Chapter 26
10 years ago...
"Class listen, you have a new classmate!" sabi ng dalagang guro bago tawagin at papasukin ang isang batang lalake, "now, tell us about yourself." dagdag niya.
Napatingin muna sa labas ng silid aralan ang batang lalake at pilit hinanap ang kanyang ina ngunit tanging ang katulong at bodyguards niya lang ang nakita niya, huminga muna siya ng malalim at saka nag-salita, "My name is Terrence Lloyd Sandoval, nice to meet you."
"Nice to meet you too Terrence!" sabay-sabay na sabi ng mga bata.
"Okay, you can sit there, and we'll start our class." sabi ng guro habang nakaturo sa isang bakanteng upuan sa tabi ng isang batang babae, agad namang sumunod si Terrence at naupo.
Bago nagsimula ang klase, napansin ni Terrence ang pagtingin sa kanya ng mga kaklase niya na tila ba namamangha at gustong makipagkaibigan, pero dahil sanay na siya na palaging nakakakuha ng atensyon, hindi niya ito pinansin at napatingin sa batang babaeng katabi niya, nagsusulat ito at mukhang walang pakealam sakanya, kaya imbes na matuwa, nakaramdam siya ng kaunting pagkainis, ito kasi ang unang beses na may ibang bata na walang pakealam sakanya.
Hanggang sa matapos ang tatlong subject, hindi maiwasan ni Terrence ang magtaka kung bakit hindi siya pinapansin ng katabi niya.
"Terrence! Laro tayo!" sabi ng isang batang babae.
"Terrence pwede ba tayong maging magkaibigan?" sabi naman ng isa pa.
At dahil hindi mahilig makipagkaibigan si Terrence, nainis siya at tumayo.
"Terren-"
"Leave me alone ugly." sabi niya dahilan para umiyak ang batang babae at tumakbo palabas sa classroom.
"That's mean Terrence!" sabi ng isa niya pang kaklaseng babae.
"Then stop talking to me." bago siya tuluyang umalis, napatingin siyang muli sa katabi niya, nagulat siya nang makitang nakatingin rin ito sakanya, pero hindi matagal, muli siya nitong hindi pinansin at itinuon ang atensyon sa librong hawak nito.
"Tsk!" inis na lumabas si Terrence sa classroom at lumapit sa maid niya.
"Sir Terrence, why don't you play with them?
"I don't need friends." sagot ni Terrence bago i-abot sakanya ang kanyang PSP at paglauruan ito.
"Erika! Laro tayo!" at dahil sa malakas na boses ng mga bata sa loob ng silid aralan, hindi naiwasan ni Terrence ang mapatingin.
"Uh, ano bang laro?" sagot ng batang babaeng katabi niya kanina.
"Erika? Tch. Boring." sabi ni Terrence bago ituon ang atensyon sa kanyang laruan.
***
"Children are you ready?" tanong ng principal.
"Yes Principaaaal!" sagot ng mga bata.
"Okay, three, two, one! Go!" at agad nagsitakbuhan ang mga bata.
Kasalukuyan sila ngayong nag i-Easter egg hunting, bawat bata ay nakasuot ng cute na costume at may kanya-kanya silang hawak na iba't ibang kulay ng basket na lalagyan ng mga Easter eggs.
At dahil nakakuha na si Terrence ng halos sampung Easter eggs, pakiramdam niya ay sapat na ito at masyadong nakakapagod ang paghahanap kaya huminto siya at naupo sa tabi ng isang puno para kumain ng mga kending nasa loob ng mge Easter eggs, hindi nagtagal napansin niyang malapit lang sakanya ang batang tinawag niyang bookworm girl dahil sa pagkahilig nito sa mga libro, nakasuot ito ng alice in wonderland dress at may bunny ears, pinagmasdan niya ito hanggang sa bigla itong sumigaw.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
RomanceErika Santos, isang simpleng estudyante na naghahangad lamang ng payak at matahimik na school life. Terrence Lloyd Sandoval, ang taong sumira sa hangarin ni Erika sampung taon na ang nakakalipas. In a master-slave relationship, yan ang relasyon ng d...