Chap 9. Long Overdue Conversation

352 1 0
                                    

Nagising ako sa bright and sunny day na drama ng sunshine courtesy ng window.

“Shit!” sigaw ko sabay layo ng konti. Pagdilat mo ba naman ay may bumungad sayong titig na titig na isang pares ng mata, hindi ka ba naman mapasigaw sa gulat.

“Ayos a. Horror lang ba sa umaga?” sagot ni Kate.

”Goo.. Good morning. Na.. Nagulat lang ako. Ka.. Kanina ka pa ba gising? Si.. Sila Yeye?” – ako

”Slight lang. Kanina pa sila nagising. Nasa kusina na ata nag aalmusal. Hinintay na kita magising kasi wala kang kasama dito sa kwarto. Cute mo pala matulog kahit tulo laway” tatawa tawang sabi niya.

Napapunas tuloy ako sa paligid ng labi ko sabay inamoy ko na rin ang hininga ko. “Natuluan ko ba unan mo? Sorry na. Napasarap ang tulog e” nakangiti kong sagot sa kanya sabay kindat.

”Nakitulog na nga lang, nagkalat pa ng laway sa unan ko. Naku naman. Kung hindi lang kita ...” –Kate

“Hindi lang ano? Bakit hindi mo ituloy?” –ako

”Wala. Labhan mo yung punda ng unan ko. Linawayan mo e” –Kate

”Paglalabahin mo ako? Matapos mo akong nakawan kagabi?!” –ako

”Anong ninakaw? Wala akong kinukuha sayo a!” Napapataas na ang tono ng batang nagmemenopause.

“Ninakawan mo ako kagabi. Sabi na e, wala ka sa ulirat” –ako

”Ano ninakaw ko sayo aber?” nakataas ang kilay na sabi ni Kate

Tinitigan ko siya. Bakit parang wala talaga siyang naaalala? Nananaginip ba ako kagabi? Hindi. Hindi ako masyadong uminom. E ni hindi nga ako nahilo kagabi. Tsaka first kiss ko yun. Alangan namang inimagine ko lang yun no?!

”Bakit ganyan ka makatitig?” sabi niya na biglang namula.

”Wala kang naaalala kagabi na ginawa mo?” –ako

”Anong ginawa ko kagabi?!” nanlalaki ang mata na tanong niya sakin. Wish ko lang kaya ko rin siyang panlakihan ng mata. Mahirap ata yun kapag halos galinya lang ang mata mo. Haha!

”Tinalo mko sa pitik bulag kagabi” nakakalokong sabi ko sa kanya.

”Ano nga kasi yung ginawa ko?” –Kate

”Alam mo ba na hinalikan mo ako kagabi? Nasa ulirat ka ba nung ginawa mo yun?” –ako

At tuluyan ng namula ang bata. Magtalukbong daw ba ng kumot?! Ang lakas lakas ng loob kagabi tapos ngayon magtatago sa kumot? Ayos!

Hinablot ko nga yung kumot at pinilit siyang tumingin sa akin.

”Ano? Naalala mo na?” –ako

Tumingin siya sa akin at marahang tumango.

The One...That Got Away Nga Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon