"INEVITABLE LOVE"
Written by: BlueberrymilkshakePROLOGUE
Terrence Lloyd Sandoval, gwapo, talented, matalino, mayaman at perfect boyfriend, yan ang madalas kong marinig sa halos lahat ng babaeng estudyante dito sa school namin.
"Ang swerte naman ng girlfriend niya!"
"Kung ako lang ang girlfriend ni Prince Terrence! Hinding-hindi ako magloloko! Magiging loyal ako sakanya! Eeek!"
"He's so hot talaga!"Napailing na lang ako sa mga naririnig ko, pwede ba maghanap kayo ng ibang lugar? Ang iingay niyo! Kung pwede ko lang sanang sabihin yun, pero dahil ayoko ng gulo, mas mabuti pang manahimik na lang.
"ERI!" agad ko namang itinago ang mukha ko sa hawak kong libro
"What do you think you're doing?" sabay hawak niya sa librong hawak ko
"Huh? Eh? Nandyan ka pala? Ehehe" pilit na tawa ko, malas.
"Puntahan mo si Katy-"
"Kaye" pagsasabat ko ko, ni pangalan ng girlfriend hindi matandaan.
"basta yung girlfriend ko ngayon, tell her that I'm breaking up with her"
"Nanaman? Anong irarason ko?"
"Uhh..Her face makes me sick"
"Huh? Wala bang iba?"
"Just do what I asked you to do, now!"
"Psh. Opo kamahalan"
"Good" at saka niya ako iniwan
"She's Santos right? Ang swerte niya talaga"
"Buti na lang hindi siya maganda"Tumayo naman ako kaagad, hindi ba sila nagsasawa sa mga sinasabi nila tungkol sakin? Ako kasi sawang-sawa na, anyway, kailangan ko nang sundin ang utos ni kamahalan, dahil kung hindi, katapusan ko na.
***
"WHAT?! WHY?!" Halos mabasag naman ang eardrums ko sa sigaw niya.
"Uh, sinabihan siya ng manghuhula na mapapahamak daw siya kapag hindi siya nakipag-break sayo" err, ayoko naman kasing sabihin yung walang kwentang rason ni Rence, atleast ito medyo hindi nakaka-hurt? Ata?
"What the heck?! Sa tingin mo maniniwala ako sayo?! Kilala ko si Terrence! He's not that type of guy!" sigaw niya, Pweh! Pwedeng masuka?
"Pero yun nga yung sinabi niya" siya na ata ang pinaka slow sa lahat nang naging girlfriend ni Rence
"Or..pwera na lang kung, gusto mo kaming paghiwalayin?"
"Huh?" Kunot noo kong tanong sakanya, ew lang huh!
"Gusto mo lang na paghiwalayin kami ni Terrence dahil nagseselos ka!"
"..."
"You b*tchㅡ" sasampalin niya na sana ako nang biglang may pumigil sa kamay niya.
"T-terrence!"
"What the hell are you doing?"
"Terrence! Siya ang nagsimula! Gusto niyang magbreak tayo!" Sabay yakap niya kay Rence.
"I'm not talking to you, Eri why are you still here?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, anong ginagawa mo dito?" Like duh? Kaya niya nga inutos kasi ayaw niyang makipagkita sa babaeng to diba?
"Ang tagal mo kasi, nagugutom na ko"
"Edi kumain ka" bigla niya namang kinurot ang pisngi ko, "adaaay!"
"Inuutusan mo ko?"
"Sowie poosh!" aack! Ansaket!
"Terrence! Hindi naman totoo diba? Hindi ka naman nakikipag-break sakin dahil lang sa hula, right?"
"Hula?" at tiningnan ako ni Rence ng masama, patay.
"Right, hindi totoo yun"
"I know! I love you Terrence!" Hinawi ni Rence ang buhok ni Kaye at saka hinaplos ang kanyang pisngi, ew yuck! Gusto ko nang umuwi!
"Cos, your face makes me sick"
"W-what?"
"Get lost, I don't wanna see your ugly face ever again"
"B-butー"
"I-said-get-lost!"
"T-Terrence you jerk!" At hinampas niya si Rence sa dibdib bago tuluyang tumakbo palayo habang umiiyak.Kawawa naman..
Kilala niya daw si Rence, sorry pero mas kilala ko siya (sa kasamaang palad), si Terrence Lloyd Sandoval, gwapo, talented, matalino, mayaman, perfect boyfriend? (Ew) pero ang hindi nila alam..siya ang evil prince of darkness, tamad, spoiled brat, kuripot, malakas mang-asar at suplado, kaya kahit siya na lang ang natitirang lalake sa mundo, mas pipiliin kong pa ring maging single.
"Eri, dun ako magdidinner sa bahay niyo mamaya"
"Huh?! Bakit?! May bahay ka naman dun ka!"
"Come to think of it, what the hell was that HULA? Does this mean you're making me look like a weirdo?!" kunot noong sabi niya
"Eh kasi naman ang sama ng ugali mo" bulong ko
"May sinasabi ka?"
"W-wala po kamahalan! Sabi ko itetext ko si Mama na dun ka mag didinner" kainis!
"Dapat lang! Alipin ka."Kita mo na? Kahit kailan, hindi ako maiinlove sa taong tulad ni Terrence Lloyd Sandoval. As in NE-VER!
Speaking of love, kailan kaya ako mai-inlove?
Well, sabi nga nila 'love is inevitable' daw, hindi mo maiiwasang ma-inlove, at lalong hindi mo mapipili kung kailan at kanino ka maiinlove. Kaya siguro, I'll just go with the flow?
"Eri, tara na, ano pang inaantay mo jan? Tch."
"Tch! Oo na po KAMAHALAN!"Pero sa tingin ko, hangga't alipin ako nang hari ng kadiliman na to, wala pa akong oras para ma-inlove! Ugh!
(A/N: New Story Up! Thank you for reading! I know, lame title, (kinda) lame plot, pero inspired akong isulat ang story na to eh, pasensya na ^_^v haha)
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
RomanceErika Santos, isang simpleng estudyante na naghahangad lamang ng payak at matahimik na school life. Terrence Lloyd Sandoval, ang taong sumira sa hangarin ni Erika sampung taon na ang nakakalipas. In a master-slave relationship, yan ang relasyon ng d...