I put my family again in a very tormenting situation and it really annoys me a lot. Gustong-gusto ko nang batukan ang nasa harapan ko dahil sa ngiti niya at sa pagkakahawak sa kamay ng anak ko.
"Hala ka! Close na kaagad kay Zayzay." bulong ni Ate Elliah habang naglalakad kami sa likuran ni Wilder at Azalea. Napatalsik ako sa pwesto ko kanina. Ang kapal lang talaga ng mukha!
"Mauna na ko sa bahay at masakit na ang likod ko. Sumunod na kayo pagkatapos nitong sagalahan." walang ganang salita ni Papa nang ilang lakad pa lang ang nagagawa namin.
"Ang bilis mo naman mapagod, Pa? Dati nga hanggang sa kabilang barangay ay kaya mong lakarin-" Nahinto si Ate Elliah nang ibigay sa kanya ni Ate Ana ang bag na naglalaman ng pagkain. Nakasimangot siya at iba rin ang timpla ng mukha.
"Sasama na ako kay Papa."
"Kayo na muna bahala mag-ilaw sa apo ko ha." salita na lamang ni Papa sa dalawa niyang pamangkin na teenager at umalis na sila. Alam ko namang dahil kay Wilder kung bakit sila umalis. Hindi nila matagalan ang manhid na ito.
Kung bakit ba naman kasi hindi siya makaramdam? Bonding namin itong pamilya!
"Ikaw ba, Ma baka umalis ka rin?" biro ni Ate Elliah kay Mama. Siniko ko naman siya dahil hindi rin maganda ang mood ni Mama. Lahat naman kami ay badtrip sa nangyayari.
"My! Look oh. Cute nung toy."
Lumingon sa akin si Azalea at pinakita ang kinaiinisan kong laruan ngayon. Nakalingon na rin si Wilder sa akin pero hindi ko siya tinignan. Ngumiti lang ako ng pilit sa anak ko.
"Tingin na sa harapan, Zay. Maraming tao. Smile na, apo." pagtuturo pa ng nanay ko sa apo niya. Sinunod naman siya ng anak ko at may pakaway-kaway pa sa madla. Turo rin ni Mama iyon. Napapailing na lamang ako.
Tahimik lang ako buong sagalahan. Kahit nga may mga kakilala akong bumati na maganda kaming mag-ina ay ngiti lang ang binigay ko sa kanila. Hindi na ako nagsasalita dahil wala na akong gana. Sira na ang gabi ko.
"Hindi ka pa ba pagod, beh?" tanong ni Ate ng umiinom na ng juice si Azalea. Malapit na kaming makarating sa simbahan at salamat naman dahil hindi siya nagrereklamo. Kahit masakit aminin ay si Wilder ang dahilan noon. Nililibang niya ang anak ko sa pagkukwento, pagpapatawa at pagkanta-kanta nila ng kanta sa Bonakid na commercial. Iyong three pataas, bonakid three plus. Hay naku!
"Hmp! Ayoko na pong i-carry iyan, Tito Wilder! Pagod na po ako." Hinagis ni Azalea ang kanina pa niyang hawak na letter M at buti na lamang ay nasalo iyon ni Mama. She looked at me.
"My! Mommy! Buhat na, pagod na po ako." Nagpapakarga siya. Lalapit pa lang ako ay nagsalita na ang atribida.
"Let me carry you, Azalea." Binuhat ni Wilder ang anak ko at tuwang-tuwa naman si Azalea. Bwisit na gabing ito!
"Tall ka po ah."
"Oo naman, baby."
Napairap ako at naglakad na lang hanggang sa makarating sa simbahan. May ilan akong kakilala ko roon na binati ako.
"Cosette, anak mo na ba iyon? Kay gandang bata ah."
"Oo, anak ko."
Nasa may kalapit na pew sila Mama at Ate Elliah katabi si Azalea na nakakandong kay Wilder. Nilalaro niya ang buhok ng epal. Inis na inis talaga ko sa kanya ngayon! Nawala ang galit ko kay Elsa at naibuntong ko sa kanya.
"Iyong lalaki? Asawa mo? Ang gwapo ah! Kaya pala kay ganda ng anak mo eh, kuha lahat! May namana ba sa'yo? Parang wala naman!" Natawa pa siya. Tirisin ko kaya ang babaeng ito?
BINABASA MO ANG
The Heart Of The Matter
Short StoryAfter years of struggling in pain, she finally moved on from the heartbreak brought by the guy in the past. That's only what she thought. (Sequel of Don Juan)