Chapter 14

301 4 0
                                    

Chapter 14

Ryan's POV

Wala akong ibang ginawa ngayon araw kung hindi magkulong sa kwarto at uminom ng alak, the feeling of unwanted? Parang lahat ng tao ayaw na makasama ako.

*ry, answer your phone it's me calling!*

"Babes? Are you busy?" I want her now. Gusto ko ng companion sa bigat ng nararamdaman ko

"Sorry ry, busy ako eh. Tawag ako later. Bye!" Halata mo sa boses niya yung pagmamadali, she was never in a rush pag dating sakin. I guess she is really excited about her work.

"Okay ilo--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil binaba niya yun agad.

I feel dissapointed. Siya nalang ang meron ako pero parang mawawala na din siya ng oras para sakin.

Ayoko dito sa bahay, it feels like I'm really alone. Pagbaba ko ng hagdan sinalubong agad ako ni mama.

"ALEXANDER YOU WILL BE DOING A PRESSCON! SABIHIN MONG YOU'VE CHANGE YOUR MIND!" Hinigit ni mama yung braso ko na dahilan para mapaharap ako sa kanya "YOUR ARE SO STUPID!PADALOS DALOS KA!!"

Huminga ako ng malalim, ayoko na hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. I'm so full, I'm drowning, anytime pwede na kong mamatay.

"MA PLEASE! May sarili akong buhay! Let me live it the way i want to!" Hinawi ko yung braso ko na hawak ni mama.

"My gosh ryan! Hindi mo ba nakikita?! Prinoprotektahan kita so you can have a good life! Ginagawa ko to' para sayo!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni mama, para sakin? This is never for me, this was for her. Hinarap ko siya. My feelings is like a bomb that anytime is going to explode.

"Para sakin? No ma! Ginagawa mo to para sayo! Ginagawa ko lang naman to para sayo para naman kahit misan makita mo ko bilang anak at hindi isang lalaking sumira sa pangarap at buhay mo!" Napahawak ako bigla sa pisngi ko dahil sa isang sampal na dumampi sa pisngi ko.

"Wala kang utang na loob! Pinalaki kita kahit na hirap na hirap ako! San mo nakuha ang ganyang ugali?! Natuto kang sumagot sakin!" Tinuro ako ni mama "Dapat pinalaglag nalang kita noon! Tutal wala ka namang kwenta!"

Ngumisi ako, i faked a laugh "kaya nga ma eh, dapat pinalaglag nyo nalang ako kung alam kong mas masahol pa sa impyerno tong magiging buhay ko! hindi mo ba naisip kung gaano ko nasasaktan tuwing ipinamumukha mo sakin na isa kong pagkakamali? PUTANG INA KAYO! BAKIT KASI HINDI KAYO GUMAMIT NG CONDOM NOON NG HINDI AKO NABUO!" kitang kita ko sa mukha ni mama yung gulat sa mga sinabi ko.

Okay lang yan ryan, say what you want to say. Kaylangan mong ilabas yan.

"Hindi mo ba alam?! Kung gaano kasakit makita yung mga kaklase ko na may tatay at nanay sila kapag family day? Kasi ako? Ni isa sa inyo ng tatay ko hindi dumating! Kahit anong activity sa school puro yaya ang kasama ko! Tuwing graduation ko! Wala ka!" Tinuro ko si mama, hindi na napigilan ng luha ko at lumandas na siya pababa ng pisngi ko. "Laging teacher lang ang nagaakyat sakin sa stage!

Itinuro ko yung sarili ko "Isinuko ko yung pangarap kong maging engineer para sayo ma, pinasok ko ang showbiz para sayo ma, para matanggap mo ko. Pero kahit ano atang gawin ko hindi mangyayari yun. You never see me as your son, and I'm afraid that it will never happen" tinalikuran ko siya at nagpunas ng luha.

I feel bad dahil nasagot ko si mama, pero mababaliw ata ako kung hindi ko nailabas yun. Atleast now she knows what i feel. How it hurts.

I spent my whole day in Club royale, drinking. Pero kahit ang pinaka malakas Na alcohol ata ay hindi kayang pamanhidin ang nararamdaman kong sakit. It was 10 in the evening pero hindi parin ako umuuwi. Narining ko namang tumunog ang phone ko, nagtext si maeve.

Take Me back [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon