Chap 6. Si Ms. Cheek Bones

457 4 2
                                    

Summer break na naman. Graduate nko ng high school. YES!

Paliga ulit sa village. At as usual ever present ulit ang barkada sa volleyball. Sila sila ulit ang player at ako ulit ay taumbayan. In fairness nag iimprove ang mga loko dahil naipanalo nila yung unang dalawang laro nila. Pampaswerte ata ang pagkakaroon nila ng lovelife! Ibang klase, energizer ang lampungan?!

Andito ulit ako sa court naghahanap ng magandang pwesto para manood ng game ng barkada. ayos kalaban nila yung team nila ms. cheek bones! :)

Teka magkateam sila ms. cheek bones tsaka sila Giselle at Kate. Kaya naman pala sila familiar nung unang beses na pinakilala sakin nung simbang gabi. Nakita ko na pala sila nung last liga. Anyway, balik sa pagtitig sa cheek bones. Slight stalker mode activated! Game!

Ganda talaga ng cheek bones. Pwede bang puro cheek bones na lang siya? Hehe

“Hoy! Matunaw yan. Kakatingin mo!” pansin ni Yeye. As usual, nahuli na naman ako nitong nakatingin dun.

Ngiti lang ako sa kanya sabay balik ng tingin sa pinagkakaabalahan ko.

”Gusto mo pakilala kita dun?” –Yeye

“Huh? Bakit? Aanhin ko siya? Huwag na. Maistorbo pa siya. Tsaka busy siya magpractice o. Tsaka hindi naman talaga siya kagandahan, medyo lang. Tsaka madami akong gagawin mamaya, magmomovie marathon ako. Daming pelikula na kailangang panoorin. Alam mo yun?” –ako

“Ang daming sinabi. Pakilala lang. Hindi ko sinabing jojowain mo. Napaghahalataan ka e!” natatawang sabi ni Yeye.

“Pa obvious ka e. Kalma ka lang. Tatanong lang natin mamaya yung pangalan after ng game” –Yeye

Leche to si ex-crush. Panic mode tuloy ako kanina. Paano ba naman e hanggang titig lang ang alam ko tapos biglang gusto na niya ipakilala sakin? Anong gagawin ko? Wala akong dalang powder man lang. Super oily na yata ng mukha ko. Teka baka mabaho na rin ako kasi kanina pko nakabilad sa araw. Shit! Paano ba to? Ngingiti ba ako sa kanya ng bonggang bongga kapag nakilala ko na? Todo kaway? Hawakan ko ba agad sa cheek bones?!

Wala bang kursong landian 101? Ang hirap ng walang muwang sa mundo. Forever lost. Pero teka lang ha.

“Maka alok ka na ipakilala sakin akala ko naman close kayo. Hindi mo nga rin alam yung pangalan. Ayos ka rin e no” nakatawang banat ko kay Yeye

“Hindi nga. Pero close ko sila Giselle at Kate. At kateam mate nila yun kaya may way para malaman yung pangalan ni cheek bones” –Yeye

Ang husay talaga ni ex-crush.

Natapos ang game. Talo sila cheek bones. Nag uuwian na ang mga tao sa court.

“Congrats sa pagkatalo nyo. Hehe” nakakaloko kong bati kina Giselle at Kate nung palapit na sa barkada

”Sama mo” sagot nung batang nagmemenopause sabay simangot

“Nga pala, Giselle anong pangalan nung number 17 na kateam nyo?” nakangiting tanong ni Yeye habang nakatingin sakin.

“A. Si Charmee yun. Bakit? Crush mo? Sumbong kita kay Mega. Ikaw ha” –Giselle

“Hindi ako. Si Jackie kaya. Kanina pko kinukulit nyan” –Yeye

Patay na. Nilaglag na nga ako, dinagdagan pa istorya. Panalo makakwento. Pasalamat to ex-crush ko sya. Naman o!

“Ayyiiiieeeee! May crush ang bata!” pambubuska ng barkada.

“Kailan ka pa natuto magka interes ha? Hindi ka man lang nagsasabi samin, tao ka na pala! Naglalandi ang halaman! Haha!” sabad ni Myles

“Ayun naman pala e. Si Charmee lang pala inaantay ng halaman” banat naman ni Cel sabay tawa.

“Uy! Charmee! Charmee! Charmee! Charmee!” chant ni Jenny habang sinusundot ng daliri niya yung pisngi ko.

Utang na loob! Pwede bang bumuka na ang lupa at lamunin muna ako kahit mga 45 seconds lang?!? Alam kong pulang pula na mukha ko ngayon. Cheek bones lang. Yun lang naman yun. Wa paki sa buhok, sa katawan. CHEEK BONES lang talaga! Forever na nilang irereto ata yun sakin. Nadadama ko lang. Naku naman o.

“Hindi ko crush kaya yun. Cheek bones lang crush ko” pagtatanggol ko.

“Kunyari ka pa e. Hayaan mo. Pakilala kita sa next game” sabay kindat na sabi sakin ni Giselle.

“Hindi pa ba tayo uuwi?! Tae naman! Ang tagal nyo!” pasigaw na sabi ni Kate

Tinginan kaming lahat sa batang nagmemenopause. Parang nababalot na siya ng sobrang itim na aura. Magkasalubong na mga kilay sa pagmamaktol niya. Anong nangyari dito? May topak na naman ata.

”Problema ng kapatid mo? Bakit galit sa mundo?” tanong ko kay Giselle

”Pangit kasi cheek bones nyan kaya ganyan!” nakatawang sagot niya sakin.

Nagtawanan ang barkada habang nauna ng nagmartsa pauwi si Kate na sinusundan ng kapatid niya.

Hindi ko talaga magets yung batang yun? Baka napagod sa laro kanina tapos natalo pa sila. Kawawa naman. Pero kailangan talaga magsungit?! Forte na ata niya ma high blood e. Yaan mo nga siya.

Game nila Giselle ng sumunod na linggo. Inimbitahan nila ang barkada na manood kaya ayun andun kami malapit sa bench ng team nila. Present si cheek bones sa game kaya present din ang titig ko sa kanya kahit hindi pa man nag uumpisa ang laro.

“Hindi naman kagandahan… Pssshhh” narinig kong bulong ni Kate. Napalingon ako sa kanan ko dahil katabi ko lang sya.

”Sino ang di kagandahan?” takang tanong ko sa kanya

”Wala. Wala yun.” –Kate

“Weird mo. Ayaw mo mag warm up kasama team mo? Mag start na kaya laro nyo” –ako

“Mamaya na lang kapag wala ng asungot sa court” –Kate

“Sinong asungot? May kaaway ka sa team mo?” –ako

Hindi na siya sumagot. Tinuloy ko na lang ang paghanga sa cheek bones :)

“Hay. Ganda talaga ng cheek bones ni Charmee no?” nakangiting sabi ko kay Kate

“Sobrang ganda! Makapag warm up na nga lang. Nakakainis!” malakas na sabi niya sabay padabog na tumayo.

Problema nun? Bigla bigla nagsusungit. Weirdo talaga yung batang yun. Parang parating may maitim na aura na bumabalot sa pagkatao niya (pagkatao talaga! Haha).

Mayamaya ay muntik akong matamaan ng bola. Buti na lang medyo nakailag ako. Anak ng! Problema ng batang to? Sukat ba namang ibato sa direksyon ko yung bolang hawak nya? Hindi na nga nagsorry tapos ang sama pa ng tingin sakin. Anong ginawa ko sa kanya?!?

”Bakit parang galit ata sayo si lil sis? Anong ginawa mo?” tanong ni Jenny

”Aba ma at pa! Topakin lang yang kapatid ng mahal mo!” naiirita kong sabi. Wala kaya akong ginagawa sa kanya tapos bigla parang nanadya mamato ng bola.

Nanalo sila Kate. Tambak ang kalaban sa 3 sets lang. Medyo nawala na yung inis ko kasi inisip ko na lang na hindi yun sinadya ni Kate.  Tumayo na kami at bumati ng congratulations sa team nila.

“Jackie, thank you sa pagpunta ha kahit na alam naman natin kung sino talaga ang ipinunta mo dito” natatawang sabi ni Giselle sabay tingin kay cheek bones na nasa hindi kalayuan.

Nadama kong namula ang mukha ko. Nagdasal ako n asana hindi narinig ni cheek bones yung sinabi ni Giselle. Mahirap na isipin pa niya na crush ko siya e cheek bones lang naman pinagkakainteresan ko sa kanya :)

“Tara papakilala na kita sa kanya” aya niya sakin at nilapitan na naming si Charmee.

“Uy Charmee, si Jackie pala friend ko. Jackie, si Charmee” -Giselle

“Hi Jackie!” nakangiting bati niya sa akin.

“Hi! Congratulations ha! Galing nyo” nakangiting sabi ko naman na medyo kinakabahan. Hindi ko malaman kung bakit.

Magsasalita pa sana si Charmee ng marinig namin ang mala padabog na pagliligpit ng gamit ni Kate sa bench sabay sigaw sa ate niya ng ”Uwi na tayo! Nagugutom nko!”.

Napatingin kami sa kanya.

“Tinopak na naman. Pasensya na ha.” Sabi ni Giselle. Nagpaalam na lang kami kina Charmee at umalis.

The One...That Got Away Nga Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon