5. Hey, are you still okay?

779 37 4
                                    

"Okay ka na ba? Tawagan ko na si Collier?"

Umiling ako kay Ate Elliah na kanina pa nag-aalala sa akin. Bumababa naman ng hagdan si Ate Ana ng may kumakatok sa gate.

"Ako na." ani Ate Elliah sabay alis. Tumabi naman sa akin si Ate Ana at hinagod ang likuran ko. "Tulog na si Azalea kaya sarili mo muna ang intindihin mo ngayon."

"Salamat, ate."

Tumango lang siya at lumingon sa likuran ko. Sumara ang pintuan at tumayo sa tabi ko si Ate Ana. Lumingon ako sa tinitignan niya at nakita ko si Collier. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap.

"I miss you so much, Cosette. Heaven knows how much I longed for you and Azalea..." bulong niya sa tainga ko. Tumango lang ako at isinubsob ang mukha ko sa shirt niyang suot. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng ulo ko.

"Bakit ka umiyak? Hindi ba't sabi ko naman sa 'yo huwag kang iiyak habang wala ako? Alam mo namang wala ako rito para ipagtanggol ka..." mahinahon niyang sinabi nang maupo kami sa sofa. Iniwan kami ng mga ate ko at umakyat sila sa itaas.

Pinahiran niya ang mga luha ko sa pisngi. Napatingin ako noon sa mukha niya. "Ikaw. Bakit ganyan ang mukha mo?" Nag-alala naman ako. Namamaga ang pisngi niya at may pasa iyon. May cut din ang gilid ng labi niya. Napangiti siya ng malungkot.

"Alam na niya. May ginawa ba siya sa 'yo? Sinaktan ka ba niya?"

Umiling kaagad ako. "Hindi niya ko sinaktan, Collier. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagalit ng ganoon. Hindi ko kaagad sinabi sa kanya na ikaw ang tatay ni Azalea."

"Wala kang kasalanan, Set. Kahit malaman naman niya ng maaga o hindi, magagalit pa rin siya dahil ako ang ama. Galit siya sa akin mula noong highschool pa kami. Akala niya ay ako ang laging pinapaboran." He sighed. "Kung ako nga ang paborito ay hindi ko na dapat isinakripisyo ang buhay nating dalawa na magkasama. Kung ako ang pinapaboran ay siya dapat ang nag-ayos ng negosyo sa Italy na sa kanya naman nakapangalan."

I hugged Collier tight. Ang lalaking mahal ko. The man who can be selfless for the sake of his brother. He sacrificed a lot for his family at ako ang naaawa sa kanya noon sa hirap. Kahit noong umalis siya papuntang Italy ay hindi ko nagawang magalit sa kanya dahil sa pamilya niya iyon. Sa nangyari noon sa akin kay Wilder ay na-realize kong dapat ang pamilya ang inuuna. Sila ang nandyan sa iyo sa lahat ng oras at kung papipiliin din ako ay uunahin ko muna ang pamilya ko bago ang sa aming dalawa. Makakapaghintay naman kasi ang sa amin kaya naiintindihan ko ang sitwasyon niya.

Ilang buwan ang lumipas nang nawala si Wilder ng walang nakakaalam sa pamilya niya. Nawala siya na parang bula. No texts. No mesaages. No communication at all.

Ang sabi naman sa akin ni Collier ay hindi naman na bago iyon sa kapatid niya. Ganoon din daw ito dati pa at ang pinakamatagal na pag-alis ay isang taon. Malaman-laman lang nila pag-uwi nito ay nasa Madrid pala ang loko at nagpapakasaya roon. Sana nga ay ganoon lang ang ginagawa niya ngayon para mawala naman ang bigat sa loob ko. 

I know he is hurt. I can see it in his eyes the last time he looked at me. It was a burden for me. Kahit hindi ko naman sadya ay parang kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Kung hindi lang siya kaagad nag-assume ay baka nailigtas pa namin ang puso niya. Nailigtas ko pa ang puso niya.

I wanted to say sorry to him dahil akala niya siguro ay natraydor namin siya ng kapatid niya — which we didn't because we both love him. Hindi ko nga akalain na sa kapatid pa niya ako mapupunta.

Sino ba ang mag-aakala?

I love Collier with all my heart. Siya ang taong bumuo sa akin at ang taong pinangarap ko mula noon pa. I know that what we have will last forever. Hindi ako naghihiganti o anupaman. My love for him and to our kids — Azalea, Zaynea and Zayne are pure.

The Heart Of The MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon