Kobie's Pov:
Maaga akong nagising ngayon dahil papasok na ulit ako sa trabaho. Ilang araw din akong nagpahinga dahil ayaw talaga nila ako papasukin. Gusto nilang magaling at ayos na ako bago bumalik sa trabaho.
Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina para magluto ng kakainin ko.
8:00 Am pa lang kaya may oras pa akong kumain. 9:00 am ang pagbubukas ko sa restaurant para sa mga saaming mga empleyado para makapagayos bago tumanggap ng mga customers.
Maglilinis ako ng kusina pagkarating ko doon. Ichecheck din yung mga ingredients and other stuff.
Masyado pang maaga at malapit lang ang condo ko sa restaurtant.
Kumuha ako tinapay at pinalaman ang hotdog. Hindi ako kumakain ng heavy breakfast. Yung sakto lang para hindi ako ganun kabigat sa tiyan at mabilis kumilos mamaya sa kusina.
Pagkatapos kong kainin yung tinapay, ininom ko yung kape ko. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko sa sala.
Lumabas na ako ng condo ko at sumakay sa elevator. Pababa papuntang parking lot.
Pagkabukas ng elevetaor lumabas kaagad ako at nagtungo papunta sa kotse ko at sumakay kaagad at pinaandar.
Siguradong ako nanaman mag isa doon dahil maaga pa. Early bird as always kaya saakin binigay ni boss yung susi para ako na ang magbukas.
Pinark ko yung kotse ko dito sa parking lot ng restaurant. At yung kotse ko pa lang andoon, wala pa yung kotse nila boss.
Kinuha ko yung susi ng restaurant sa bulsa at nag simulang maglakad. Kakabit ko na sana yung susi ng napansin kong nakabukas na Ito.
Sino naman kaya itong nasa loob?
Baka si Boss Kenneth. Kasi maaga rin naman pumapasok minsan si boss. Pumasok sa loob at naglakad patungo sa kusina.
Nagulat ako ng makita ko doon si Matthew na naglilinis. Oh bakit ang aga nito? First time atang pumasok nito ng ganito kaaga. Kadalasan siya yung nalalate lagi saamin.
"Oh bakit ang aga mo yata?" Tanong ko sakanya.
Napatigil siya sa ginagawa niya tumingin saakin.
"Wala lang." Sagot niya sabay nagkibit balikat.
"Nakain mo?" Biro kong tanong sakanya.
"Wala naman. Maaga lang akong nagising ngayon." Sabi niya.
Himala, kahit magising ito ng maaga hindi papasok ng maaga to.
"Kahit magising ka ng maaga hindi ka naman papasok ng ganito kaaga." Biro ko ulit ko sakanya.
"Alam mo bro, maglinis ka na lang din. Kesa sinasayang mo oras mo saakin" Natatawa niyang sabi.
Napatigil kami sa biruan ng pumasok si Mia sa kusina. Nagulat siya nang makita niya si Matthew.
"Himala ang aga mo? Anong nakain mo?" Birong pagsalubong ni mia sakanta.
"Ganyan ba ka big deal sa inyo ang pagpasok ko ng maaga?" Natatawang tanong niya.
"Hindi siya big deal saaamin, Matt. Tinatanong lang namin kung bakit ang aga mo. Tsaka pwede ba huwag kang feeler diyan." Pang aasar sakanya ni Mia.
Patay tayo diyan, sinumulan na ni Mia sa pangaasar niya kay Matt.
"Hindi kita kinakausap." Inis na sabi ni Matt kay Mia.
"Saakin ka kasi nakatingin." Pang aasar ulit ni Mia.
"Kapag sayo naktingin mia ikaw kaagad ang kinakausap?" Inis na Tanong ulit ni Matt.
"Para sakin, oo." Naka ngising sagot ni Mia kay Matt.
Bago pa sila mag bayangan ulit pinigilan ko na sila. Ang aga aga naman para sirain nila ang araw ng isa't isa.
"Tumigil na nga kayo sa pangaasar niyo. Mia pumunta ka na sa cashier." Sabi ko kay Mia. "Ikaw naman Matt mag lampaso ka na doon." Utos ko kay Matt.
"Yes Boss." Sabay nila sabi tsaka nag salute pa talaga sila saakin bago pumunta sa mga pwesto nila.
Mga baliw talaga. Nagkakasundo lagi kapag kalokohan lagi namang nagbabangayan.
Makalipas ang ilang minuto dumating na yung iba naming mga kasama. Nagbukas na rin kami ng restaurant.
Tulad ng dati marami ang customer. Kaya naging busy kaming lahat dahil may kanya kanya role sa restaurant na ito. This will be a long day for us.
BINABASA MO ANG
She's The Good Vampire Princess [Editing]
VampireHindi lahat ng bampira ay masasama. Hindi lahat ng uri ng mga ito ay pumapatay ng tao. She's the good Vampire Princess. Isang Prinsesa ng mga bampira na di kayang pumatay ng tao. Pumunta siya sa mundo ng mga tao, namuhay mag isa. Namuhay na paran...