Aaliyah's Pov:
After nung pag harang ng tatlong bampira doon sa lalaki.
Another incident happened again.
Kakalabas ko lang ng trabaho ng may makita akong tatlong lalaki holdaper na hinarangan yung babae. Kita ko dito sa pwesto ko kung paano nila pilitin kuhain ang bag ng babae.
Sana hindi sila ito, kung hindi tutuluyan ko na talaga.
Mabilis akong lumapit doon sa tatlong lalaki.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko doon sa tatlong lalaki. Hindi makita yung mukha nila dahil naka talikod sila saakin.
Hindi ito sila Justin. Dahil kabisado ko ang mga hugis ng katawan nila.
Humarap sila saakin. At tama ako hindi ito sila ito. And why the hell those three will do this kind of thing? Seriously, kahit ganun mga yun hindi nila magagawa yung ganitong bagat.
"At sino ka naman?" Mayabang na tanong nung nasa gitna na mataba.
"You don't need to know my name." Walang gana kong sagot dahil na rin sa pagod lalo na kakagaling ko lang sa trabaho. Kakatapos ko lang ng trabaho ganito pa bubungad sa daanan ko.
"Pwede bang mag tagalog ka? Nasa pilipinas ka wala sa america!" Sigaw saakin nung payat.
"Okay, sabi niyo eh. Kaya kung pwede ba pakalawan niyo na siya." Sabi ko sakanila.
"At bakit namin susundin?!" Sigaw ulit saakin nung payat.
Hindi ako bingi para sigawan ako!
"I said let her go." Kalmado kong sabi na may halong inis na. Dahil ilang beses ko na sinabi sakanila na pakawalan yung babae at ako na lang harapin nila.
"At bakit ka nga namin susundin?!" Sigaw ulit saakin nung payat.
Sabi kong hindi ako bingi para sigawan ng paulit ulit!
"Dahil walang laban sa inyo yang babae!" Inis na sigaw ko rin sakaniya. I can feel my eyes are turning red.
Kaagad naman ako umiling at pinakalma sarili ko. I don't want these people to see the real me, the monster inside me.
"Oh bakit ka naninigaw diyan?!" Sigaw niya ulit.
This is crazy. Siya ang naunang sumigaw saakin tapos ako ang tatanungin niya?
"Just let her go." Kalmado kong sabi sakanya. My eyes are now normal kaya tumingin na ako ng diretso sa mga mata nila.
"Papakawalan namin siya kung ikaw ang kapalit." Naka ngising sabi saakin nung mataba.
"Okay." Sagot ko sakanya.
Pinakawalan nila yung babae at tumakbo agad ito palayo saamin.
"Pinakawalan ko na, halika dito." Naka ngisi niya pa ring sabi.
Inikot ko yung paningin ko at dahan dahan lumapit sakanila.
"Madali ka lang pa lang kausap." Sabi ng matabang lalaki. Why do they to do this? Bakit hindi na lang sila maghanap ng matinong trabaho kaysa sa ganitong paraan.
Pareho lang naman silang mga normal na tao. Pero bakit nila ginagawa ito sa mga katulad nila?
Ngumiti ako sakanya ng kay tamis at mabilis na sinuntok ang tatlo. Since I'm not a normal human medyo malakas ang pagsuntok ko at napahiga sila sa sahig.
Mabilis kong kinuha yung tali na nakita ko sa tabi mabilis ko rin silang kinaladkad papunta sa puno at tinali sila. I feel so sorry for punching them that hard. I forgot that that I'm a vampire at hindi normal ang pagsuntok ko.
Akala niyo siguro papayag ako sa plano niyo? No way.
"Pakawalan mo kami!" Sigaw nung mataba.
Hindi ko siya pinansin. Kinapa ko sa bulsa ko yung cellphone at tinawagan ang numero ng police station para ireport itong tatlo at makulong dahil sa pagkasala nila.
Hindi ko na hinintay yung pagdating ng mga police at iniwan ko na lang silang nakatali sa puno at umuwi na lang.
Andito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga kita kitang sa kwarto ko ang liwanag ng buwan. Napakaganda at nakakagaan ng pakiramdam.
Kakauwi ko lang kanina kung saan may naganap na holdapan. Tao laban sa tao ang ganap dito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay sa mga ganitong pangyayari.
Its already 3:38 Am. Tumayo ako sa pagkakatayo at dumeretso sa banyo upang maligo.
Para akong barangay tanod. Laging nasa labas para tignan kung okay lang ba ang mga tao.
Pagkatapos kong maligo sinuot ko yung damit at hinanap ko yung cellphone ko at lumabas na ng apartment ko.
Simula nung pagharang nila James sa lalaki naging doble ingat ako. Binabantayan ko ang mga tao. Dahil natatakot ako baka may masaktan pa sila na ibang tao maliban doon sa lalaki na iyon.
Uuwi lang ako para mag palit ng damit o kaya kapag oras na ng trabaho ko para maligo at kumain.
Kahit anong oras ang sched ng trabaho ko dahil hindi rin naman ako natutulog. Vampires doesn't sleep, madalang lang kami makatulog kapag nanghihina ang aming mga katawan.
Kinuha ko yung susi ko at sumakay sa motor ko at mabilis na pinaandar. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Kung saan man patungo ang aking motor.
I need to protect these humans against vampires.
BINABASA MO ANG
She's The Good Vampire Princess [Editing]
VampireHindi lahat ng bampira ay masasama. Hindi lahat ng uri ng mga ito ay pumapatay ng tao. She's the good Vampire Princess. Isang Prinsesa ng mga bampira na di kayang pumatay ng tao. Pumunta siya sa mundo ng mga tao, namuhay mag isa. Namuhay na paran...