Kobie's Pov:
Nakahiga na ako ngayon sa kama ng kwarto ko. Kanina pa ako nakauwi galing sa cafe kasama nga si Aaliyah. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at niyaya siya munang mag stay sa cafe na yun.
Baka nga napilitan lang siya dahil bigla na lang ako umupo sa upuan. I just want to treat her sa pagsagip niya sa buhay ko kaya naisipan ko na din doon sa cafe na lang tutal nasa andoon na rin naman kaming dalawa.
"Eto ba?" Tanong ko sakanya sabay pakita nung pulang wallet. That color suits her at hindi ko alam bakit naisip ko na bagay siya sa kulay pula.
"Oo eto nga!" Masaya niyang sabi. Inabot ko naman kaagad sakanya yung wallet niya.
"Thank You." Sabi niya.
"Welcome." naka ngiti kong sabi sakanya. Hinila ko yung upuan at umupo sa pwesto namin ngayon kung saan ko nahanap yung wallet niya.
"Sit, let me treat you bilang thank you na rin sa pagsagip mo sa buhay ko."
Tinignan ko siya kung tatanggapin niya ba offer ko o hindi. Dahil nakatayo lang siya sa harap at parang nagdadalawang isip. Wala naman ako gagawin masama sakanya. I'm just going to treat her some coffee or anything she likes dito sa cafe. Kasi kung hindi dahil sakanya siguradong wala ako ngayon sa harap niya at kausap siya.
Paglipas ng ilang minuto at mukhang nakapag isip na siya. Umupo siya sa upuan sa harap ko.
"Wala ka bang work?" Biglang tanong nito saakin habang nakatingin ng diretso saaking mata. Kaya umiwas ako ng tingin sakanya bago sumagot. Hindi ko kayang makipagtitigan sakanya at yun ang hindi ko alam na dahilan. Simpleng titig lang niya umiiwas kaagad ako.
"Wala, day off namin. Ikaw day off mo rin ba?" Tanong ko rin sakanya.
"Hindi, may trabaho ako alas tres ng hapon hanggang gabi." Sagot naman niya.
At ang gabi naman ng work niya? Wala ba itong pamilya? Gusto ko sanang itanong kaso nakakahiya dahil masyadong personal tanong ko at kakakilala pa lang namin.
Wait. Hindi ko pa pala alam ang pangalang niya.
"Anong nga pala pangalan mo?"
"What is Your Name?" Sabay naming tanong kaya natawa na lang kami pareho.
"Ladies first." Naka ngiti kong sabi sakanya.
"Okay okay. Hi I'm Aaliyah. Nice to meet you Mr?" Pag papakilala niya.
Aaliyah? What A nice name. Bagay sakanya yung pangalan niyang Aaliyah.
"I'm Kobie. Nice to meet you, Aaliyah." Pag papakilala ko rin sakanya.
Nag kwentuhan lang kami about everything pero hindi yung personal dahil kakakilala pa lang namin.
"Mag isa ka lang ba?" Tanong ko.
Bahagya naman siyang nagulat sa tanong ko. Nagulat rin ako sa tanong ko. Ewan ko yun biglang lumabas na tanong yan sa bibig ko. I'm so fucking curious about her.
Nanatili naman siyang tahimik. Baka ayaw niyang pag usapan, it's too personal too ask.
"Okay lang naman kung hindi mo sasagutin tanong ko. Masyadong personal yung tanong ko." Sabi ko sakanya. Pero nagulat ako nung ngumiti siya saakin at nag salita.
"Hindi... Hindi ako mag isa. I have a family, pero pinili kong mamuhay nang mag-isa" sabi niya saakin. Kaya napatingin ako ng diretso sakanyan makata pero wala akong makitang kahit anong emosyon. Ang lungkot ng pagkasabi niya pero bakit walang emosyon ang kanyang mga mata?
'May pamilya siya pero bakit gusto niyang mapag isa?' Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko na lang siya tatanungin dahil masyado nang personal yung tatanungin ko. Nanatili kaming tahimik ni Aaliyah kaya umisip ako ng pwedeng pag usapan naming dalawa.
"Galing ka ba sa trabaho mo nung niligtas mo ako sa parking lot?"
"Yes, kakatapos lang ng shift ko nung gabing yun. You were drunk, right?"
That was the day na galing kami sa bar kasama sila boss kenneth. Hindi ko naman alam na mangyayaring ganun.
"Lasing ako nun. Nagkaroon kami ng celebration kasama boss ko at mga katrabaho. Hindi ko naman aakalain na malalasing ako nung gabi na yun.""I'm really glad that doon din naka parking motor ko and saw you. Hindi ko alam gagawin ko kapag may nangyari sayo masama..." Yung huling salita niya naging pabulong kaya kumunot noo ko dahil hindi ko narinig.
"Pakiulit aaliyah, hindi ko kasi narinig yung huli mong sinabi mo."
"Ang sabi ko, mabuti na lang nakita kita doon at naligtas kita sa masasamang tao. And luckily hindi ka nabalian ng buto sa pagbato nila sayo."
"Pero sobrang sakit ng likod ko kaya ilang araw din akong hindi pumasok sa trabaho ko."
"And you look fine na rin naman."
"Salamat ulit, Aaliyah." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Welcome kobie."
Tinignan ko yung relo ko kung anong oras na dahil may trabaho pa siya ngayon. Alas diyes na ng umaga. Napatingin naman ako sakanya nang bigla itong tumayo sa kinauupuan niya.
"I have to go." Sabi niya habang inaayos mga gamit niya. Tumayo rin ako para ihatid siya kaya lang she refused my offer.
"Hatid na kita" offer ko sakanya.
"No thanks may dala rin ako." Naka ngiti niyang sabi. "Mauuna na ako, salamat ulit sa libre kobie." Tumalikod niya saakin at nag lakad palabas ng cafe.
Naiwan naman ako sa cafe ng mag-isa habang pinagmamasdan siyang lumabas.
Nag stay lang din ako ng ilang minuto doon bago naisipang mag mall at umuwi rin kaagad para magpahinga.
I'm now on my room, nakahiga na rin sa kama at kakatapos lang maligo. Alas onse na ng gabi. Nakauwi na kaya si Aaliyah galing sa trabaho niya? May mag-uuwi ba sakanya lalo na gabi at mag-isa lang siya tulad ng sabi niya.
Sayang di ko siya natanong ko kung pwede ba kaming maging mag kaibigan. Dahil gusto siya maging kaibigan at hanggang doon lang. Sobrang bait niya kasi. Yung mga ngiti niyang nakahahawa kada ngingiti isya. Damn her smiles. Pati na yung sumisilip na dimples niya kada ngumingiti siya.
Nakakakahawa mga ngiti niya kanina at ang saya niyang kausap. Madami din kaming napag usapan pero hindi kami lumalagpas sa mga personal questions. Unti unti namin kikilanin isa't isa kung magkakaroon ulit kami ng pagkakataon na magkita.
Mahaba ang naging araw ko ngayon kaya nakatulog ako kaagad habang iniisip siya habang nakangiti. Damn woman, you driving me crazy.
BINABASA MO ANG
She's The Good Vampire Princess [Editing]
VampireHindi lahat ng bampira ay masasama. Hindi lahat ng uri ng mga ito ay pumapatay ng tao. She's the good Vampire Princess. Isang Prinsesa ng mga bampira na di kayang pumatay ng tao. Pumunta siya sa mundo ng mga tao, namuhay mag isa. Namuhay na paran...