Chap 5. Sariling Sikap

450 2 0
                                    

Bagong taon. Bagong hobby. Bagong peg.

Lingon sa kanan

Lingon sa kaliwa

Lingon sa harap

Lingon sa likod

(Repeat 3x until fade)

Dalawang linggo na parating ganito ang nangyayari. Dalawang linggo ng panonood ng lampungan. Daig ko pa ang naumay sa porn (overactive na imagination ko. Tsk). Haha!

Landian dito. Landian doon. Landian pataas. Landian pababa. Landian patagilid.

From 5 to 9. Yan na ang bilang ng barkada kapag tumatambay (ako tapos yung apat plus mga mahal nila).

Referee? Score keeper? Photographer?  Voyeur? Fan girl? Dagdag audience impact (e mag isa lang akong nanonood!)? sa madaling salita, EPAL! Sabit sa mga lakad. Woo!

Kapag mauupo sa mahabang sofa, pauusugin ka kasi kailangan magkatabi sila. Ang ending kahit ako naunang umupo, ako yung mukhang nakisingit! Ay siya!

Dalawang linggo ko ng tinatanong ang sarili ko (sa tuwing bago ako umalis ng bahay para makasama sa kanila) ng ”Maliligo at magaayos ako ng sarili para lang manood ng porn (ay lampungan pala) ?!? Nyeta!”

Pagkatapos ng nakakaumay na dalawang linggo...

Tulala si pinsan at hindi kumikibo. Tinitigan ko nga. Shit! Wala yung malawak na ngiting lampas sa pisngi. Anong nangyari dito?

“Uy! Sino umagaw ng kendi mo? Uupakan ko.” –ako

”...” – Myles

Biglang nalukot mukha ni pinsan at nagwikang “Wala na kami..”

”Huh? Anong nangyari? Anong ginawa mo sa kanya? Bakit mo siya niloko? Hay naku” –ako

“Wow. Makabintang ka pinsan ha. Bigla niya sinabi kahapon na ayaw na daw niya. Walang paliwanag” –Myles

“Isang linggong pag-ibig lang drama nyo sa buhay?” – ako

”Ayawan agad?” dagdag ko pa.

”Nakadalawang linggo naman kaya kami!” –Myles

”Ipagtanggol pa daw ba? Hayaan mo na yun. Hanap na lang ulit tayo bagong lovelife mo.” –ako

“Ikaw na halaman tutulungan mko maghanap ng bagong lovelife?!?” –Myles

“Anong alam mo dun?” natatawang sabi pa niya.

Gago to a. Nag offer na nga akong tulungan siya e tapos manlalait pa. Naku! Buti na lang napangiti ko siya sa offer ko kahit papaano. Biyernes santo kasi mukha e.

“Tara. Puntahan na lang natin ang barkada” aya ko sa kanya.

YES! One porn down! Three more to endure. Arrgghhh.

Matapos ang big announcement sa tragic lovelife ni pinsan, nagprisinta si Cel na maging bugaw este mama san ay mali good samaritan pala :) 

May papakilala daw siya kay Myles. Kumislap agad ang mga mata ng kumag parang may watusi na kinalog sa bibig. Hayok talaga magkalovelife! Naku naman.

Para kaya siyang bipolar kung may lovelife. Tulala na nangingiti na parang engot tapos biglang tulala ulit na parang binagsakan ng langit ang mukha pero para pa ring engot. Haha!

Sinet na ang pambubugaw na next week. Buti may pasok na sa school nun at magiging busy ulit ako. Kundi bibitbitin na naman akong sidekick panigurado.

 Inalok din ako kung gusto ko rin. Parang paninda lang sa sidewalk kung makapagbargain ng babae si Cel. Haha! Naiimagine ko tuloy any moment ay dudukot lang siya sa bulsa ng shorts niya at voila! May lalabas ng babae :)

Tinanggihan ko yung offer kasi ayoko. Hindi pa ako handang maging bipolar tulad ng pinsan ko at wala pa akong stamina para sa porn (bata pa kaya ako. Hehe).

The One...That Got Away Nga Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon