Red,Rose

225 23 1
                                    

[One Shot]

This book is a work of fiction. Names,characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events,places or persons,living or dead,is entirely coincidental.

©2016||CutiePoutootie
_____________________________

"Rose! Nakatingin na naman siya sa'yo!"lumingon naman ako sa tinuturo ng bestfriend kong si Lily.

Nakita ko namang nakatingin si Blue sa gawi namin habang nakangiti.

I smirk,"Lily. Malay mo hindi siya sakin nakatingin. Malay mo naman sa iba."I said at tinuon yung tingin ko sa sino-solve kong math problem.

Kanina ko pa kasi 'to sinasagutan pero mali daw sabi ni prof yung mga equations ko. Panipis na din ng panipis yung notebook ko kakapunit dahil lang sa buwisit na math problem na 'to.

Nakakainis lang talaga.

"Nako,Rose! Pang-ilan mo na 'to? Hindi ka ba nakikinig sa discussion kanina? Ulitin mo ulit! Mali."I sigh deeply.

Bumalik na naman ulit ako sa upuan ko at pinilas ulit yung isang kapirasong papel sa notebook ko.

Naman kasi eh! Hirap na hirap na talaga ako sa problem na 'to! Nakikinig naman ako kanina nung nagdi-discuss si Mam sa harap pero,ewan lutang ako.

Si Blue lang kasi yung nasa isip ko nung mga oras na 'yon eh. Hindi ko kasi alam kung gusto niya ba ako o hindi. Ang gulo niya.

Pero umaasa ako na gusto niya rin ako. Parang pinapakita niya kasi sakin na gusto niya ako eh. Kaya heto ako,naniniwala na gusto niya talaga.

"Pero,Rose! Mukhang gusto ka rin niya!"pangungulit nito sakin.

"Lily naman! Hindi ako makapag-focus eh."sermon ko dito.

"Oh! Rose. Pinapatawag nga pala ako sa office ngayon. Una na ako ha?"tumango na lang naman ako at naramadaman ko namang umalis na siya.

"Solve for i. 9x-7i>3(3x-7u)? Ano ba talaga yung sagot?!"sinolve ko ulit yung problem at nilagay kung ano yung nasa utak ko. Naramdaman ko namang may tumabi sakin.

"Lily. Akala ko ba,pupunta ka sa--"natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko siyang nasa tabi ko.

"B-blue?!"nauutal kong tawag sa pangalan niya. Nginitian niya naman ako at tinignan yung papel na sino-solve ko.

"H-huwag mo ngang t-tignan yung papel ko."inagaw ko sa kanya yung notebook ko pero agad niya din naman itong nakuha sakin

"Ibalik mo nga sakin yan!"tinignan niya naman ako ng masama kaya napa-ayos ako ng upo.

"Pang-ilan mo nang ulit 'to? Kung nakakapag-salita lang yung notebook mo,siguro kanina ka pa nito kinagalitan."he said.

"Hindi ko kasi makuha yung tamang sagot eh! Gusto ko ng umiyak!"nanlulumo kong sambit. Nginitian niya naman ako habang umiiling-iling pa.

Yung ngiti niyang mapang-akit,nakaka-starstruck talaga kahit kailan.

"Ganito kasi yan! Makinig ka ha? Nakakatawa nga yung sagot dito eh."he said at sinolve yung problem na nasa notebook ko.

Ang seryoso niya. Nagmu-mukha pa tuloy siyang gwapo sa paningin ko. Yung mahahaba niyang pilik mata na daig pa ang babae dahil sa sobrang haba. Yung matangos na ilong niya na akala mo may lahi pero wala. At yung. I gulp. Yung kissable lips niya na ang sarap halik-

"Ito yung sagot! Nakinig ka ba?"napabalik naman ako sa wisyo ko at automatic na napatango kahit sa totoo hindi ako nakikinig sa explanation niya dahil pinagpapantasyahan ko na naman siya.

Worlds by WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon