Prologue.

17.1K 495 6
                                    



Naglalakad ako sa may parking lot ng may tatlong lalaking humarang saakin?

Ano problema ng mga ito?

"May problema ba?." tanong ko sakanila, ngunit hindi sila sumagot. 

"May problema ba kayo?" Tanong ko ulit dahil baka sakaling hindi nila narinig ang una kong tanong.

Hindi pa rin sila sumagot. Ano bang problema nga mga ito?

Unti unti lumapit saakin yung isa at bigla akong sinakal sa leeg. 

Sa sobrang lakas niya napa angat ako. Damn! I can't breathe.

Bigla akong binato at tumama ako sa may pader. 

Shit! Ang sakit nun ah! Ano bang problema ng mga ito?

"Ano bang problema niyo ha?!" Inis na sigaw ko sakanila.

Di nila ulit ako sinagot dahil sinakal ako ulit nung isa. Dahil sa malakas siya naiangat niya ako ulit.

Di ako makahinga.. Is this the End?

"Hoy ano yan ah?" May sumigaw.

Tumingin ako sa likod nung lalaking sumakal saakin.

Babae?! Baliw ba siya?! Ang laki ng mga lalaking ito.

Lumapit siya saamin.

"Bitwawan niyo siya." Kalmado niyang utos sa mga lalaki. Pero para siyang galit dahil sa talim ng tingin niya sa dalawang lalaking sumasakal saakin. 

Binitawan ako nung lalaki tsaka sila nagtakbuhan palayo sa lugar. 

Tinignan ko yung babae.

Nagulat ako ng nakita ko rin na naka tingin siya saakin at naka ngiti.


P.S: Bare with me, I don't know how to write anymore. I'm just here to fix some error of this story. And also, it's a cringe because I was too young when I wrote this one. 

She's The Good Vampire Princess [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon