I fell in love with a Don Juan and it feel sucks all the time. Masakit pa rin kahit ilang taon na ang lumipas.
"Kalokohan ang pinagsasabi ko, Ate!" Tawa ako ng tawa habang binabasa ng ate ko ang sinulat ko noong mga panahon na tatanga-tanga pa ako. Ayos naman na ako ngayon kaya pinababasa ko na sa kanya ang journal ko noon.
I finally moved on from that guy. He was the nightmare of my life. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nangyari noon. Mula una naming pagkikita hanggang sa huli. Iyon ang totoo. Iyon ang nararamdaman ko hanggang ngayon.
I only feel regret.
"Nagsayang ako ng taon, ate! Taon para sa walang kwentang tao. Though, I'm amused with myself. Akalain mong nakatagal ako ng two years sa pagpapakatanga!"
"Ikaw na nga!" Sabay halakhak ni Ate at pagsara ng journal ko. Inilapag niya iyon sa study table ko at saktong pagpasok ni Azalea.
"Zay! Huwag kang talon ng talon, anak." saway ni Ate ng hinalikan siya sa pisngi ng bata pagkaraang tumalon-talon papunta sa kanya. Binigyan siya nito ng chocolate. "Aw! Ang sweet talaga ng anak mo, Cosette! Sana anak na lang kita, Zay zay!"
My daughter giggled when her aunt hugged her tight. Yes, I have a loving daughter. She is already five. Kahit ayoko ay mabilis siyang lumalaki. Parang dati lang ay baby pa siya.
"Punta ka na sa mymy mo, anak. May gagawin pa ako sa kwarto ko." binuhat ni ate si Zayley Azalea at inupo sa kandungan ko. Kinuha naman niya sa study table ang journal ko.
"Pahiram. Hindi ko pa tapos."
I made a face at her. Niyakap ko na lamang si Azalea. "Akala mo naman libro iyan kung makahiram ka. Ginawa talagang entertainment, ate?"
"Bakit, hindi ba? Nagmahal ka ng badboy! Katangahan iyon pero pang novel! At least there's a part in your life na masasabi mong pang libro, hindi nga lang happy ending!" pang-aasar pa niya saka umalis. Napailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko.
Hindi naman ako naiinis dahil totoo naman iyon. Nagpakatanga kasi talaga ako.
"Anak, wash up na tayo ha, saka sleep na kasi gabi na masyado para sa mga katulad mong baby." I told my daughter softly. Iginiya ko siya sa banyo sa silid naming dalawa sa bahay ng parents ko.
"Hindi na po ako baby, mymy!" sagot pa niya ng nakalabi. Hinubad ko naman ang shorts at sando niyang may tatak ng Frozen. She loves Elsa very much.
To the point na nagpatatak pa ako ng hadalian ng unan na mukha lang ni Elsa para makatulog siya sa gabi. Wala kasi akong mahanap na mukha lang ni Elsa sa mga mall. Puro kasama iyong ibang cast ng Frozen. Nang wala akong mahanap ay iyak siya ng iyak at muntik ng hikain. Lagi daw kasi siyang nagna nightmare at si Queen Elsa lang ang magpapawala ng mga zombies gamit ang yelo nitong kapangyarihan.
Oo, malawak talaga ang imagination ng anak ko. Minsan ay kinasasakit iyon ng ulo ko pero I love her very much. Lahat ng gusto niya ay ibibigay ko sa kanya. Siya ang naging purpose ko para magpatuloy sa buhay nung mga pagkakataon na down na down ako. I'll do everything to make her happy.
Habang pinapaliguan ko si Azalea ay napaisip ako sa nangyari noon bago siya dumating, bago binago ng isang bata ang buhay ko.
After going back to the province, akala ko magiging okay ako pero hindi rin. Hindi ko pa rin noon nakalimutan si Wilder. My heart aches but I longed for him. Hinahanap-hanap pa rin siya ng sistema ko kaya I tried to win him back.
Kahit galit na galit na sa akin ang Ate Ana ko sa pagpapakatanga ulit ay bumalik ako sa Manila. I went to his pad, nagmakaawa ako para lang balikan niya. Isang buwan din akong ganoon, naghihintay at pilit siyang kinakausap pero hindi naman niya ako pinakinggan. He never looked at my eyes again. Madalas pa siyang may babae na dinadala sa bahay niya. I felt so useless. I felt so cheap.
BINABASA MO ANG
The Heart Of The Matter
Short StoryAfter years of struggling in pain, she finally moved on from the heartbreak brought by the guy in the past. That's only what she thought. (Sequel of Don Juan)