Chapter 29

81 8 1
                                    

Chapter 29

"Times up!" sabi ko bago ko kunin ang test papers nina Rence.

Tahimik lang ang tatlong itlog na kasama ko, kinailangan ko pa kasing bantaan na paguumpugin ko silang tatlo kapag hindi sila tumigil, daig pa nila ang mga bata kung mag-asaran.

"Eri, sakin ka sasabay."

"Ha? Ren-"

"No, she's coming with me." pagsasabat ni Harry.

"Piggy! Since we missed each other so much, I'll drive you home." sabi naman ni Tyrone.

Ugh.

Ayan nanaman sila.

"Shut up monkeys, Eri's coming with me."

"No YOU shut up."

"Come on seniors, be good to your junior."

"HEP! Tama na yan! Hindi ako sasama sa kahit na sino sainyo, uuwi akong mag-isa." kunot noo kong inayos ang mga test papers at iniwan sila.

Ugh! Nakakaloka! Para silang mga bata! Psh!

"Eri!"

"Erika!"

"Piggy!"

Huminga ako ng malalim at agad tumakbo papalayo, ang iingay nila! Gusto ko ng katahimikan!

Nang maibigay ko sa student assistant ang mga test papers, agad na akong bumaba sa building, tumingin ako sa paligid at baka nandyan yung tatlo pero buti na lang wala.

Tiningnan ko ang oras, 15 minutes na lang bago ang uwian nina Jino, tamang tama mag ko-commute na ako.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng bus, sana hindi traffic para hindi mabagot si Jino kakahintay sakin.

*beep beep*

"At palaka!" napatingin ako sa sasakyang bumusina

"Hi miss, need a ride?" nakangiting sabi niya.

"H-Harry?"

"Let's go? You're little brother is waiting right?"

"Oo, pero sabi ko nga hindi ako sasabay diba?"

"Come on Erika, the two brats are not here anymore, you don't need to worry"

"Uh..Wag na Harry, mamaya niyan makita pa tayo ni Rence, magalit pa yun."

"I'm not scared of him."

"Ehehe" pilit na tawa ko, "ikaw hindi, ako oo."

"Hm, I see, you like him so much huh." nagulat naman ako sa sinabi ni Harry.

"H-ha?! Ako?! E-ew! San naman galing yan Harry?! HAHAHA!" pilit na tawa ko.

"Don't worry, I won't tell him." napatingin lang ako kay Harry, seryoso siya.

"H-halata na ba?" tanong ko habang nararamdaman ang pag init ng mukha ko.

"Uh, you want me to tell you?" tumango ako bilang sagot.

"Sakay na" at binuksan niya ang pinto ng kotse niya, ako naman etong nawala sa katinuan at agad sumunod sa sinabi nya.

Pagkasakay ko, agad niyang pinaandar ang kotse.

"Sa ---- ang school ni Jino."

"Oh okay."

Nakakabinging katahimikan naman ang bumalot saming dalawa habang nasa biyahe, ewan ko ba, kanina gusto ko siyang tanungin at malaman ang mga sqgot sa mga tanong ko, pero ngayon parang nahihiya na ko, pinagsisisihan ko tuloy kung bakit ako sumakay dito sa kotse niya, dapat nag bus na lang ako eh! Tangengot ka talaga Erika! Ugh!

Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon