Chapter 25
*DING DONG!*
Inayos ko ang pagkakahiga ni Rence, kinumutan at nilagyan ng basang towel sa noo bago ko tuluyang tingnan kung sino ang dumating.
*DING DONG!*
"Oo na!" lakas ng loob kong magsalita kasi soundproof naman tong unit ni Rence, hindi niya ko maririnig.
Nang tingnan ko ang screen ng intercom.
"EH?! KUYA?!" agad kong binuksan ang pinto.
"Yo!" nakangiting bati niya.
"Anong-"
"Ate, pinabibigay ni Mama." sabay abot ng isang bag sakin ni Jino.
"Jino??? Panong-"
"Daming tanong, pasok na kami, tara na Jino." at nilampasan nila ako nang hindi man lang sinagot ang mga hindi ko natapos na tanong.
Naupo sila sa sopa at inabot ang remote na para bang bahay nila ang unit ni Rence.
"Kuya! Anong ginagawa niyo dito? Sinama mo pa si Jino, eh pano kung mahawa yan?"
"Erika, dito lang kami ni Jino, hindi kami lalapit jan kay Terrence kaya wag kang mag-alala."
"Kahit na, bat ba kasi kayo nandito?" ang alam ko may pasok siya pag sabado, eh sabado bukas.
"Erika, baka nakakalimutan mo, babae ka lalake si Terrence, mamaya niyan..pagsamantalahan mo si Terrence, may sakit pa naman."
Eeeeh?!
"At talagang kay Rence ka pa concern ah? Kuya ako kaya tong babae! At hindi ko pagsasamantalahan si Rence noh!" mata-touch na sana ako kay Kuya pero hindi naman pala para sakin ang pag-aalala niya.
"Ah basta! Alagaan mo na yang pasyente mo para gumaling na, dito lang kami ni Jino."
"Tss. Opo!" si Kuya talaga.
"Nga pala, pinapatanong ni Mama kung uminom na ba ng gamot si Terrence?"
"Uhh, may itinurok yung doktor sakanya, tapos bukas, ito na ang iinumin niya" at kinuha ko mula sa bulsa ko ang tabletang ibinigay sakin kanina ni doc.
"Ahh, okay." sabi ni kuya bago ituon ang atensyon sa telebisyon.
Binuksan ko naman ang bag na ibinigay ni Jino at nakita ang mga damit ko, mag o-overnight nga kami dito.
"Erika." biglang sabi ni Kuya.
"Ano yun?"
"Pagka gising ni Terrence, anong ipapakain mo?"
"Yung pinadala ni Mama, yung adobo."
"Pffft! Hahahahaha!!"
Huh? Bat niya ko pinagtatawanan?
"Huuuh? Kuya? Bat ka tumatawa? Baliw ka na ba?"
"Hahahahaha!" tawa niya habang nakahawak pa sa tiyan.
Eeh?! Hindi ko siya maintindihan!!!
"Ate, mas mabuti siguro kung yung madaling nguyain at lunukin ang ipakain mo kay Kuya Terrence." biglang sabi ni Jino.
"Eh?" may point si Jino.
"Hahaha! Haaaaay! Nakakapagod tumawa! Haha! Yan ang problema sa masyadong matalino, nakakalimutan ang common sense hahaha!" naluluha-luha pang sabi niya.
Oo nga pala, may sakit si Rence.
"Oo na oo na! Ang OA mo kuya, bili ka na ng lugaw." utos ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
RomanceErika Santos, isang simpleng estudyante na naghahangad lamang ng payak at matahimik na school life. Terrence Lloyd Sandoval, ang taong sumira sa hangarin ni Erika sampung taon na ang nakakalipas. In a master-slave relationship, yan ang relasyon ng d...