Chapter 4

332 11 0
                                    

Chapter 4

Maeve's POV

Hindi ako mapakali, iniisip ko yung pagdrodrop out ni ryan, pati na yung tingin niya kanina. Alam kong galit siya at nagseselos siya, kilala ko yun. Makipag usap nga lang ako sa ibang lalaki magseselos na, pano pa kaya kung makita niyang may kayakap ako diba.

"Huy, maeve okay ka lang?" Naglalakad kami ni troy papunta sa parking lot, wala kasi yung prof namin sa last subject eh kaya hahatid nalang daw niya ako.

"Uhm, oo may in--"

Naputol yung sasabihin ko ng kay babaeng tumawag sa akin. "Maeve wait!" Hinawakan nung babae yung braso ko, nung nilingon ko siya nakita ko na agad ang mala angel niyang mukha, Si dianna.

"Hmn? Bakit?" Nginitian ko siya

"Someone wants to talk to you kase," tiningnan niya si troy "pwede ka bang sumama sakin?" Tapos binalik niya yung tingin niya saken.

"Oo naman, sige" tumango ako at nilingon ko si troy "una kana"

"Troy wait for me, ihahatid ko lang si maeve at sasabay na ko sayo pabalik ng hotel"

Tumango nalang si troy at tska nagsimula ng maglakad palayo, kami naman ni dianna naglakad na kami papalapit sa taong gusto daw na kumausap sakin, malayo pa lang kami pero sa kotse palang ay alam ko na kung saan at sino ang aming pupuntahan.

"Hindi ka pwedeng lapitan ni alexander sa public kaya kinausap nya ko para puntahan ka. Go ahead, and goodluck! Sa nakita ko kanina, selos na selos siya" ngumiti siya at nagwave.

Kinabahan naman ako bigla. Well, hindi naman ito yung unang beses na nagselos siya, kadalasan sa mga lalaking nanghihingi ng number ko, nagpapapicture sakin, kumakausap sakin o nagkakagusto sakin siya nagseselos, eh mga simpleng selos lang yun, halatang gusto lang niyang magpalambing. Yung ngayong selos, hindi lang lambing ang kaylangan, suyuan talaga.

Pagpasok ko ng front seat tiningnan niya na agad ako ng magkasalubong ang kilay, yung mga kamay niya ay nakahawak sa manibela.

Tska nya ako inirapan.

Aba tong lalaking to, marunong nang mangirap, "san mo naman natutuhan kung paano umirap ha?"

"Psh, nagtatanong kapa edi sayo!"

Bumuntong hininga ako. "Ry" hinawakan ko yung braso niya pero inilag niya to

"Don't touch me" umirap nanaman siya sakin.

Hindi porket marunong na siyang umirap eh araw arawin na niya! To'ng lalaking to, may kasalanan pa nga to sakin eh!!! Hindi niya sinabi na magdrodrop out na siya.

Pero maeve mali ka rin naman dapat ipaliwanag mo sakanya na mali yung iniisip niya.

Pero hindi naman talaga totoo yung iniisip niya eh! Anong akala niya sakin maloloko?

Syempre maeve hindi pa niya alam na close kayo ni troy maiiba nga yung interpretasyon niya, tska isa pa seloso yang boyfriend mo eh.

Hay! Ano ba tong ginagawa ko, nakikipagtalo ako sa sarili ko!

"Ry, bakit mo ba ko pinatawag dito?" Tumingin siya sakin ng magkasalubong ang kilay

"Hindi ba obvious? Ano yun? Hindi ka aware na nagseselos ako? O hindi ka aware na may boyfriend kana!"

"Hey, watch your words, wala kabang tiwala sakin?" Nilingon ko siya ng may kunot sa noo ko

"Hey ka din! Watch your actions ha!! May pa hug hug pa kayo, pahawak hawak ng kamay at papunas punas ng luha. Hindi naman siguro siya nag papa acting workshop sayo noh?"

Take Me back [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon