Chap 19. A Lot of Fish in the Sea

265 4 3
                                    

Sa Mundo ni Kate

Eto na naman ako. Me and my failed judgement.

Pang ilang attempt ko na ba ito sa pagmomoved on from her? Pang ilang beses na ba akong nag assume ng mga bagay bagay na mali about her? At bakit kasi hindi pumapasok sa kukote ko na tanungin muna siya bago ako magpadalos dalos ng desisyon?

Ilang beses siyang sumubok na kausapin ako pero bilang isa’t kalahating tanga ako, dedma lang sa kanya ang peg ko.

Paktor!

Kung kailan nakamoved on nko at masaya sa buhay (chos!) ay saka ko malalaman na wala pala akong dahilan para magalit sa kanya in the first place. Na friends lang pala talaga sila nung Mitch na yun. Na umiral lang talaga ang kagagahan ko (again!).

Epic fail talaga kahit kailan ang love story namin. Kung love story nga bang matatawag ang kwento namin. Our could have been love story. The almost love story.

Sinayang ko ang chance with her. Ngayon wala na. Nada. Big fat zero! Shungabelibels lang, Kate!

Napapala mo sa kagagahan mo. Bakit kasi kailangan mag jowa agad agad? Papamukha mo pa sa kanya na nakamoved on ka na e alam mo namang hinahabol ka pa? Anyare ngayon? Nganga ka kasi pagoda cold wave na siya sayo! Shungangertz!

Iwan mo man ang current jowa mo ngayon just like the last time you did with Beth ay wa wents na kasi kebs na si Jackie sayo. Naku ka talagang babaita ka!

Ngayon, magdusa ka sa pagmomoved on. Umiyak ka man ng bato (chos!), walang himalang magaganap.

Sarap iumpog lang ng self ko sa pader. Award!

”Haba ng script ng monologue natin a!” – Ate Gi

“True. Bilang tanga tangahan ang drama ko as usual. Ate, ano ng gagawin ko?” naiiyak kong sabi sa kanya.

”Hmmmm. Actually, wala. Kahit ata tumambling ka o magsomersault o maglakad ng nakaluhod papasok ng simbahan at samahan mo pa ng pag aalay ng mga precious eggs kay Santa Clara e wala ng katuparan ang love story mo kay Jackie.” – Ate Gi

“Salamat sa vote of confidence. Ang laking tulong ha. May I remind you na may kasalanan ka rin dito. Kung hindi mo ginatungan ang mga awful events ay hindi aabot sa ganito.” – ako

“Excuse me, dear sister. Medyo assumera ka lang talaga. Hindi mo binigyan ng chance yung tao to explain. At malay ko bang grabe mo isapuso ang mga bagay bagay. Anyway, may jowa ka naman na e. Win win pa rin on your part.” sabi niya.

“Pero ate, si Jackie ang gusto ko. Siya ang aking supposed significant other.” malungkot kong pahayag.

“Kapatid, bakit kasi nag inarte ka ng malala? Hinahabol ka na nga ng ultimate love of your life e. Tapos imbes na pa delight lang ang peg mo sa kanya e marathon away from her ang ginawa mo?” – Ate Gi

“Malay ko naman ba kasi sa true to life behind the scenes na kwento about dun. Akala ko talaga nagkabalikan na sila nung malanding hitong yun.” – ako

“O well, balon. Andyan na yan. Hindi ka na hinahabol nung uber cute na si Jackie. Mag umpisa ka ng magdusa. Ay sorry. Magstart pala na iaccept ang mga bagay bagay. Huwag ka na mag expect ng kachorvahan with her. At tsaka ayusin mo nga yang lovelife mo. Patol ka ng patol kung kanikanino everytime na feeling mo at loss ka dun sa timang mo.” – Ate Gi

”Kung kanikanino talaga? Ano yun? Wala man lang akong screening test para sa mga jinojowa ko?” – ako

“Kanikanino, meaning hindi si Jackie kaya kanikanino ang term. Ok na? Givesung mo na muna ng chance yang relasyon mo ngayon para hindi ka masyadong madepress. Tutal andyan na yan e. Malay mo, maging successful ka sa nth time na attempt mo to moved on from her.” – Ate Gi

Great! Now, I’m stucked in a relationship that is not with Jackie my love. Hay! Kagagahan ko talaga. Dapat keribumbum ko itetch. I did this to myself. Pangatawanan ang katangahan. Nyeta!

Sa Pananaw ni Jackie

This is just a big misunderstanding.

Misunderstanding sa part niya dahil inakala niya na “not so friendly” ang date na yun with Mitch. Kailangan talaga may malisya agad agad? Hindi pwedeng friendly hang out lang? Tsk tsk.

Pero sa tinakbo ng mga pangyayari parang ang misunderstanding ata ay nasa part ko. Inakala ko kasi na may something kami. Na we were heading somewhere. Wala palang we. Me and her lang pala ang meron.

Akala ko konting kembot na lang at magkaka genuine lovelife na ako. Akala ko lang. Shunga lang ang peg sa mundo.

“Tulaley ka na naman, pinsan. Hindi ka pa rin nakakaget over? Tagal naman ng moved on period mo. Aba lampas isang taon na a.” –Myles

“Nakamoved on na ako no. Kung ayaw niya e di huwag.” Defensive na sagot ko sa pinsan ko.

“Moved on as in moved on away from her hindi moved on na moved on towards her.” –Myles

“……..” –ako

”Umpisahang tanggapin na acquaintances or hanggang friends lang kayo. Isipin mo na lang na masyado ka lang nag assume ng mga bagay bagay. In short, deadma ka lang sa nangyari, Huwag ipakitang affected ka.” – Myles

“……...” –ako

“Alam mo. Huwag ka na magmukmok. There’s still a lot of fish in the sea. Kung ako sayo, lalambatin ko na kesa gumamit ako ng pamingwit.” –Myles

Wait lang. Bakit parang may something sa mga sinasabi ng kumag na to?

“Anong there’s still a lot of fish in the sea? Akala ko ba parang Disney fairy tale na hahalikan mo yung palaka tapos magiging prince or princess charming? Paano napasok ang isda sa usapan? Wala namang palaka sa deep blue sea at kailan pa nagkahasang ang mga palaka? Ang gulo mo.” –ako

”Kung hindi ka bumenta sa isang species, try mong hanapin ang kapalaran mo sa ibang species.” –Myles

”Paano kung hindi ako marunong mangisda o mamingwit man lang? Paano kung hindi ako fisherfolk? Paano kung hunter pala ako? O executive sa makati? O athlete? Di kaya minero? Construction worker? Parlorista? Tambay? Anong silbi ng there’s still a lot of fish in the sea statement mo?” –ako

“Nyeta pinsan! Bottom line lang ay huwag mo aksayahin ang buhay mo sa pagmumukmok. Go out there and make landi to all of them. May kulugo man o red tide.” -Myles

“…….” – ako

Mayamaya pa....

“Nakikita mo ba yun?” turo niya sa isang babaeng naglalakad sa park.

“Anong meron naman dun?” – ako

“Siya lang naman ang iyong F.S.O.” – Myles

“Ano yung F.S.O.?” – ako

”Ang iyong future significant other. Ang susunod na magpapatibok ng iyong achy breaky heart. Intiendes?” – Myles

“Eto na naman tayo sa mga kaweirduhan mo. Una, palaka at magical kiss. Sumunod, palakang  may hasang na pwede mo mabingwit sa deep blue sea. Tapos ngayon, future significant other? Para mo na ring sinabing, si Kate ay ex ko.” – ako

“Naging kayo ba para matawag mo si Kate na ex mo?” – Myles

“Hindi. Pero ex ko siya. As in Ex-F.S.O. ko. Naunsiyami nga di ba? Kaya ex-future significant other ko siya!” – ako

“Ang bright bright ng cousin ko. Witty pa! Ibig bang sabihin niyan, moved on ka na sa kanya?” with matching beautiful eyes pa na tanong niya.

“Maybe. Baka. I think so. You think so, too?” – ako

“Inglesera ang lola. I think, I think so too.” – Myles

“Tara, let’s meet our future significant others. Hindi ko na keri ang dramarama marathon e.” aya ko sa kanya.

”And we’re back in the game! Yes! Let’s make landi to all of them. Come one, come all!”- Myles

“Daming sinasabi. Tara ng mamingwit ng palakang may hasang sa deep blue sea!” –ako

The One...That Got Away Nga Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon