Kobie's Pov:
Naglalakad ako patungo Sa parking lot ng may tatlong lalaking biglang humarang sa dinadaanan ko.
"May problema ba kayo?" Tanong ko ulit dahil baka sakaling hindi nila narinig ang una kong tanong.
Hindi pa rin sila sumagot. Ano bang problema nga mga ito?
Unti unti lumapit saakin yung isa at bigla akong sinakal sa leeg.
Sa sobrang lakas niya napa angat ako. Damn! I can't breathe.
Bigla akong binato at tumama ako sa may pader.
Shit! Ang sakit nun ah! Ano bang problema ng mga ito?
"Ano bang problema niyo ha?!" Inis na sigaw ko sakanila.
Di nila ulit ako sinagot dahil sinakal ako ulit nung isa. Dahil sa malakas siya naiangat niya ako ulit.
Di ako makahinga.. Is this the End?
"Hoy ano yan ah?" May sumigaw.
Tumingin ako sa likod nung lalaking sumakal saakin.
Babae?! Baliw ba siya?! Ang laki ng mga lalaking ito.
Lumapit siya saamin.
"Bitwawan niyo siya." Kalmado niyang utos sa mga lalaki. Pero para siyang galit dahil sa talim ng tingin niya sa dalawang lalaking sumasakal saakin.
Binitawan ako nung lalaki tsaka sila nagtakbuhan palayo sa lugar.
Tinignan ko yung babae.
Nagulat ako ng nakita ko rin na naka tingin siya saakin at naka ngiti.
"Are You Okay?" Nag aalalang tanong saakin nung babae na nag paalis sa Tatlong lalaki.
Okay ba ako? Tatayo sana ako ng biglang sumakit yung likod ko, kaya Napa upo ako ulit.
Lumuhod siya para mapantayan yung mukha ko.
"I guess you're not okay." Naka ngiti niya pa ring sabi saakin.
Bakit ba lagi itong naka ngiti? Or baka ganyan talaga siya pala ngiting babae?
Tumayo siya tsaka tumalikod. Ano ganun na lang yun? Tinanong niya lang ako kung okay ako tapos hindi man lang niya ako tutulungan bumangon?
Mag sasalita na sana ako ng makita ko siyang bumalik na may bag.
Ahhh kinuha niya lang pala yung bag niya.
Kung ano ano kasi iniisip ko.
"Come." Naka ngiti niya pa ring sabi habang inaabot niya saakin yung kamay niya.
Inabot ko yung kamay ko. Nang makatayo ako, sinabit niya yung braso ko sa leeg niya para alalayan ako sa pag lalakad.
"Where is your key?" Tanong niya sakin.
Kinalkal ko sa bulsa ko yung susi ko.
"Here." Mabilis kong inabot sakanaya yung susi ng kotse ko.
Inalalayan niya ako maglakad hanggang makarating kami sa harap ng Kotse ko.
Binuksan niya yung pinto ng kotse ko tsaka dahan dahan niya ako pinasok doon.
Pumasok na rin siya. Damn. Ang sakit talaga ng likod ko.
"Thank You." Yung lang ang nasabi ko.
Ramdam ko pa rin yung sakit sa likod ko. Ano ba kasalanan ko don sa tatlong yun?
"Welcome." Sagot niya pero hindi siya nakatingin saakin.
*****
Nakarating kami sa destinasyon namin. Andito na kami sa loob ng Hospital. Pinaalalayan na niya ako sa mga nurse.
Maglalakad na sana kami ng mag salita siya.
"Wait." Sabi niya at naglakad siya papalapit saakin.
"I forgot to give you this." Sabay abot saakin ng susi ng Kotse ko.
"Thank You again." Naka ngiti Kong sabi.
"Your Welcome." Naka ngiti niya ring tugon,
Tumalikod na ako at naglakad papasok.
Wait Gabi na ah? Paano siya uuwi?
"Wait paan--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil wala na siya sa likod ko.
Ang bilis naman niya nakaalis sa pwesto niya. I'm thankful for that girl for saving me.
BINABASA MO ANG
She's The Good Vampire Princess [Editing]
VampireHindi lahat ng bampira ay masasama. Hindi lahat ng uri ng mga ito ay pumapatay ng tao. She's the good Vampire Princess. Isang Prinsesa ng mga bampira na di kayang pumatay ng tao. Pumunta siya sa mundo ng mga tao, namuhay mag isa. Namuhay na paran...