Untold Feelings

205 27 2
                                    

[One Shot]

This book is a work of fiction. Names,characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events,places or persons,living or dead,is entirely coincidental.

©2016||CutiePoutootie

______________________________

"Tsk. Walang forever!"

"Magbe-break din kayo sa 23!"

Napailing na lang ako habang naglalakad kasama si Kai dito sa campus. Well si Kai, he's my best friend. Yeah. Magkaibigan lang kami, pero sa sobra naming close sa isa't isa, napagkakamalan tuloy na kami. Well, I am Joan Everth Relojas, the one and only childhood  best friend of Kai.

"Ano bang pinagsasasabi nila?"natatawang banggit ni Kai sakin. Napakibit balikat na lang ako at ngumiti. Ang pogi niya kasi kaya ayan tuloy kahit yung iba nagkakagusto na sa kanya at kung anu-ano pa nasasabi saming dalawa kapag magkasama kami.

"Ewan ko. Siguro napagkakamalan nila na tayo."natatawa kong banggit sa kanya.

"Tingin ko nga din eh."natatawa rin nitong banggit. Umupo na lang naman kami sa isang bench dito sa garden ng school at nagpa-senti-senti kasama 'tong lalaking 'to.

"Kai."tawag ko sa pangalan niya.

"Oh?"he said.

"Bukas na birthday ko. Regalo ko ha? Baka naman, bigyan mo na naman ako ng laruang ipis o kaya daga diyan. Kapag nangyari 'yon, alam mo na mangyayari sayo. Mapapatay kita ng wala sa oras."maangas na pagbabanta ko sa kanya.

"Wow. Natakot naman ako sa pagbabanta mo sakin. Oo na! Aayusan ko na yung regalong ibibigay ko sayo. Ikaw pa, ang lakas kaya sakin ng best friend ko!"ani nito at ginulo yung buhok ko.

Aray mga bes! Na-friend zone ako mga bes, ang sakit! Well, sabihin na lang natin na gusto ko si Kai. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang lalaking halos boyfriend material na? Kaso nga lang, friend zone ako. Mahal niya ako as a friend lang.

Kahit gusto kong aminin sa kanya na gusto ko siya, hindi ko magawa dahil nga baka masira yung friendship na meron samin. Ayoko na mang mangyari 'yon. Natatakot ako na baka hindi na niya ako pansinin at bigla na lang siyang manlamig sakin kapag nagkataon na umamin ako sa kanya.

"Salamat talaga Kai!"ani ko at pilit na ngumiti sa kanya. Iniwas niya naman yung tingin niya sakin kaya iniwas ko na lang din naman yung tingin ko sa kanya at nilagay yung earphone ko sa tenga.

Naalala ko pa nung mga bata pa kami, tuwing nasa loob lang ako ng bahay at tinatawag niya ako sa labas para maglaro, umiiyak pa ako kasi ayaw akong palabasin nila Mama kaya ang nangyari, pumapasok na lang siya sa bahay at don kami naglalaro. Minsan kahit ayaw niya ng laro nakikipaglaro pa din siya sakin.

Yung larong bahay-bahayan. Ako yung mommy at siya yung Daddy. Tinatali pa namin yung kumot sa isang pako na nakadikit sa dingding para lang makagawa kami ng bahay. Tapos yung mga manika ko, 'yon yung mga anak namin. Ang saya lang kasi nakikisabay siya sa mood ko.

When we hit elementary days, hindi na rin namin nalalaro yung mga nilalaro namin dati dahil lagi kaming busy sa school and home works. Pero araw-araw pa din siyang nasa bahay. Sabay kaming gagawa ng home works at pag-aawayan pa namin yung sagot sa Math kung sino ba yung tama o mali. Nung grade 6 ko nalaman na may gusto na pala ako sa kanya pero tinago ko na lang 'yon.

Tapos nung high school, naging varsity player siya kaya mas nakilala siya dito sa campus namin. Samantalang ako, isang dakilang nerd na tanging priority lang sa school eh ang pag-aaral including na dito ko rin nakakasama si Kai. Then, mas malala para sakin yung high school days ko. Bakit? Dahil nagkaroon siya ng girlfriend. At dahil din doon, minsan na lang kami kung magkasama ni Kai dahil bawat oras at minuto, wala na siyang time para sakin dahil nga lagi niyang kasama yung girlfriend niya.

Worlds by WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon