2. Not your daughter

921 46 0
                                    

"Sino iyong tinititigan mo sa labas? Na-inlove ka ano?" panunukso ni Ate Elliah sa akin pagkahanap ko sa kanila sa loob ng restaurant. Mabuti na lang ay nasa isang private room kaming pamilya. Kaagad akong naupo sa tabi ng anak ko dahil nanghina bigla ang tuhod ko.

"Bakit? Sino ang nakita?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ate Ana habang tinitignan ako ng makahulugan. Umiling ako sa kanya.

"May lalaki kasing gwapo sa labas tas nagulat si Cosette. Na-starstruck yata." pagkwento pa ni Ate Elliah. Mataman namang nakikinig si Papa at Mama. My mother was looking at me suspiciously. Ganoon na ganoon sa titig ni Ate Ana. Ang Lola ko namang nakaupo sa wheelchair ay nakatingin lang sa apo niya.

Inasikaso ko na lang si Azalea the whole time na kumakain kami ng dinner. Kung bakit ba naman kay malas ko ngayong unang araw namin dito!

Sabagay, magkikita at magkikita naman talaga kaming dalawa. I sighed. Bakit nga ba ako namomoblema sa wala? Bahala siya sa buhay niya!

"Sa amin muna si Azalea ngayon, anak. Mag-gala muna rin kayo ng mga ate mo." salita ni Mama nang matapos kaming mag-agahan kinabukasan. Pinaliguan ko na si Azalea at handa na siyang umalis kasama ang mga magulang ko.

"Hindi ka ba talaga sasama? Last aya ko na 'to," pangungulit ni Ate Elliah nang mas mauuna pa silang lalayas ni Ate Ana kaysa sa magulang namin. Magba-biking sila sa buong bayan. Ayoko naman dahil tinatamad ako at ayokong maglalabas. She hissed at me saka sila lumayas.

Naghuhugas ako ng pinggan nang magpaalam naman sila Mama na sila na ang aalis. A-attend sila ng college reunion ni Papa.

"My! Ganda po ng buhok ko oh, parang kay Queen Elsa! Braid ni Lola!"

Pinunas ko ang basang kamay ko sa short ko saka lumuhod sa harapan ng anak ko. Inayos ko ang buhok niyang katulad nga ng kay Elsa. Tuwang-tuwa siya sa buhok niya. Sa Maynila kasi ay hindi ko iyon nagagawa sa kanya dahil hindi naman ako marunong mag-braid. Panay ko lang pino-pony at pigtail ang buhok niyang mahaba. Dinadaan ko na nga lang sa makukulay na pamusod para matuwa siya.

"Selos naman si Mommy! Ayaw mo na sa mga ponytails ko?" nilungkutan ko ang boses ko. Nanlaki naman ang mata niya.

"Lah! My, no! Love kita! Number one pa rin ponytails mo!" Niyakap niya ako. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Nanlalaki ang mata niya habang sinasabi niya iyon sabay pout sa huli. Hinaplos ko lang ang likod niya. May bimpo namang nakalagay roon.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso sabay tingin sa mata niya. Ganoon ako kapag may sinasabi ako sa kanyang mahalaga. "Papakabait ha? Iyong bag mo, huwag iiwan kung saan-saan."

She smiled at me. "Yes, mymy! Love you!"

"Love you too, baby." I hugged her tight. Hinalikan ko siya sa pisngi saka siya ibinigay kay mama na pinagmamasdan kaming mag-ina. Hinatid ko sila hanggang sa gate at kaway naman ng kaway ang anak ko hanggang makasakay sila ng jeep.

"Bye, mymy! Bye bye!" sigaw niya pa habang nasa kandungan ng lolo niya. Nag-flying kiss pa siya ng palayo na ang sinasakyan nila. I gave her a flying kiss too.

Magsasara na dapat ako ng gate ng mabaling ang tingin ko sa kabilang kalsada. Parang dati lang na scenario na nakatayo roon si Wilder at nakatingin sa akin. Ang pinagkaiba lang ngayon ay hindi siya nakangisi, seryosong-seryoso ang mukha niya.

At dahil wala naman na akong business sa kanya ay kaagad na akong pumasok sa amin at isasara ang gate ng bigla na lang siyang tumawid at pigilan ako sa tuluyang pagsasara nito. He opened it and he entered our lot.

"What are you doing--" I stopped talking when he kissed me. Hinawakan pa niya ako sa may panga at ang isang kamay ay nasa braso ko para ilapit ako sa kanya. Just what the hell?!

The Heart Of The MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon