The Heart of the Matter: Wilder Rouel

984 61 37
                                    

"Wilder."

I looked back and I saw my brother entering my room. Nakaputing shirt pa lamang siya at pants. Hindi pa pala handa ang gago sa kasal niya mamaya.

"What do you want?" tanong ko kaagad. Sumasakit ang ulo ko sa hindi pagkakatulog.

"Dito raw nagpalipas ng gabi si Mama sa kwarto mo." salita niya at isinara ang pinto. Naupo siya sa dulo ng kama ko habang ako naman ay nasa sofa. Tumango lang ako ng tamad sa sinabi niya.

Alam ko namang panimula lang niya iyon. Hindi iyon ang talagang sinadya niya. Kapatid ko siya kaya kilala ko siya. Kahit naman hindi kami close ay alam ko ang mga kilos niyang ganyan.

Napansin ko naman ang panay niyang ngiwi. Sinita ko naman siya.

"Wala lang ito. Hang over." sagot niya. I hissed. Kung bakit ba naman nagpakalasing pa kagabi samantalang kasal na niya ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ang utak ng kapatid kong ito.

"May hang over ka pala eh, huwag mo nang ituloy ang kasal." Kaysa mainis sa sinabi ko ay natawa siya. Nag-igting ang panga ko. It supposed to be a threat but damn!

"Don't be bitter about us, bro. Makakahanap ka rin ng para sa 'yo." Nakangiti niyang sinabi sa akin. That's the problem with Collier. He is always this smiling bastard and patient. Siguro iyon ang nagustuhan sa kanya ni Cosette na wala sa akin.

I slowly nodded. "Yeah..."

"Kaya pala ako narito para sabihin sa 'yo na ikaw ang best man ko mamaya." 

"What the fuck?!" I hissed. He laughed again. Tanginang tawa 'yan! Nakakapikon ah.

"I know that we were not close when we were teens..."

"Until now..." pagtatama ko sa sinabi niya. Nakakagago tumawa eh. Fuck.

"Yeah, pero kung hindi mo natatandaan dati ay close tayong dalawa noong bata. Kapag may nang-away sa 'yo, susugurin ko para lang hindi ka asarin. Lagi pa tayong magkatabi noon kapag natutulog. You were so little that time that I always wanted to protect you and care of you because you're my little bro."

"Cut the crap, kuya! Matagal na iyan. Hindi ko nga maalala. Bakit ba gusto mo akong maging best man? Hindi ba mas maganda kung hindi na lang ako? Things are different now."

"Because you've changed. You excluded yourself to your family and to your friends. Iyong mga taong totoong nagmamahal sa'yo. Being an illegitimate child doesn't mean you have to left us, to make girls heartbroken and letting yourself to be the bad guy. Hindi naman ikaw iyan. Nagpapagamit ka sa galit at hinanakit mo para gumawa ng mga bagay na hindi naman ikaw, Wilder Rouel." He sighed. "I just want you back, little bro. Lalo na para kay Mama. Kahit hindi ko tanungin ay alam kong may bumabagabag sa kalooban ni Mama ng dahil sa'yo kaya sana magkaayos na tayong muli. Kahit para na lang kay Mama, Cosette at sa mga bata kung talagang may galit ka pa rin sa akin, tatanggapin ko. Hindi na rin ako magtatampo kung ayawan mong maging best man ko basta lang ay ipangako mo na hindi ka na magiging katulad ng dati. Hindi lang ikaw ang maaapektuhan ng lahat ng ginagawa mo, pati na rin kaming nag-aalala sa'yo..."

Napatingin ako kay Collier at ganoon din siya sa akin. Ilang minuto lang ay napahinga ako ng malalim at tumango.

"Para saan ang pagtango mong iyan?"

The Heart Of The MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon