. Anong say mo?", tanong naman ni Ate sa'kin.

"Hmm, depende. Ano ba 'yang plano mo?", tanong ko din naman sa kanya.

"Trust me, this is going to be a-ma-zing. And pwede natin 'to maput up tonight!", sabi naman ni Ate.

"Tonight?!", exaggerated naman na pagreact ko sa sinabi ni Ate Martini.

I took a look at my watch na hindi ko pa din natatanggal ever since I arrived home. 5:06 PM. I sure hope we can put up whatever Ate's plan is in less than an hour or so. Hindi na ako nakatanggi at agad na akong hinatak ni Ate at dinala ako sa pinakamalapit na grocery store sa'min.

"Hindi ba maiisip nila Mom na bigla tayong nawala?", tanong ko naman kay Ate.

"Nah. I'm pretty sure nag eexpect din naman sila na meron tayong gagawin para sa kanila. Like, remember the time when we actually had time? Lagi tayo gigising ng maaga tapos isusurprise sila Mommy and Daddy sa anniversary nila," sabi naman ni Ate.

"Yeah, I remember that," sabi ko naman.

"Do you remember what you always ask me kapag anniversary nila?", tanong naman ni Ate Tin.

"Yup," sinabi ko naman, reminding myself of what I actually ask her. "Naniniwala ka ba sa forever?"

Natawa naman si Ate at sinabi, "Tapos ako naman, lagi kong sasabihin sa'yo walang forever, baby girl. Pero sasabihin mo naman sa'kin--"

"May forever, ate! Tingnan mo sila Mommy at Daddy!", sabay naming sinabi.

Natawa naman kaming dalawa habang namimili ng mga ingredients para sa gagawin naming home dinner para kila Mom and Dad mamaya. Habang namimili naman kami ay bigla kong naisip sa sarili ko, meron nga ba talagang forever? Kung ako nung bata ako, sinasabi ko na may forever dahil sa mga magulang ko, ngayon kaya na matanda na ako? Well, I don't even know what to think anymore. Kahit Ate ko sinasabi sa'kin na walang forever.

"Ate?", bigla ko naman tinawag si Ate habang namimili siya ng cheap but okay na olive oil.

"Yep?", sabi naman ni Ate.

"Bakit mo lagi sinasabi sa'kin noon na walang forever?", tanong ko naman sa kanya nang nakapili na siya ng cheap but okay na olive oil na sinasabi niya.

Natawa naman si Ate, "Kasi yun yung laging sinasabi ng barkada ko noon. Broken hearted kasi siya nun. Pinangakuan siya ng forever pero ayun, nagbreak din sila."

"Heart break? Eh, ikaw ba? Naexperience mo na ba masaktan?", tanong ko naman kay Ate.

"Aruy, beh. Grabe naman 'yang mga tinatanong mo! Pero, oo eh," sabi naman niya sa akin.

siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon