Chap 11. Kissing Frogs and Princesses

349 3 0
                                    

Sa Pananaw ni Jackie

“Anyare? Seryoso ka ata ngayon pinsan?” –Myles

“May itatanong ako sayo ha pero wag kang gago sumagot kasi minsan lang ako seryoso” –ako

Napataas kilay ng pinsan ko sa tono ko. Ngayon lang ata niya ako narinig na ganito. Naguguluhan kasi ako sa sarili. Kailangan ko ata ng counseling. Pagtiyatiyagaan ko na tong pinsan kong sira tuktok.

“Paano mo malalaman kung gusto mo na yung isang tao?” –ako

Laglag yung panga ni Myles sa tanong ko sabay dinama niya yung noo at leeg ko gamit palad niya. Hindi pa nagkasya, nagmamadaling kinuha yung flash light sa lamesa, ibunuka ang mga talukap ng mata ko at inilawan. Tarantado talaga!

“Shit! Ang sakit sa mata ng ilaw! Ano bang problema mo?” asar na sabi ko sa kanya habang tatawa tawa si gago.

“Akala ko kasi may sakit ka e. Nakain mo at nagtatanong ka ng ganyan? Wag mo sabihing napilitang kang mainlove kay Angela” –Myles

”Gago! Hindi nga. Ikaw, paano mo nalaman na gusto mo yung isang tao? Never pa kasi akong nagkagusto e. Puro crush lang ang alam ko. Paano mo nalalaman na gusto mo siyang jowain?” –ako

”Gusto mo alamin kung paano mo malalaman na gusto mo ng landiin ang isang tao? Yun ba yun?” –Myles

Marahan akong tumango. Napangiti ng malawak ang loko at parang nag iisip.

”Ano bang nangyari at bakit ngayon interesado ka ng maglandi? Dati rati naman kahit magkwento ako from cover to cover ng lovelife ko e hindi ka interesado. Anong nangyari? Or dapat ko bang sabihing kanino may nangyari?” Sabay tawa ng nakakaloko ng pinsan ko.

Hindi agad ako nakaimik. Naalala ko yung halikan namin ni Kate. Ramdam kong biglang namula ang mukha ko.

”Ampotah! Ang landi mo Jackie! Wag mo sabihing nagsexy time na kayo ni Angela? Sabi na e” –Myles

”Gago! Ni kiss nga hindi pa namin ginagawa e. Tsaka wala pa akong alam sa sexy time no” –ako

“E ano yang pamumula ng mukha mo? Magsabi ka nga sakin. Kung hindi ka pa nakapagsexy time, anong meron at interesado ka maglandi?” –Myles

Hay. Mukhang kailangan ko munang mag news report bago ako makakuha ng guidance sa pinsan ko. Sabagay mukhang kailangan ko talaga ng kausap sa mga bagay na ganito.

Kaya ayun. No choice, naikwento ko sa pinsan ko lahat ng chorva na gumugulo sa isip ko mula pa nung pasko. Sinabi ko na rin sa kanya na dati kong crush si Yeye.

Hindi makapaniwala ang pinsan ko na nangyari yun. Buong akala niya ay deadma lang ako sa batang nagmemenopause. Pero dahil gago siya, sinigurado talaga niya muna na hindi kami nagsexy time ni Kate. Haha!

“Ang manyak mo talaga pinsan. Napaghahalataan ka. Alam mo kung mag sesexy time man ako, asa ka na ikikwento ko sayo yung buong detalye nun!” –ako

“Para saan pa at naging magpinsan tayo” –tatawa tawang sagot niya.

“Mabalik tayo sa kachorvahan mo. So naguguluhan ka kasi hindi mo alam kung gusto mo siya o nadala ka lang kasi first kiss mo nga? Naguguluhan ka rin kasi siya din yung first love confession na narinig mo?” –Myles

Para akong yung asong laruan sa dashboard ng sasakyan kung makatango sa lahat ng tanong niya.

”Gusto mo malaman kung yung nakakakiliting landing nadama mo ay dahil ba sa kanya o dahil lang ba sa first kiss at first love confession chorva?” dagdag tanong niya ulit.

The One...That Got Away Nga Lang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon