Change of heart

570 8 0
                                    

CHANGE OF HEART

NEW STORY (KATHNIEL)

Sandro and Keira Story.

Third Person's POV

Excited na excited si sandro sa paglabas ng kapatid niya, finally she will be a kuya na.  "Daddy I will go the the restroom first ha" paalam nito sa daddy niya na kanina pa pabalik balik ang lakad sa harap ng delivery room dahil sa sobrang kaba.

Habang naglalakad si sandro, nakakita siya ng isang batang babae na kasing edad niya lamang na umiiyak sa labas ng chapel ng hospital habang nakaupo sa sahig.

Wala namang pag aalinlangan na pinuntahan ni sandro ang batang babae, bilin kasi sa kanya ng daddy niya, huwag magpapaiyak ng babae, at kapag nakakita ng babaeng umiiyak at hindi mo nilapitan automatic na yun na may kasalanan ka sa pag iyak niya, bakit? Dahil kung lumapit ka sa kanya at pinatahan mo siya hindi na sana siya iiyak pa.

Inabot ni sandro ang bib na siya mismo ang gumawa, para sana sa kapatid niya ito, tinulungan pa siya ng mommy niyang gumawa nito.ngunit parang mas kailangan ito ngayon ng batang babae.

Ang bib ay may nakaburdang batman at batgirl na magkahawak ang kamay. Sa baba ng bib ay may nakalagay na A.M na ang ibig sabihin ay alex montenegro

Napansin ng batang babae ang bib sa kanyang harapan kaya inangat niya ito ng tingin "Ano yan?"

Umupo si sandro sa tabi ng batang babae "Bib, hindi ba obvious?" Sagot ni sandro

"Anong gagawin ko diyan?" Medyo paputol putol na sabi ng batang babae dahil sa kanyang hikbi

Hinawakan ni sandro ang baba ng batang babae para iangat ang mukha nito "Ganito.." Marahang ipinunas ni sandro ang bib sa pisngi ng batang babae

Ng mapatingin si sandro sa mata ng batang babae, bumilis ang tibok ng puso niya na para bang tumatakbo ito dahil hinahabol ng aso. Ngayon lang nakita ni sandro ang buong mukha ng batang babae, mala anghel ang mukha nito. Moreno, matangos ang ilong, matambok ang pisngi.

"Bakit ka umiiyak?"

Tinakip ng batang babae ang bib sa kanyang buong mukha dahil nagbabadya nanaman ang isang bugsong luha dahil naalala nanaman niya ang kanyang ina na nawalan ng buhay kanikanina lamang na siyang dahilan ng pag-iyak niya. Humikbi muna siya bago sagutin ang tanong ni sandro "yung mommy ko, wala na siya.. Namatay siya dahil sa heart disease ."

Mayroong sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila, alam ni sandro ang pakiramdam na mawalan ng ina dahil muntik ng mawala ang kanyang mommy maeve sa kanya, alam niya ang sakit at ang hirap ng walang ina sa loob ng 2 taon pero hindi niya ito masyadong naramdaman dahil kasama niya at hindi siya pinabayaan ng kanyang daddy ryan.

Iaabot sana ng batang babae pabalik ang bib ngunit Inilagay ni sandro ang bib sa kamay ng batang babae, inakbayan ni sandro ang batang babae at hinilig ang ulo nito sa balikat niya "Sabi ni daddy sakin wala naman daw masama kung umiyak tayo para sa taong mahal natin, dahil ang pag iyak daw ang simbolo na mahal natin ang taong nawala, ito din daw ang tanda na nasaktan tayo sa pagkasala ng isang tao."

Lalo namang naiyak ang batang babae dahil sa sinabi ni sandro, napagtanto niyang tama si sandro, kaya siya umiiyak dahil nawalan siya ng minamahal at walang masama doon natural lang itong reaksyon ng isang taong nawalan.

"Kapag umiiyak ka, wag mong kalimutang ipahid ang bib na yan sa mga luha mo ha? Para kunwari pinatatahan kita, kapag umiiyak ka wag mong isiping nag iisa ka dahil kapag nasayo yung bib na yan, may papahid at papahid ng luha mo"

Ilang segundo ding magkayakap ang dalawang bata, dahil sa sinabi ni sandro mas lalong gumaan ang loob ng batang babae. Kumalas silang dalawa sa yakap ng may isang nurse na lumapit sa kanila.

Hinawakan  ng nurse ang kamay ng batang babae "nako, kanina kapa hinahanap ng kuya mo! Alalang alala na sayo, tara na!" Mabilis namang hinila ng nurse ang natang babae

Nagulat si sandro sa ginawa ng nurse, hindi siya makakilos at pinanuod lamang niya ang pag lingon ng batang babae sakanya habang lumakad palayo.

Naisip pareho ng batang babae at ni sandro

"Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya"

"I didn't got the chance to ask her name"

After 15 years (to read more please go to my profile and add change of heart in your library!)

Continuation is on CHAPTER 1 of CHANGE OF HEART

Take Me back [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon