- 16 -

621 35 106
                                    



✥-------------------✥-------------------✥

e u f y

✥-------------------✥-------------------✥


Madilim na ang buong Aeolus nang maisipan na naming bumaba. Tanging mga pulang bumbilya na lang ang gabay namin sa mga pasilyo. Ngunit nasa iba ang atensyon ko.

Bumabangga kasi ang mga kamay namin ni Yohan habang naglalakad. Gusto kong lumayo. Baka kasi hindi ko mapigilan at hawakan ko na ang kamay niya.

"Natatakot ka 'no?" sabi niya.

"Hindi ah."

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Pwede mo namang hawakan ang kamay ko."

Pinandilatan ko siya. "Ayoko nga. Kung sa tingin mo gusto kong hawakan 'yang kamay mo, lubos kang nagkakamali." Lumunok ako na lalong nagpalapad ng ngiti niya. "Baka ikaw dyan ang may gustong humawak sa'kin 'no."

"Parang ganito?" Kinuha niya ang kamay ko.

"Hoy!" Iwinaksi ko ang kamay ko. "Hindi mo na kaarawan ah!"

Tumawa lang siya at nagpamulsa. Halos mapunit na ang pisngi sa kakangiti.

"Ang saya mo naman?" Minata ko siya.

"Syempre," nagkibit-balikat siya. "Ah, ihahatid na kita sa silid mo."

"Wag na, kaya ko na."

Sinimangutan ako ni Yohan. "Dalawa lang pagpipilian mo. Ihahatid kita o sa kwarto ko ikaw matutulog."

Nakatitig lang ako sa bibig niyang nakasimangot. Nakakatuwa kasi.

"At bakit sa tingin mo papayag akong matulog sa kwarto mo?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Hindi ako papayag na maglakad kang mag-isa. Paano na lang kung may humablot sa'yo sa dilim?" At hindi niya sinagot ang tanong ko. "Tsaka alam kong papayag ka sa kwarto ko kasi may tiwala ka sa'kin."

Siningkitan ko siya ng mata. "Base sa ngiti mo, nagdududa na ako."

Humalakhak naman siya. "Wala akong gagawin sa'yo!"

Umirap na lang ako na natatawa. Sinong mag-aakala na dadating din kami sa ganito?

Pagharap ko sa daan ay napatigil ako sa paglalakad. Gayundin si Yohan. May isang pigura sa daan na hindi ko makilala dahil nasa dilim. Ngunit nakaramdam ako ng kaba at takot.

"Sino yan?" tanong ni Yohan, hinaharangan ako.

Marahang umapak ang pigura tungo sa pulang bumbilya at nang mabuhusan na siya ng liwanag ay nakilala ko na ang payat niyang mukha.

"Lianne?" bulong ko.

Nanggagalaiti ito at napakasama ng tingin sa amin. Nanlilisik ang mga mata at nanginginig ang mga kamao.

Paraisla III: ParuparoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon