"Baka umuwi na ang kapatid mo sa susunod na linggo. Sana naman ay nandito ka noon, Wilder," pakiusap ni Mama habang kumakain kaming pamilya ng tanghalian sa hapag. Tumango na lang ako dahil ayoko ng mapahaba pa ang usapan dahil dadalhin ko sa Ocean park si Azalea.
"I'm done. Una na ako, Ma." paalam ko at tumayo para yakapin si Mama. Si Papa naman ay walang imik. Hindi ko na siya pinansin.
"Saan ka ba pupunta't naghahadali ka?" tanong ni Mama habang hawak ang braso ko upang pigilan ako sa pag-alis.
"Pupuntahan ko ang anak ko, Ma." sagot ko na lang. Alam kong napaangat ang tingin ni Papa sa narinig pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at umalis ng bahay. Pagdating ko sa harapan ng bahay ng lola nila Cosette ay nandoon na silang mag-ina at naghihintay.
Pababa pa lang ako ng sasakyan ay kaagad namang pagpasok ni Azalea at Cosette sa likuran.
"You don't have to act like a gentleman. Makita pa kami nila Papa." masungit na bungad ni Cosette habang nakakunot noo. Inaayos niya ang mga dalang gamit sa tabi niya habang si Azalea naman ay nakasuot ng shades. Tumayo siya at lumipat sa katabi kong upuan.
"Dito na lang po ako..." She giggled. Nginitian ko lang siya at inayos ang seatbelt niya. "Ano pong itatawag ko sa inyo? Ayoko po ng Tito kasi common. Cliché po eh." Nag-pout pa siya.
I laughed. "Saan mo naman natutunan ang salitang cliche?"
"Naririnig ko pa kay Tita Elliah." Napahagikgik siya. Napangiti naman ako. "Ano pong itatawag ko sa inyo?"
"Kahit anong gusto mong itawag okay lang sa akin."
"Talaga?" Tumango ako. Napaisip siya ng nakataas ang tingin at nakaturo ang isang daliri sa pisngi. Pinaandar ko naman na ang sasakyan. I can see Cosette on the rearview mirror typing on her phone. Pati rin siya ay may suot na shades katulad ng kay Azalea.
She looks so bitchy and elegant with the shades on. She is also wearing her usual style, a knee length dress and doll shoes. Kulay asul ang kulay ng damit niya ngayon at tumitingkad ang kaputian niya ng dahil doon.
"Aha!" Binalingan ko si Azalea na parang tuwang-tuwa sa naisip. Tinanggal pa niya ang shades niya at humarap sa akin ng upo. Sinaway naman siya ni Cosette. "Eh mymy, may naisip na po akong tawag sa kanya!
"Ano naman, Azalea?" pagsusungit ng mahal ko sa anak naming dalawa. Yes, I already love her. Matagal ko na siyang mahal pero hindi ko lang napansin noon dahil malaki akong gago. I know that I've been a jerk to her and I want to apologize for hurting her and everything but she keeps on putting a distance on us.
Ngayon nga lang siya sumama sa lakad namin ni Azalea. Ang sabi niya ay dahil sa malayo ang pupuntahan at ayaw niyang may mangyaring hindi maganda. Palagi na niyang hinahayaan na makasama ko si Azalea at ikinatutuwa ko iyon. Mas nagiging close kami ng anak ko sa halos isang buwan na naming pagbo-bond na dalawa.
"Papa na lang po kaya para cute? Di ba, mymy?"
"Ano? Anong cute roon, Azalea? Pinaiinit mo ang ulo ko!" She hissed. Kulang na lang ay umusok ang ilong niya. Natatawa na naman ako.
"Eh cute naman po, di ba?" pagtatanong ni Azalea sa akin. Tumawa na ako ng malakas at tumango. Kita ko kaagad ang sama ng tingin ni Cosette. Kung nakakamatay siguro ang tingin ay matagal na akong patay.
"Cute nga, baby. Iyon na lang ang itawag mo sa akin." I winked at Azalea. She gave me a purpose and if she and her mom continue to be part of my life, I'll change into the best version of myself.
"Yes, Papa!"
I can hear Cosette's sharp intake of breathes but I just laughed. I can deal with her later but the happiness in my heart is overflowing. It is all because of this little girl who will definitely change my entire life.
BINABASA MO ANG
The Heart Of The Matter
Short StoryAfter years of struggling in pain, she finally moved on from the heartbreak brought by the guy in the past. That's only what she thought. (Sequel of Don Juan)