Chapter 28

121 8 3
                                    

Chapter 28

"Here's the test papers." sabay abot ni Ma'am sakin ng test papers para sa special exam ng mga hindi nakapag exam last week.

Ugh. Bat ba kasi ngayon pa sila magmi-meeting kung kailan may pa-special exam sila? Ako tuloy ang napag utusan since ako ang student council president.

Actually, last day na ng special exam ngayon, kaya lang nagkaroon ng emergency meeting ang faculty kaya ipinasa sakin yung pagiging proctor.

Inutusan pa ko ni Mama na sunduin si Jino mamaya, plano ko pa naman tumamabay kasama sina Lizzy at kumain ng street foods habang hinihintay si Jino. Psh!

*Bzzt Bzzt*

"Hello?"

(Erika! Ano na? Matatagalan ka ba diyan?)

"Oo ata eh, sige na Lizzy mauna na kayong umuwi."

(Sad! Sige see you tomorrow na lang!)

"Sige bye"

Uhhh.. Inggit ako! Buti pa sila makakauwi na, ako eto't naglalakad sa hallway papunta sa SSC Office kung saan mageexam yung mga pa-special at ayaw sumabay sa tamang sched ng exam! Ugh!

Speaking of special exam, oo, alam ko yung isa sa mga mageexam.

Ugh!

Binuksan ko ang pinto at agad siyang nakita na nakaupo habang hawak ang phone niya.

*ba-thump-thump-thump*

Akala ko pagkatapos ng date-este yung araw na pumunta kami sa mall at binigyan niya ko ng regalo eh maayos na ang lahat sa pagitan namin, pero hindi. Simula kasi nung lunes bumalik nanaman kami sa dati, pero this time, ako na ang umiiwas sakanya. Tinatawag niya ko pero hinahatak ko si Harry papunta sa ibang direksyon at nagkukunwaring bingi, minsan sasabihin ko na busy ako, akala ko magagawa ko siyang iwasan hanggang matapos ang linggong ito, pero hinde! Bat ba kasi isa siya sa mag se-special exam?!

"Eri.."

*ba-thump-thump-thump*

"H-ha? A-ano yun?"

"Are you gonna just stand there?" tanong niya habang nakatingin sakin.

Napansin ko naman na nasa pinto pa pala ako at hindi pa pala ako nakakapasok.

"A-ah! Sabi ko nga papasok na." Ugh! Erika ano bang pinagagagawa mo?!

Bakit ko nga ba siya iniiwasan?

*ba-thump-thump-thump*

Ito na nga..

Dahil alam na alam ko na ang nararamdaman ko para kay Rence, masyado na akong nagiging conscious, ni mag-tama lang ang mga mata namin nagwawala na tong puso ko sa kaba, ngayon pa kaya na kami lang ang magkasama sa kwartong to?!

Siya lang ba ang mageexam?! Pero bat ang dami ng test papers?

"Want me to help?" nagulat naman ako sa biglang sinabi niya.

*ba-thump-thump-thump*

"A-ah, hindi na no! Maliit na bagay lang to, hindi ko kailangan ng tulong mo."

"But you look troubled."

"H-ha?"

"Eri, don't tell me.." napatingin naman ako sakanya..

*ba-thump-thump-thump*

A-alam niya na kaya?

*ba-thump-thump-thump*

Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon